TRYING TO MOVE ON

2067 Words
CHAPTER 2: _ Maagang nagising si Given ng sumunod na araw. Kahit pa ilang araw na wala siyang normal na tulog! Nararamdaman pa rin niya ang sakit ng kalooban. Dahil sa pagkaulila niya sa ina at kapatid.. Sumagi sa isip niya ang kanyang ama si Robert Alcantara. Hindi rin niya naiwasang magtanong sa sarili, kung nasaan na ba ito o kung buhay pa ba? Hindi man lang kasi ito nagpakita sa burol ng kanyang ina at kapatid. Simula ng iwan sila nito, hindi na ito nagpakita pa. Mula ngayon wala na rin siyang pakialam pa dito! Masama ang loob na bulong ng isip niya. Kailan nga ba niya ito huling nakita limang taon! Nasa Grade ten siya, habang si Cheska ay Grade seven! Ito rin ang simula na kailangan talaga niyang magsumikap at maging matatag upang mag-isang itaguyod ang pamilya. Pinag-sabay niya ang pag-aaral at ang pagtatrabaho. Hindi na rin kasi nakapagtrabaho ang kanyang ina, mula noon naging malungkutin na ito, mahina at sakitin. Salamat sa kanyang Tita Adela at kay Katrina, na palaging nariyan para sa kanila hindi tulad ng kanyang ama na kinalimutan na sila. Parang pelikulang muling dumaloy sa kanyang ala-ala ang huling araw ng makita nila ito. Pauwi na sila ni Cheska noon galing sa eskwela at habang masaya silang naghaharutan... Pareho kasi silang nakakuha ng mataas na grades sa school. Madalas silang nagpapataasan ng grades at kahit naman hindi sila napapasali sa mga honors. Hindi naman sila kulelat! Pagdating sa bahay nagulat sila ng maabutang, may ilang kapitbahay ang tila nakikiusyoso't kandahaba ang leeg at pasimpleng sumisilip sa loob ng kanilang bahay at nang makita silang palapit... Biglang nagpulasan ang mga ito na tila walang anumang nangyari at nang nasa tapat na sila ng pinto... Nakarinig naman sila ng tila pagtatalo sa loob, pumasok sila para tingnan kung ano nga ba ang nangyayari? Hindi na sila nagulat ng makita ang isang eksena na parang sa pelikula. Ang kanilang Ina na umiiyak, habang habol ang kanilang ama na may dalang bag at tila paalis na... Hindi na bago sa kanila na makita, ang ganitong eksena na nagtatalo, nagsisigawan at nag-aaway ang mga ito! Ngunit ngayon mukhang may kakaiba, talaga yatang iiwanan na sila ng kanilang Ama? Bahagya pa itong natigilan ng makita silang dalawa ni Cheska sa may pinto. Ngunit pagkatapos silang tingnan ng malamlam nitong mga mata, tuloy-tuloy na itong umalis! She took a deep breath for awhile and close her eyes. To stop crying... No! Not this time! Ayaw na niyang umiyak... Habang ang kanilang Ina ay patuloy na umiiyak. Nang bigla na lang itong mahirapan sa paghinga, kaya bigla silang naalarma ni Cheska at lumapit sa kinaroroonan nito! Pero ang kanyang ama hindi man lang natinag at nag-abalang lumingon pang muli. At the same day, isinugod nila sa Ospital ang kanilang ina na si Amparo nagkaroon ito ng mild heart attack. Mula noon naging mahina na ang puso nito at kailangan na talaga nitong maging ma-ingat! __ Hindi niya namalayan na malayo na pala ang nilakbay ng kanyang isip at nang bumalik siya sa kasalukuyan. Basa na ng luha ang kanyang mga mata. Habang nakaupo sa harap ng salamin na nasa loob ng kanilang kwarto!Kaya nagulat pa siya ng malaman na kanina pa pala nagsasalita si Kat sa tabi niya kasunod ng pagtapik nito sa kanyang balikat upang makuha ang kanyang atensiyon! "GIVEN! Ano ka ba? Kanina pa ako nagsasalita dito. Hindi mo ako pinapansin! Ano ba ang nangyayari sa'yo ha? Tulala ka na naman at ayan umiiyak ka na naman! Akala ko ba okay ka na?" Mahabang litanya nito. She sighed and cleared her throat first before she speak. "Okay na ako huwag ka nang mag-aalala." Sabay pahid niya ng luha! "Okay ka na? Eh bakit umiiyak ka pa?" Tanong nito. "Okay na talaga ako Kat. Gusto kong bumalik sa apartment para kunin 'yung ibang mga gamit!" Pag-iiba na lang niya ng paksa. "Sigurado ka bang kaya mo ng bumalik du'n? P'wede naman na sa ibang araw na lang magpahinga ka muna!" Saad nito na may pag-aalala. "Kailangan ko ng bumalik ngayon, baka kasi hindi ko na magawa sa ibang araw. Gusto ko na rin kasing, bumalik sa trabaho! Sasabay na ako sa'yo mamaya, kakausapin ko ulit si Mrs. Rodrigo!" Aniya. "Ha! Ano ka ba? P'wede namang tapusin mo na 'yun leave mo. Bakit ka ba nagmamadali? Makakabalik ka pa naman sa work mo tapusin mo na ang 10 days okay?" "Lalo lang akong malulungkot kapag narito ako sa bahay at walang ginagawa." "Bakit hindi ka muna magrelax wala ka pang maayos na tulog o kaya maglibang ka muna? H'wag mo munang isipin ang trabaho mo okay!" Suhest'yon ulit ni Katrina "Meron pa akong tatlong araw para magpahinga sa monday pa naman ako papasok! Kaya ngayon na ako pupunta sa apartment." Tugon niya. "Sige bahala ka! Sasamahan na lang kita. Saglit lang magbibihis ako, hintayin mo ako okay?" Saad ulit ni Kat at agad nagbihis. "Sige sa ibaba na ako maghihintay!" Hindi na siya tumutol dahil alam niya na hindi naman ito papayag! __ Pagdating nila sa apartment na isang kanto lang naman ang layo mula sa bahay ng kanyang Tita Adela. Kaya naglakad na lang sila papunta dito. Pagpasok sa apartment, sinimulan na niyang ayusin ang kanilang mga gamit! Ayaw na niyang alalahanin pa ang mga bagay na makapagpapaalala sa kanya sa lugar na iyon. Baka kasi muli na namang sumabog ang kanyang emosyon! Kinuha lang niya ang mga importanteng gamit na dapat niyang dalhin. Habang katulong niya si Katrina, na naglalagay ng mga gamit sa isang malaking plastic bag may nalalag na isang nakatuping papel. Mula sa side table ng kama. Bago pa niya ito nakuha naunahan na siya ni Katrina. "To: Ate.. Sulat pala ni Cheska para sa'yo ito basahin mo na!" Saglit siyang nag-isip. Ngunit sa huli naisip niyang itago na lang muna ito sa kanyang bulsa. "Mamaya na lang sa bahay tapusin na lang muna natin ito." Nagkibit-balikat lang si Katrina at nagpatuloy na sila sa ginagawa. "Okay ikaw ang bahala!" Pagkatapos, nagpaalam ulit siya sa kanilang landlady at ibinilin ang ilang mga gamit. Balak niya itong ibenta at ang iba, ilipat sa bahay nila Tita Adela. Doon na rin kasi siya titira. Minsan pa sa huling pagkakataon, muli niyang nilingon ang lugar kung saan sila bumuo ng mga pangarap, naging matatag at minsan naging masaya! Kahit minsan hindi niya naisip na lilisanin niya ang lugar na iyon ng mag-isa at hindi kasama ang kanyang ina at si Cheska. This time, hindi na niya napigilan ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata... Muli siyang niyakap ni Kat. "Bakit ba nangyayari sa kanya ang lahat ng ito ginawa naman niya ang lahat ah?! Inalagaan naman niya ang ina at kapatid, pinilit niyang maging matatag para sa mga ito! Ngunit bakit ganu'n nawala pa rin ang mga ito sa kanya? 'Bakit wala nang natira sa akin, Bakit lahat na lang sila nawala? Paano na ako ngayon, ano ng gagawin ko, wala na silang lahat?!" "Given! Ano ka ba? Nandito pa ako at si Mama, hindi ka namin pababayaan. Lakasan mo nga ang loob mo, tingnan mo ako! Alam ko matatag ka, marami ka nang pinagdaanan hindi ka dito susuko naiintindihan mo?" Mariing hinawakan ni Katrina ang magkabila niyang balikat, habang patuloy ito sa pagsasalita. "Sasamahan kita, hindi ka mag-iisa naiintindihan mo?" Mga katagang nakapagpapagaan sa loob niya kahit gusto na niyang sumuko. Naisip niya tuloy. Siguro kung palagi lang siya sa tabi ni Cheska para pagaanin palagi ang loob nito. Baka sakaling hindi nito maisip ang bagay na iyon! Hindi siguro nangyari ang lahat ng ito? Parang gusto tuloy niyang sisihin, ang sarili. Sana sinikap niyang magkaroon lagi ng oras para kay Cheska. Pagbalik nila sa bahay ng tiyahin, saglit lang silang nagpahinga at naghanda ng pumunta sa Hotel. Gaya ng napag-usapan, sabay na silang pumunta sa Hotel. Nagreport lang siya para ipaalam na papasok na ulit siya ng Lunes, agad namang pumayag si Mrs. Rodrigo nang masiguro nito na okay na siya at kaya na niyang bumalik sa trabaho. Palabas na siya ng Hotel ng makatanggap ng tawag? Si Mathew! Bukas na nga pala ang uwi niya galing Italy! Isa siyang project Engineer sa isang Construction Firm, nagkataon na na-assign ang mga ito doon. Magkahalong tuwa at excitement ang kanyang naramdaman! Panandaliang nalimutan niya ang lungkot ng sagutin niya ang tawag! "Hello" sagot niya dito. "Hello honey!" Sa kabilang linya. "Hmmp!" Hindi ko napigilan ang paghikbi, namalayan ko na lang napaiyak na pala ako. "Hey! Are you crying? Is there, something wrong, honey? Tell me.." "Hello! Are you there?" "GIVEN! Hello?" Si Mathew. "Okay lang ako, huwag ka nang mag-alala! Namiss lang kasi kita, ang dami kong gustong sabihin sa'yo pero hindi p'wede sa phone!" She heard a sudden sighed from Mathew! "Okay! Akala ko naman kung ano na nangyari? Sige, magkita tayo bukas. I really miss you too. Sweetheart! Kung alam mo lang!" Saad nito. "Ha! Paanong, hindi ba bukas pa lang ang uwi mo, agad-agad?" Gulat na tanong niya at may halong pagtataka. "Medyo napaaga nga eh! Ayaw mo ba magkikita tayo agad? Akala ko ba na miss mo ko?" Kunwaring tampo nito. "Ah! Sige anong oras tayo magkikita?" "Basta! Itetext ko na lang sa'yo mamaya kung anong oras at kung saan tayo magkikita! Okay? Surprise muna!" "Okay sige ikaw ang bahala!" Sagot niya na medyo kinikilig pa! "Okay sige na! Baka hinihintay na ako sa office! Magkita na lang tayo bukas ha?" " I LOVE YOU!" Sabi pa nito. "Ha! Nasa opisina ka na pala?" Usisa niya. "Sabi ko I love you!" Mathew said in sweetness tone. Hindi nito pinansin ang tanong niya. "Sige na nga! Bukas na lang..." "I LOVE YOU too na! "Bye!!" Agad na rin niyang pinatay ang linya, ng marinig na nagpaalam na ito sa kanya. Baka kasi makaabala pa siya sa lalaki. Naisip niyang baka busy pa ito ngayon! Hindi muna siya umuwi pagkagaling ng Hotel! Napagpasyahan niyang magrelax na lang muna, mamasyal sa mall at para makabili na rin siya ng bagong bestida! Matutulog na lang siya ng maaga mamaya kailangan na rin yata siyang magpaganda para naman mabawasan ang kanyang eyebags! Excited much lang para sa date nila ni Mathew bukas! Date, magkikita lang date na?! Para sa isang relasyon, na puno ng pangako at pangarap sa isa't isa. Hindi naman ito ang una nilang date kung sakali ito na ang pangatlo.. Pero saan nga ba sila unang nagkita at nagkakilala? Graduation noon nang magkabangga sila sa hallway ng school nagmamadali kasi siya noon! Ang sumunod nagkita ulit sila sa isang Hotel sa Makati. Kung saan sila unang nag-apply noon ni Kat! Bago pa sila matanggap sa Vista de bay! May bid naman noon sila Mathew para sa bago nitong project! Noon din nagsimulang ma-inlove sila sa isat-isa.. Mula noon lagi na silang nagtatawagan! Hanggang sa nauwi na nga sa Long Distance Relationship! Paalis na noon si Mathew papuntang Italy, and the rest nagtagal ang kanilang relasyon ng halos dalawang taon. _ Palakad-lakad lang siya sa Asian Mall, habang nag-iisip! Dito niya naisip na mamasyal dahil ito rin kasi 'yung pinakamalapit na mall mula sa Hotel. Patingin-tingin, minsan hihinto kapag nakuha ang kanyang interest pero wala pa ring napiling nais bilhin! Patuloy lang siya sa paglakad, nang isang lalaking patungo sa kanyang direksyon ang umagaw ng kanyang atensyon! Bahagya siyang natigilan, kunot ang noong nagtatanong ang isip? A-anong ginagawa niya dito, bakit siya narito at sino ang mga kasama niya? Mga tanong na umukopa sa kanyang isip. Bahagya niyang kinusot ang mga mata sa pag-asang nagkakamali lang siya ng tingin.. Bahagya pa siyang tumagid upang hindi siya nito mapansin, Baka kasi bigla itong lumingon at makita siya! Habang lumalapit ito lalo lang niyang nasisiguro na ito nga at wala nang iba pa... Hindi! Gustong itanggi ng kanyang isip. Kausap lang niya ito kanina at sa Makati pa ang opisina nito at mukha bang pauwi na rin ang mga ito? Base sa direksyong tinatahak. Kung ganu'n maaaring kanina pa sila dito? Pagkumpirma niya. Hanggang tuluyang makalapit ang mga ito at dumaan sa mismong harap niya. Lalo lang niyang napatunayan sa sarili, na hindi siya nagkamali. Si Mathew nga! Pero bakit siya nagsinungaling sa akin kanina? Masaya pa ito na nakikipagtawanan sa mga kasama. Bahagya pa niyang narinig itong tumatawa! Hanggang sa makalagpas ito sa kanyang kinatatayuan nang hindi siya napapansin! * * * 09-09-23 @LadyGem25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD