CHAPTER 12: ___ "Pero saan ka naman kukuha ng Donor?" Gulat na bulalas ni Kat. "Napag-isipan mo na bang mabuti 'yang binabalak mo hija? Bata ka pa naman, ano at naisip mo 'yan, pwede ka pang mag-asawa ah?" Tanong ng kanyang Tita Adela na halata ang pagkadisgusto sa sinabi ng pamangkin. "Tita alam mong hindi ang idad ko ang problema. Pinakinggan ko na kayo dati, sabi n'yo subukan ko ulit. Sinusubukan ko naman pero ano ba ang nangyari? Iyong lalaking pinagkatiwalaan ko masahol pa pala sa una. Dahil dalawa pala ang reserba. Hindi pa ako nadala umulit pa ako ulit. Ayon, dahil lang hindi ko siya pinagbigyan, nakabuntis ng iba. Dapat ba akong paulit-ulit na lang magmahal, umasa at masaktan?" Tanong ni Given na pinaka diin ang bawat salita. Desidido na talaga siya sa naisip na plano. Dah

