Chapter 3: MEETING AGAIN
__
"Kat! Siya talaga 'yung nakita ko sa Mall kanina!" Umiiyak na giit niya sa pinsang si Katrina. Nadatnan siya nitong nakahiga at mugtong- mugto ang mga mata.
"Okay, kung siya na nga talaga ang nakita mo! Bakit hindi mo pa siya nilapitan para nalaman mo 'yung totoo? Dahil kahit umiyak ka pa diyan at kahit maubos pa 'yang luha mo, hindi pa rin natin malalaman ang totoo kung hindi mo siya kokomprontahin!" Muling tugon nito sa kanya.
"Anong magagawa ko, natakot ako? Paano kung asawa nga niya 'yun at mga anak. Basta ko na lang ba sila lalapitan at tatanungin?" Tanong niya.
"At least nalaman mo naman, ang dapat mong malaman at saka para malaman din ng asawa niya ang kalokohang ginagawa ni Mathew!" Saad nito sa naiirita nang tono.
"Akala ko okay na ako at magiging maayos na ang lahat. Kahit pa ang pakiramdam ko nawala na sa akin ang lahat. Pero p'wede pa rin naman akong maging masaya at muling bumuo ng mga pangarap kasama si Matthew. Pero ngayon pakiramdam ko malayo nang mangyari pa iyon."
"Ano ka ba, Given? H'wag mo ngang sabihin 'yan! Tama ka, marami ka pang p'wedeng gawin para ipagpatuloy ang buhay at muling bumuo ng mga pangarap kahit hindi kasama si Matthew. Hindi naman siya kawalan sa'yo at makakahanap ka pa ng higit sa lalaking iyon! Kung totoo nga na niloloko ka lang niya mabuti nga na nalaman mo ng mas maaga, gusto ka lang isahan ng walanghiya! Hiwalayan mo na siya, unless gusto mong maging kabit?" Suhest'yon ng pinsang si Katrina.
"Pero paano naman kung mali ako? Baka kasi kaanak niya lang, kapatid o kaya pinsan?" Pag-aalinlangan pa rin naman niya sa sitwasyon at tila umaasa pa ring nagkakamali lang siya ng akala.
"Okay, okay naiintindihan kita! Gusto mo munang papaniwalain ang sarili mo na mali ka, okay fine! H'wag na lang muna tayo mag-isip ng kahit ano ngayon. Magkikita naman kayo bukas hindi ba, alamin mo muna kung ano ang totoo? Ngayon kung gusto mo pa rin siyang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag sige bigyan mo! Pero kung totoo ang hinala mo, please lang h'wag mo ng pag-aksayahan pa nang luha ang walanghiyang 'yon okay?" Muling saad ni Kat.
"Pero talagang mahal ko na siya Kat!" Saad niya na puno nang prustrasyon.
Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone! Bahagya siyang natigilan at sabay pa silang nagkatinginan ni Kat!
"Si Mathew!" Ito agad ang naisip niyang nagtext at hindi nga siya nagkamali.. "Nagtxt na siya kung saang lugar kami magkikita bukas." Namamaos na ang boses niya ng dahil na rin sa kaiiyak.
"Okay, makipagkita ka para malaman mo ang totoo?" Sagot naman ni Kat.
"Sige, gusto ko rin namang malaman ang totoo kung niloloko nga niya ako O baka sana nga nagkakamali lang ako?!"
Muli nakaramdam na naman siya ng awa sa sarili at hindi na naman niya napigilang umiyak!
Pakiramdam niya ang tanga-tanga niya pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.
"Kung totoo ang hinala ko, hindi ko siya mapapatawad?! Hindi ko rin siya hahayaang patuloy akong lokohin, na parang tangang umaasa ga'yung matagal na pala niya akong niloloko!" Tuluyan na ring humulagpos ang kanyang emosyon.
"Couz, ano ka ba? Tumigil ka nga d'yan!" Napayakap na si Katrina sa kanya upang kahit paano subukang pagaanin ang kanyang kalooban.
"Hindi pa naman tayo sigurado! Tahan na.. Okay?" Saad ni Kat na pilit siyang inaalo habang yakap siya at hinahaplos ang kanyang likod pero nagpatuloy lang siya sa pag-iyak.
"Mabuti pa matulog na tayo, itigil mo na nga 'yang pag-iyak mo! Gusto mo bang samahan kitang makipagkita sa kanya bukas?" Tanong ulit nito..
Nakahiga na sila at handa na sanang matulog nang muling iangat ni Given ang kanyang ulo at muling nagsalita...
"Okay lang ako, kaya ko naman siyang haraping mag-isa, may pasok ka pa bukas ayokong um-absent ka pa ng dahil lang do'n!" Aniya.
"Sigurado ka? Okay lang naman sa akin, kahit um-absent ako!" Giit pa rin ni Kat. Ngunit umiling lang siya.
"H'wag na! Gusto ko rin namang harapin siyang mag-isa para mas magkaintindihan kami, h'wag kang mag-alala kakayanin ko ito.." Buo na ang loob niyang sagot.
"Ganyan nga, Couz! Alam ko namang kaya mo 'yan! Maaayos din ang lahat makikita mo!" Itinaas pa nito ang thumb finger paharap sa kanya.
Tumango na lang siya at bahagyang ngumiti. Nagpanggap na gusto na niyang matulog para makatulog na rin ito! Maaga pa kasi ang pasok nito kinabukasan, may nakipagpalit kasi dito sa morning shift.
Pero pilit pa rin nitong idinidilat ang mga mata. Kahit batid niya na kanina pa ito inaantok! Ngunit handa pa rin itong makinig sa kanya! Dahil hindi lang niya ito pinsan ito rin ang nag-iisa niyang bestfriend!
After a few minutes. Naramdaman na lang niya na unti-unti na rin siyang hinihila ng antok.
Ahhh! Gusto na rin kasi niyang magpahinga, pagod na siya...
Pagod na pagod na...
___
Kinabukasan sa isang Italian cafê and dessert house sa Alabang Town Center. Malapit ito sa mga kilalang University sa Alabang Muntinlupa. Kaya marami nang mga istudyante ang nadatnan niya sa loob nang Cafe'.
Dito kasi sila magkikita ni Mathew ngayong araw.
Pagpasok niya sa pinto agad niyang inilibot ang paningin sa paligid at nagsimulang maghanap ang kanyang mga mata.
Ngunit ang taong inaasahan niyang makita sa lugar na iyon ay wala pa rin. Hindi nagtagal isang staff ang lumapit sa kanya at bumati, inakala pa nga niya na may reservation na sila.
Ngunit napansin niya na ganito lang talaga ang approach ng mga staff sa mga customers nila. Nagmukha tuloy siyang tanga! Mabuti na lang pala hindi siya nag-initiated kung nagkataon mapapahiya pa pala siya.
Sinamahan pa siya ng staff patungo sa isang bakanteng mesa at saka siya magalang na pinaupo nito, sabay abot ng isang menu.
"Thank you, p'wedeng mamaya na lang ako um-order may hinihintay pa kasi ako." Tanging nasabi na lang niya.
"Okay po Ma’am, tawagin n'yo lang po ako ulit." Saad nito na tinanguan naman niya.
Nakakainis! Bulong niya sa sarili, pagkainis ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Hindi man lang ba ito nag-effort sa pagkikita nila? Pakiramdam tuloy niya hindi siya pinahahalagahan nito. Sabagay siya lang naman talaga itong nag-aasumed na date ito. Dahil hindi naman talaga!
Pero ang totoo isa lang itong simpleng pagkikita, e ano naman kung halos dalawang taon rin silang hindi nagkita. Pero parang naiintindihan na niya ngayon?
Mas maaga rin siyang dumating may sampong minuto pa bago ang takdang oras na napagkasunduan nila. Malapit lang kasi ang parañaque dito sa Alabang at alas 3:00 ng hapon, ang oras na magkikita sila ni Mathew.
Bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa isiping nauna pa siya dito. Kahit paano kasi umasa siya, na maaga itong darating kung excited man itong makita siya ngayon?
Pero hindi pala...
Dahil maaga pa.. Naisip niyang mag-order muna ng isang cafe cappuccino. Halos hindi pa rin kasi siya nakakain mula pa kaninang umaga. Tinawag niya ulit ang staff na nag-assist sa kanya kanina, tiyempo namang nagserved ito sa kabilang mesa. Pagkasabi ng kanyang order agad din umalis ang crew.
Muli naman niyang inilibot ang paningin sa paligid. Napako ang paningin niya sa kabilang mesa, malapit lang ito sa kanyang kinauupuan. Tatlong lalaking istudyante ang naroon, na sa tingin niya nasa senior high school. Narinig kasi niya na pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa Graduation. Nasa last quarter na kasi ng pasukan. Ang panahon kung kailan naghahabol ang mga estudyante kaya marahil kahit Sabado may pasok pa rin.
Bigla tuloy niyang naisip si Cheska..
Kung sana hindi niya ginawa iyon, sana Graduation na rin nila next year.
Nagulat pa siya ng magsalita ang crew, nasa tabi na pala niya ito at ibinababa na sa mesa ang inorder niyang kape.
Tinanong lang nito kung may iba pa siyang kailangan umiling lang siya at pagkatapos agad na rin itong nagpaalam at umalis. Sandaling tiningnan niya muna ang oras sa kanyang relo. The time is.. 3:10 pm.
Lagpas alas tres na pala, halos dalawampung minuto na siya sa loob ng cafê pero wala pa rin si Mathew.
Hindi naman siguro siya nito balak paghintayin ng matagal? Naisip niya.
Saglit na binuksan niya ang kanyang bag upang kunin ang kanyang panyo. Ang panyong regalo sa kanya ni Cheska last Christmas bahagya pa siyang napangiti ng maalala ito.
Ang saya-saya pa nila noon na tila walang problema, nagpalitan sila ng mga regalo kahit silang tatlo lang at kasama nila ang kanyang Tita Adela at pinsang si Katrina. Hindi man lang niya naisip na, may dinadala na pa lang problema ang kanyang kapatid at iyon na pala ang huling pasko nila na magkakasama.
Muli siyang napatingin sa hawak niyang panyo. Bigla tuloy siyang nag-alangang gamitin ito. Nakasulat dito ang buo niyang pangalan, na sadyang pina-embroidered pa.
Patunay na sa kanya lang ito, ito lang yata ang masasabi niyang kanya lang at wala ng p'wedeng umangking iba. Alam kasi ni Cheska kung saan siya magiging masaya. Kahit sa maliit na bagay lang na tulad nito.
Habang naghihintay sinimulan niyang inumin ang kape, naalala niya ang sulat ni Cheska. Binasa niya ito kanina bago pa siya umalis ng bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala.
Kung bakit nagawa nitong tapusin ang sariling buhay, ang lahat-lahat idinamay pa nito ang sana'y magiging pamangkin niya.
Hindi tuloy niya napigilang makaramdam ng matinding kalungkutan at sama ng loob nang dahil lang sa isang napakawalang kwentang lalaki..
Sino ba ang lalaking 'yun? Sinira niya ang buhay ng kapatid ko napakabata pa ni Cheska. Ipinapangako ko sa'yo kapatid ko, kapag nagkaharap kami ng lalaking 'yun, pagbabayarin ko siya sa lahat ng ginawa niya sa'yo!
Kahit sino pa siya magbabayad siya?!
Gusto niyang magalit, sumigaw dahil sa sama ng loob sa mga taong dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon?
Una ang kanyang ama na nang-iwan sa kanila at nanakit sa kanyang Ina. Ang lalaking 'yun na dahilan kung bakit nawalan siya ng kapatid. Ahhh! At ngayon mukhang may idadagdag pa siya?
Bakit ba nu'ng magsabog ng mga lalaking walanghiya sila pa yatang mag-iina ang nakasalo, ganu'n ba talaga sila kamalas sa mga lalaki?
H'wag lang sanang magkatotoo ang hinala ko sa'yo.. Mathew? Dahil hindi kita mapapatawad walanghiya ka!
"Hello, Honey! Kanina ka pa ba? Sorry I'm late.." Sunod-sunod na salita nito na bahagya na lang niya naunawaan.
Nabigla kasi siya sa biglang pagsulpot ni Mathew sa kanyang tabi. Halos ito ang umuukopa ng isip niya mula pa kanina at nang kasalukuyan nilang sitwasyon.
Nang mahamig niya ang sarili.
Hindi niya naiwasang tingnan ito ng matatalim na tingin, kasabay ng banta sa kanyang isip...
Humanda ka sa’kin Mathew, huwag kang magkakamali b'wisit ka!
*****
09-10-23
By: LadyGem25