bc

THE RUN AWAY WIFE

book_age18+
336
FOLLOW
2.7K
READ
billionaire
HE
fated
bxg
serious
brilliant
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

THE RUN AWAY WIFE

__

Where should she start, is there any reason for her to fall in love again?

Siya si Givenea Alcantara, simple lang naman ang pinapangarap niya. Basta’t magkakasama, buo at masaya ang pamilya...

But she realized that even a simple dream is difficult to achieve.

Dahil unti-unting  gumuho ang mga pangarap na binuo niya sa isip.

Dahil sa sunod-sunod na kabiguan sa mga lalaking pinagkatiwalaan niya at minahal.

Even her father's cheated on her mother. Pagkatapos ay iniwan pa sila. Ang boyfriend ng kapatid niya na sumira sa buhay nito at nalaman niya na ito ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang kapatid at Ina.

 

That is the main reason, why she also lost her trust in love and even in men who express love.

 

Kaya sa idad na dalawampu’t siyam wala na sa plano niya ang pag-aasawa.

But everythings changed when she met Keiffer Solmeraz. Her stubborn, agressive and strong hearted lover.

_

Daniel Keiffer Solmeraz, the Hunk and Gorgeous heir of Solmeraz clan...

At the age of twenty-three, he has proven himself a lot and he is also well known as one of the youngest Billionaires in the country and abroad.

But it seems that he is still looking for attention and it looks like he is tripping over her. He promised to do everything just to get her love.

That's why it's no wonder that one day they got married...

But it's true that in a relationship there are so many obstacles and sometimes it’s complicated.

Besides the difference in their age and status in life. His family doesn't like her either. But despite everything, Keiffer was still able to fight for her.

But it came to a point where she had to run away and leave him...

Dahil nalaman niya na buntis ang totoong fiancee ni Keiffer at ito ang ama...

Paano pa kaya kung malalaman niya ang malaking kaugnayan ni Keiffer sa boyfriend ng kapatid niya?

Magawa pa kaya niya itong takbuhan palayo o kailangan  niyang mas lumapit pa?

Para sa planong paghihiganti?

_

@LadyGem25

chap-preview
Free preview
FEEL THE PAIN
CHAPTER 1: INTRODUCTION "Givenea Alcantara" Tumayo na siya agad at nagbigay galang sa Personnel Manager ng Hotel na si Mrs. Amelia Rodrigo "Good morning po, Ma’am." "Please sit down" Utos nito. Awtomatikong naupo na siya sa silya sa harap ng mesa nito na nasa loob ng pribado nitong opisina. Habang ang ilang empleyado ay naghihintay pa rin sa labas ng opisina nito. Naka-schedule ngayon ang kanilang provisions interview. Pipiliin sa kanila kung sino ang ireretain dito sa Vista de Bay Hotel. Limang buwan na siya dito bilang isang receptionist at s'yempre isa rin siya sa naghahangad na i-regular ng kumpanya. Mahirap din kasi ang maghanap pa ng panibagong trabaho at palagi na lang pabagu-bago ang kumpanyang pinapasukan niya. "Ms. Alcantara, maganda sana ang performance mo kaya lang may time na late ka kung pumasok, bakit?" Bigla siyang kinabahan at hindi agad nakasagot. May pagkalate comer kasi talaga siya. Ilang segundo na ang lumipas ngunit bantulot pa rin siya at nangangapa pa ng isasagot. "Taga Parañaque ka lang hindi ba? Ang lapit lang bakit ka pa nale-late?" Nagpatuloy lang ito ng hindi siya sumagot. Nang sa wakas ay mahamig niya ang sarili... "Pasens'ya na po Ma'am mas pagsusumikapan ko na lang po sa susunod. Sinusubukan ko naman po talaga na hindi malate, kung minsan lang po talaga hindi na maiwasan." Napabuntong-hininga na lang si Mrs. Rodrigo sa naging sagot niya. "Pero Ma'am pangako po talaga hindi na mauulit, kailangang kailangan ko po ang trabahong ito Ma'am. Kaya sana naman po pagbigyan n'yo na ako. Malaking bagay po sa akin na ma-retain ako dito at hindi na maghanap pa ng iba. Nagpapagamot pa po kasi ang nanay ko at nag-aaral pa ang kapatid ko sa kolehiyo at ako lang po ang nagtatrabaho sa amin Ma'am!" May kahabaang paliwanag niya dito at umaasang maiintindihan siya nito. "How about your father and the other siblings?" Tanong nito halatang nakuha niya ang simpatya nito. "Dalawa lang po kasi kaming magkapatid Ma'am at nag-aaral pa ang nakababata kong kapatid." Saglit siyang lumunok bago nagpatuloy. "Ang mother ko po kasi may sakit sa puso, na-depress po kasi siya nitong huli kaya lagi na lang po siya sa bahay. Dahil kasi, iniwan na kami ng father ko" Saglit na itinaas niya ang tingin sa kaharap at deretsong tumingin sa mga mata nito. Bago siya muling nagpatuloy. "Sumama na po kasi siya sa ibang babae.." Walang ligoy niyang saad. Bakit pa siya mahihiya iyon naman ang totoo. Until she heard Mrs. Rodrigo sighed again. "Ganito na lang... I'll give you one month to fix your work as much as possible. Prove me that, the company doesn't waste a time to hired you! Okay, Is it clear with you Ms. Alcantara?" "Yes ma'am, thank you po!" Sagot niya. "Don't be late next time, Okay?" Paalala pa nito sa kanya. "Opo Ma’am, pagbubutihin ko pa po talaga thank you!" "Okay, you may go and back to your work!" Sabay senyas nito sa kanya na umalis na. "Thank you po ulit ma'am!" Malaking bagay na rin para kay Given na pinagbigyan siya nito atleast may isang buwan pa siya para patunayan ang sarili o kaya'y magtanong tanong ng bagong mapapasukan para hindi siya mabakante. Graduating na kasi si Cheska sa kolehiyo ito ang nakababata niyang kapatid. Kaya mas kailangan niyang magpursige at magsumikap para masuportahan ito. Kapag naka-graduate naman na ito hindi na siya mag-alala pa sa magiging future nito. Dalawa naman silang susuporta sa kanilang ina. Isang taon na lang naman tapos na ito. Pagkatapos, panahon na para harapin naman niya ang sarili. Sabi nga ng pinsan niyang si Katrina isipin naman daw niya ang magiging future niya hindi puro na lang ang kay Cheska. Bigla tuloy niyang naalala ang nobyo, mabuti na lang napaka-bait nito at maunawain at palagi nitong inuunawa ang sitwasyon niya. ___ Pababa na ang dalaga ng sinasakyan nitong Jeep ng makita ang ina na naghihintay sa gilid ng daan. "Oh! Nay, Bakit nandito po kayo sa labas?" Tanong niya na puno ng pagtataka, habang ginigiya niya ito papasok sa loob ng compound. "Kanina pa kasi kita hinihintay anak." Tugon nito. "Bakit naman may problema po ba?" "Si Cheska kasi kanina pa sa loob ng kwarto hindi lumalabas. Tinawag ko kanina para kumain pero hindi naman sumagot, nag-aalala na ako sa kanya anak." Paliwanag nito. "Hayaan n'yo na po nay, ako na po bahalang kumausap sa kanya, tayo na po sa loob." Dito sila nakatira hindi man sa kanila ang bahay pero dito na sila halos lumaki at nagdalaga. Okupado nila ang isang pinto ng Apartment, magkakatabi ang bawat tenant ngunit may kanya kanyang espasyo naman upang kahit paano may privacy ang bawat isa. Maliit man ngunit okay na rin para sa mga nangungupahan lang at sa loob naman nito tanging devider lang ang naghahati para maghiwalay ang mga kwarto, sala at kusina. Ang kagandahan lang dito, sarili nila ang banyo kaya hindi nila kailangang pumila. Pagpasok pa lang nila agad na siyang binulungan ng ina. "Anak, kausapin mong mabuti ang kapatid mo ha! Ilang araw ko na ring napapansin na malungkot siya tuwing darating galing eskwela, lalo na lang nitong huli." Saad nito. "Opo nay, ako na po ang bahala huwag na kayong mag-alala. Kung minsan gusto na niyang magselos kay Cheska kasi naman alam niya na ito ang paborito ng kanilang ina. Pero palaging dapat niya itong unawain. "Oh! Sige na anak ihahanda ko pa ang hapunan natin." Tumango na lang siya at nagtuloy na sa kwarto. Pagpasok pa lang niya ng kwarto agad na niyang tinawag si Cheska. "Cheska!" Ngunit hindi rin ito sumagot.. At first, she can't see anyone inside. But she feels, something strange... Medyo magulo kasi ang kobre kama at may nagkalat na unan sa sahig bigla tuloy siyang kinabahan. When she looked around again, until she saw a head of someone at the other side of the bed. Naisip niya agad na si Cheska iyon, "Bakit naman kasi sa sahig pa ito nahiga?" Reklamo ang isip niya. Then she called Cheska again.. "Cheska! Nar'yan ka lang pala kanina pa kita hinahanap! Bakit ba d'yan ka nahiga?" Muli niya itong tinanong, ngunit hindi pa rin ito sumagot. "Cheska!" Nakakaramdam na siya ng inis sa inaasal nito ngayon. But still nothing but silent! When she start to go near on her sister, she suddenly stopped and stood shocked by what she saw... Nakahiga ito sa lapag at nakasandal ang ulo sa gilid ng kama ngunit may tila likidong dumadaloy sa bibig! Saglit siyang natigilan at hindi alam kung ano ang unang gagawin! "Hindi, A-anong ginawa mo Cheska?!" Nanginginig ang mga kamay niya ng mapaupo sa tabi nito ng nakaharap sa kapatid. Saglit na nag-atubili pa siya na hawakan ito. Cheska's almost dead and no signed of breathing? "Cheska?!" Napasigaw na siya sa sobrang kaba at pagkalito. Kaya nawala na sa isip niya ang kalagayan ng ina. Nagulat pa siya ng marinig ito na nagsalita mula sa may pinto... "A-anak! Bakit anong nangyari?" Sandali siyang nalito kung iiwan ba si Cheska o lalapit sa may pintuan? But too late.. Nakalapit na pala si aling Amparo at nakarating sa tabi nila ng hindi man lang niya namalayan ng buksan nito ang pintuan! Saglit itong natulala, ng mabungaran si Cheska bago muling nakapagsalita. "Cheska anak ko!" Bigla na lang itong namutla at napuno ng pagkabalisa. Tila ba naunawaan na nito ang kasalukuyang nilang sitwasyon "Hindi! A-anong nangyari sa'yo Anak ko?!" Sigaw nito. Then a minute after... "Argg!!" Bigla na itong pinangapusan ng hininga... Gulat at pagkalito ang nararamdaman ni Given ng mga sandalingiyon. Hanggang sa tuluyan nang mabuwal ang Ina sa kanyang tabi. Habang hawak ang dibdib at pilit inaabot si Cheska. "Nay, ano ba? Magsalita ka Nay, hindi... Huwag ngayon, please naman Nayyy! Diyos ko po anong gagawin ko? Huwag po sana... Nay!" Pilit niyang niyugyug ang ina habang nalilito sa mga nangyayari. Bago pa niya naisip na humingi na, nang tulong sa labas! "Sandali lang... Nay, Cheska! "Tulong..! Tulong, tulungan n'yo po ako! Ang nanay at ang kapatid ko!" "Tulooong!" Sigaw na niya. Ilang saglit ang lumipas, nagkagulo na ang lahat sa apartment. Agad na tumawag ng Ambulansya ang kanilang landlady at ito na ang sinakyan nila papuntang Ospital. Pilit niyang nilakasan ang loob kahit gusto na rin niyang bumigay. Makalipas ang ilang sandali lumabas na rin ang doctor na tumingin sa kanyang ina at kapatid. Agad niya itong nilapitan... "Ikaw ba ang kaanak ng pas'yente?" Unang bungad nito. "O-opo Doc, Nanay ko po at kapatid ang pasyente." Aniya "Wala ka bang kasamang ibang kaanak hija?" Tanong nito. "Parating na po ang Tita ko doc, kumusta na po ang pasyente okay na po ba sila?" Tanong niya na umaasa. Tila kay lalim ng pinanggalingan ng hininga ng Doctor bago ito muling nagsalita. "Ah! hija..." Saad nito na tila bantulot magsalita, kahit may hinala na siya sa nais nitong sabihin. Ngunit itinatanggi ng kanyang isip. Hindi! Hindi p'wede, nasa loob sila ginagamot pa ng ibang doctor. Alam ko okay lang sila gagaling din sila agad. Bulong ng isip niya na umaasa. "Doc, p-pwede ko na po ba silang makita, okay na po ba sila doc?" Tanong niya na bahagyang may kinig sa boses. Kung p'wede nga lang sampalin niya ang sarili para hindi makapag-isip ng negatibo. "I'm sorry hija pero ginawa na namin ang lahat... Pero hanggang du'n na lang talaga!" Saad ng Doctor habang umiiling. Mga katagang palagi nang sinasabi ng Doctor sa ganitong sitwasyon. "Hindi!" Tanggi ng isip niya. Daig pa niya ang paulit-ulit na sinampal hanggang sa mamanhid ang kanyang mukha. "Hindi p'wede Doc, k-kanina lang kausap ko pa ang Nanay ko! Malakas pa siya Doc, a-anong sinasabi n'yo?" Halos mapaluhod na siya sa pakiusap na bawiin nito ang sinabi. Ngunit tanging iling lang ang ginawa nito! Hindiii! Noon dumating ang kanyang Tita Adela na tinawagan niya kanina.. "Anong nangyari hija, bakit ka umiiyak, Doc?" Baling nito sa Doctor. "Pasensya na po Misis, kayo na ang bahala sa kanya. May pupuntahan pa kasi akong pasyente, pasensya na!" Agad na itong umalis.. "Tita, sabihin mo, hindi naman totoo hindi ba?" Pagsusumamo niya dito.. "Gagaling pa si Nanay at Cheska. Hindi ba, hindi pa sila patay! And'yan lang sila sa loob Tita!" "Diyos ko! Amparo anong nangyari sa'yo?" Hindi rin makapaniwalang saad nito ng mabatid ang nangyari. "Magpakatatag ka lang hija, nandito pa naman kami ng pinsan mo. Hindi ka namin pababayaan anak!" Saad nito na pinalalakas ang kanyang loob, kahit batid niyang nahihirapan rin kalooban nito. Nag-iisa at nakababatang kapatid nito ang kanyang ina at mahal na mahal nito ang kapatid. _______ Pagkatapos maisaayos ng kanyang Tita Adela àng lahat sa Ospital, agad na rin silang umuwi. Sabi ng doctor dead on arrival, ang kanyang Ina. Habang si Cheska naman ay mahigit sa kalahating oras na itong walang buhay. Bago pa ito nadala sa Ospital at ang nakakagulat buntis pala ito. Pero bakit nagawa nitong kitlin ang sariling buhay! Sigurado siyang may mabigat itong dahilan kung bakit nito iyon nagawa? __ Mga malalapit nilang kaanak, ang tumulong para maayos ang burol at ang libing. Patuloy lang si Given sa pag-iyak sa harap ng puntod ng ina at kapatid. Nais niyang maging manhid subalit nararamdaman pa rin niya ang sakit! "Katrina anak, mauuna na kaming umuwi, kausapin mo 'yang pinsan mo anak! Baka siya naman ang magkasakit!" Bulong ni Adela sa anak na si Katrina bago pa ito umalis. "Sige po Ma, ako na po ang bahala kay Given!" Sagot ni Kat. Pagkatapos lumapit ito kay Given at nagpaalam na rin.. "Given anak, hihintayin ko na lang kayo sa bahay ha?" Tumango lang siya na hindi inaalis ang tingin sa dalawang puntod sa kanyang harapan... ___ Ilang sandali rin ang lumipas ng muling kausapin ito ni Katrina... "Given, halika na umuwi na rin tayo, malapit ng dumilim, baka mahirapan na tayong sumakay!" Saad ni Katrina. "Sige na mauna ka na... Ayoko pang umuwi, dito na lang muna ako" Tugon niya. "Okay, kung ayaw mo pa dito lang din ako hihintayin kita. Gusto ko lang sabihin na nandito pa kami ni Mama sa tabi mo at alam natin pareho na hindi na natin maibabalik pa ang buhay ni Tita at Cheska at kailangan mo iyong tanggapin. Magpakatatag ka lang, huwag ka naman mawalan ng pag-asa. Dahil buhay ka pa, kasama mo pa kami ni Mamà." Saglit itong lumunok bago nagpatuloy. "Nandiyan pa si Mathew, p'wede ka pang magpatuloy kasama niya! Nawala lang sila Tita Amparo at Cheska sa mga mata natin pero mananatili pa rin sila diyan sa puso mo, naiintindihan mo ba?" Saglit siyang napalingon kay Katrina. Si Mathew ang kanyang nobyo, pauwi na nga pala ito, tatlong araw mula ngayon. Magkikita na sila ulit, bigla siyang nabuhayan ng loob ng maalala... Nay! Sayang hindi niyo na makikilala si Mathew. Alam n'yo ba? Madalas ko kayong ikwento sa kanya, kayong dalawa ni Cheska... Pangako Nay! Magiging masaya ako kasama niya, màhal na mahal ko siya Nay! Kaya sana maging masaya na rin kayo ni Cheska, nasaan man kayo ngayon patawarin n'yo po sana ako kung napabayaan ko man kayo, hindi ko po sinasadya! Tama si Kat, kailangan ko nang tanggapin na wala na kayo sa tabi ko. Pero mananatili kayo sa puso at isip ko habang ako'y nabubuhay! __ Ilang minuto pa ang lumipas... Nang muli niyang lingunin si Katrina ay nasa likod pa rin niya ito. Hindi nga siya nito iniwan, nasa tabi lang niya ito kaya't napangiti na lang siya. Ito kaya ang nag-iisa niyang bestfriend!! Magkaklase na sila mula elementary hanggang kolehiyo! Pareho silang graduated ng Business Ad course! Kaya pareho din ang trabaho nila, magkaiba lang sila ng oras ng trabaho sa Hotel. "Ano okay ka na ba, p'wede na ba tayong umuwi?" Tumango lang siya at ngumiti.. Lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap! Muli naramdaman niya na gusto niyang umiyak! But for the last time.. Dahil tama kailangan niyang magpakatatag, lalo na ngayon wala na ang dalawang taong mahalaga sa kanya. "Okay na ako uwi na tayo." Aniya "Okay! Sinabi mo eh!" Sagot ni Kat at magkahawak kamay na silang umalis sa lugar na iyon.. Habang pauwi sila, isang tanong ang gumugulo sa kanyang isip sa simula pa lang ng burol ng kanyang ina at kapatid. Bagay na napansin ni Kat. "Okay ka lang?" Tanong ulit nito. "Sabihin mo, bakit niya kami natiis ng ganu'n? Bakit hindi man lang siya nagpakita, kahit sandali. Kinalimutan na ba niya talaga kami, kaya kahit namatay na at lahat si Nanay at Cheska? Hindi pa rin siya nagpakita, bakit?" Masama ang loob na tanong niya. "Baka naman hindi pa niya alam couz?" Tugon nito na agad na naunawaan ang tinutukoy niya. "Kalokohan! Hindi alam, bakit wala na ba talaga siyang interes na alamin ang lahat ng tungkol sa amin? Kung ganu'n pala na wala siyang pakialam, wala na rin akong pakialam sa kanya! Ito 'yung oras na higit ko siyang kailangan Kat, pero wala siya... WALA! ***** By: LadyGem25

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook