bc

Daywalker 9,Dylan Lee: The Heart Kipper

book_age18+
1.2K
FOLLOW
2.7K
READ
dark
love-triangle
reincarnation/transmigration
second chance
manipulative
independent
bxg
vampire
apocalypse
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

TANGING eksena sa isang simbahan lamang ang natitira sa memorya ni Charmaine kung saan siya’y nakasuot ng trahe de buda, naghihintay sa kanyang groom. Nagkaroon siya ng temporary amnesia matapos ang isang airplane crash kung saan siya nakasakay.

Ang unang nilalang na nakilala niya sa kanyang paggising ay si Dr. Dylan Lee, ang lalaking sumagip sa buhay niya. Maraming katangian ang binata na nagpapaalala sa kanya ng kanyang nakaraan. Utang niya ang kanyang puso kay Dylan, na inalagaan nito matapos siyang ma-operahan. Ngunit tila mayroon itong ginalaw sa puso niya kaya siya nakararamdam ng espesyal dito.

Udyok nga ba ng kanyang puso ang nararamdaman niya, o baka naman sadyang bahagi ng kanyang nakaraan ang binata?

chap-preview
Free preview
Prologue
Dylan’s Identity Name: Dylan Lee Age: 29 Height: 5’11’ Favorite Color: Black/White Short Profile: Dylan used to work as a cardiologist and surgeon. He follows his father’s step and he always depends on his parents’ decision. He’s not a typical hybrid that sometimes becomes wild and furious. He was brave, yet he can control his emotions easily unlike the other hybrid. He has the ability to control others’ emotions. Dylan knows as has a strong personality, serious and workaholic. He’s not a typical guy who easily attracted women, but he was an ideal lover.   Prologue HINDI napigilan ni Dylan ang palasong tumama sa dibdib ng kaibigan niya’ng si James matapos nito iyong saluin, na sana ay sa kanya tatama. Sinalo niya ang likod nito at inalalayan sa pagbagsak. “James!” Inalog niya ito. Nagsuka ito ng dugo. Mahigpit ang kapit nito sa kanyang kamay. “D-Dylan, s-sorry, hindi ko n-nagawa ang p-pangako ko,” anito habang naghahabol ng hininga. “Huwag ka nang magsalita.” Hindi niya maintindihan kung bakit hinahabol ng mga bampira si James. Wala siyang ideya kung ano ang nangyayari. Nakita lang niya ito na dumaan sa ospital na pinagtatrabahuhan niya kaya sinundan niya. Hiniklas ni James ang suot nitong kuwintas na may bilog na pendant na nabubuksan. “N-nasa loob ang-l-litrato niya. A-alagaan mo siya p-para s-kin. N-naalala mo ba, n-no’ng bata t-tayo? A-ako palagi a-ang assistant mo,” nauutal nang sabi nito at pilit pinaalala sa kanya ang nakaraan. Naninikip ang kanyang dibdib habang nakikinig dito. PINULOT ni Dylan ang bracelet na nahulog sa hardin ng school. Ibubulsa na sana niya ito pero biglang dumating ang batang babae na may-ari ng bracelet. “Hoy! Akin ‘yan!” sabi nito sabay hablot ng bracelet sa kamay niya. “Pinulot ko lang, hindi ko naman nanakawin,” aniya. “Kunwari ka pa!” singhal nito. Ngumiti siya. “Maganda ka sana kaso suplada,” sabi niya. “Pakialam mo!” sabi nito sabay bira ng talikod. Tinatanaw lang niya ito habang kumikinding na naglalakad. Twelve years old siya ngunit mabilis siyang nakaramdam ng paghanga sa babae. Kumislot siya nang biglang sundutin ni James ang pang-upo niya. Dahil sa gulat ay nasipa niya sa sikmura ang kaibigan. Bumulagta ito sa lupa. “Aray! Ang sakit no’n ah!” angal nito. Tinulungan niya ito’ng makatayo. “Bakit kasi nanunundot ka ng puwet?” “Wala lang. Iba kasi ang tingin mo roon sa babae. Crush mo ano?” tudyo nito. “Cute siya, kaso suplada.” “O, ‘yon nga ang maganda. Gusto mo bang ligawan?” “Ligaw? Mga bata pa tayo.” “E ano? Uso na ngayon ‘yon. Ano, ilalakad na ba kita sa kanya?” “Sige ba. Kapag nagustuhan niya ako, ipapasyal na kita sa vampire academy.” “Ayos! Sige. Sisimulan ko nang ireto ka sa kanya. Best friends forever.” “Forever.” Nagdaop ang mga palad nila. Inakbayan siya ni James saka sabay na silang pumasok sa classroom. Pagkatapos ng klase ay tumambay sila sa covered court. Nakita na naman niya ang mataray na babae. Hindi niya maintindihan bakit aliw na aliw siya rito. Naalala niya, ang sabi ng mommy niya, kapag mataray raw ang babae ay madaling mahuli ang pagkatao. “Ang cute niya ‘di ba?” sabi ni James. Nakaupo sila sa bench habang pinapanood ang babae na naglalakad habang kumakain ng ice cream. “Oo,” tipid niyang sagot. “Kapag malalaki na tayo, pupuwede pa rin nating makilala ang babae na ‘yan. Pero mas maganda kung mga bata pa tayo ay naging malapit na kayo.” “Kaya lang baka ayaw niya sa akin.” “Ako ang bahala. Best friend tayo, eh.” Tumayo si James at nilapitan ang babae. Masungit talaga ito. Sinipat siya pero nakasimangot. Napansin niya na okay naman itong kausap si James. Nakangiti ito. Mukhang si James ata ang gusto. Pagbalik ni James ay iiling-iling ito. “Ayaw niyang makipagkaibigan. Magagalit daw parents niya,” sabi nito. Umupo itong muli sa tabi niya saka siya inakbayan. “Okay lang. Babait din siya sa akin.” “Ang mabuti pa, one on one tayo sa basketball,” yaya nito pagkuwan. “Oo ba!” Sabay na silang tumayo at naglaro ng basketball.   HINDI napigil ni Dylan ang kanyang pagluha nang maalala ang mga pinagsamahan nila ni James. “S-sorry, Dylan. Marami a-akong pagkakamali. Ang-ang babaeng nasa litrato, mahal na mahal ko siya. A-alagaan mo siya, katulad ng pag-alaga mo sa pagkakaibigan natin,” sabi ni James. Hindi niya ito maintindihan. “J-James, tama bang iwan mo siya? Kung mahal mo siya, huwag kang susuko.” Nararamdaman niya ang pagluwag ng kapit ng kamay nito sa braso niya. “No! Hindi ka mamamatay, James!” Hilam sa luha ang kanyang mga mata. Kung makakapag-teleport siya kaagad kasama ito ay magagamot pa niya ito. Ngunit hindi pa siya nakakilos ay may palasong tumama sa likod niya. Nabitawan niya si James. Bumulagta siya sa sahig ngunit hawak pa rin niya ang kamay ng kaibigan. “D-Dylan…” bigkas nito. Nakita niya ang isang lalaking nakaitim na lumapit kay James at bigla nitong kinagat sa leeg ang kaibigan niya. “N-No!” sigaw niya, ngunit wala siyang nagawa nang bumitiw ang kamay ni James sa kamay niya. Kinuha na ito ng lapastangang bampira. Hindi siya makakilos dahil sa lasong taglay ng palaso. Habang pinipilit niyang bumangon ay lalong kumikirot ang sugat niya. Hindi ito kayang hilumin ng venom niya. Pilit niyang inaabot ang kuwintas na binigay ni James. Pinilit niyang buksan ang pendant pero wala siyang lakas. Ipinasok na lamang niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang kuwintas nang pakiramdam niya’y nauupos ang kanyang lakas. Hindi siya makapag-teleport hanggang sa lumamlam ang kanyang paningin. Nakahiga na lamang siya sa sahig. May naririnig siyang mga yabag at mga tinig ngunit hindi na niya maaninag ang paligid, hanggang sa tuluyan siyang nakalimot.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
454.6K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.6K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.0K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook