CHAPTER 4:
___
Ate,
Patawarin mo sana ako kasi hindi ko na talaga kaya, ang sakit sakit na! Hindi ako kasing tapang at kasing lakas mo na kayang harapin ang lahat ng problema.
Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa'yo ito? Naduduwag ako at natatakot sa posibilidad, ayokong makita kung paano kayo nasasaktan ni Nanay sa lahat ng kabiguan na idudulot ko sa pamilya natin. Hindi ko kaya...
Gaya ng hindi ko na rin kayang tiisin pa ang sakit na dulot ng lalaking minahal ko at pinagkatiwalaan.
Subalit niloko lang ako at patuloy na sinasaktan...
Halos araw-araw ko siyang nakikita na may kasamang iba.. Habang ako itinapon lang niya, na parang basura. Pagkatapos niya akong pagsawaan!
Ayoko na ate, ang akala ko hindi ako matutulad kay Nanay.. Dahil iba ako sa kanya. Pero bakit ganu'n minahal ko naman siya! Ibinigay ko sa kanya ang lahat lahat! Pero sabi niya hindi niya ako minahal kahit kailan, wala daw akong kwenta. Dahil hindi ako makakatulong sa mga pangarap niya.
Ayaw rin niya sa baby namin Ate at gusto niyang ipalaglag ko ang bata pero hindi ako pumayag.
Ngunit tinatakot na niya ako Ate, kapag hindi ko ito ginawa, kailangan kong umalis sa school. Hindi daw ako p'wedeng makasira sa mga plano niya.
Binantaan pa niya ako na kapag hindi ko siya sinunod guguluhin niya pati ang pamilya ko.
Mayaman sila at maimpluwensiya kaya natatakot ako, lalo na para kay Nanay. Ako lang dapat ang managot nito hindi na kayo dapat madamay.
Ako ang may kasalanan ng lahat kaya ako lang dapat ang lumutas ng lahat ng problema ko.
Kaya kung mawawala ako matatapos na rin ang lahat ng problemang idinulot ko.
Hindi na rin matutulad sa atin ang baby ko Ate. Dahil wala ng mananakit sa kanya hindi na siya masasaktan pa. Magkasama kaming lilisanin ang makasalanang mundong ito.
Sana lang dumating ang panahon na pagsisisihan ng kanyang Ama ang ginawa niyang pagtalikod sa amin...
Mahal na mahal ko kayo Ate at sana huwag n'yo akong kamuhian...
Nagmamahal,
CHESKA...
_
'Bakit mo 'yun ginawa Cheska? Hindi mo ba alam na mas masakit sa akin na wala man lang akong nagawa para sa'yo.
Dahil hindi ko man lang nagawang protektahan ka. Pakiramdam ko tuloy napakalaki ng naging pagkukulang ko sa'yo.'
Kanina lang matapos niyang basahin ang sulat, kinailangan pang kalmahin ni Given ang sarili.
Bago siya nagpasyang makipagkita na kay Mathew.
Kailangan na niyang tapusin ito at malaman ang totoo. Bahala na... Muling bulong niya sa sarili.
Kahit maging masakit pa ang katotohanan, ngunit sa pagkakataong ito hindi tayo magkapareho Cheska. Dahil hindi ko gagawin ang ginawa mo! Hindi ko sasayangin ang buhay ko para lang sa isang taong walang k'wenta at manlolokong tulad nila.
Piping bulong ng kanyang isip.
Hanggang sa dumating si Mathew ng hindi niya namalayan, dalawampu't limang minuto na ang nakalipas mula sa takdang oras.
Nagulat pa siya ng bigla itong magsalita sa tabi niya.
Ang lalaking ito ba, ang paglalaanan niya ng buhay niya sa hinaharap? Hindi nga nito kayang maglaan ng tamang oras para sa kanya.
Matatalim na tingin ang isinalubong niya dito nang makaharap na niya ito. Kahit pa nakangiti naman itong humarap sa kanya. Ang pakiwari pa niya para itong ngumingising aso!
"Hello! Honey, kanina ka pa ba? Sorry I'm late.." Pambungad nito na parang wala lang sabay halik sa kanyang pisngi.
Talaga namang nakuha pa siya nitong hagkan ah' at nagtanong pa ha? Masama ang loob na protesta ng isip niya.
Suddenly she sighed.
Ganito ba talaga kasunga' ang magmahal?
"Okay lang masarap naman pala ang magkape dito habang naghihintay, hindi nga ako nainip eh." She couldn't avoid being sarcastic.
Dahil sa kalooban niya gusto na niyang ibiling ang mukha nito. Hindi naman kasi siya Santa marunong din naman siyang magalit. Magpasalamat na lang ito at nakapagtitimpi pa siya.
"May dinaanan pa kasi akong importante hindi ako nakaalis agad pasensya na talaga Hon. Bawi na lang ako ha?!" Paliwanag ni Matthew na parang balewala lang dito. Ganu'n ba talaga ito kamanhid?
"Ano pa nga ba ang magagawa ko e late ka na dumating." Nakasimangot naman niyang sagot.
"Sorry talaga Hon, 'yun nga pa lang pasalubong mo sa ibang araw ko na lang dadalhin nakalimutan ko kasi sa pagmamadali ko pasensya na ha!"
Hindi naman ako interesado sa kahit anong pasalubong niya pero bakit ba nakakaramdam pa rin ako ng pagkadismaya na hindi man lang niya ako binigyan ng importansya?
"Bakit?!" Wala sa loob niyang tanong at matiim na tumingin dito nang hindi alam kung saan ba magsisimula, dapat ba komprontahin na niya ito agad O magpadala pa rin sa kasinungalingan nito? Naguguluhan pa rin niyang tanong sa isip.
Ahhh! Bakit ba ngayon lang niya nakikita ang totoong Matthew, iba ba ang Matthew na kausap niya lagi sa phone o kaya sa video call?
Napailing na lang ang dalaga, ang akala niya kilala na niya ito, hindi pa pala.
Hanggang sa hindi niya namalayan na kanina pa pala siya nakatitig lang kay Matthew. Bigla naman itong nagsalita at mas ikinagulat niya ng bigla na lang siya nitong akbayan.
Napapiksi siya at awtomatikong napalayo sabay iwas sa lalaki...
"Hey, okay ka lang ba babe, kanina ko pa napapansin natutulala ka at saka iniiwasan mo ba ako, may problema ba tayo, nagtatampo ka ba sa akin?" Sunod sunod na tanong nito na halatang pinalungkot pa ang tono at saka lumapit sa kanya, sabay haplos nito sa kanyang pisngi.
"P'wedeng lumayo ka muna sa akin, nasa public place tayo at maraming nakakakita... Mga estudyante pa ang narito!" Mariing salita niya, bigla kasi niyang naisip ang sitwasyon nila na kung totoong niloloko siya nito, ano na lang ang labas niya ngayon? 'Isang tangang kabit na kunwaring walang kamalay-malay?' Basta pakiramdam niya ayaw na niya kahit ang madikit pa dito.
"So what?! Ano bang nangyayari sa'yo Given, Boyfriend mo ako baka naman nakakalimutan mo?! Ngayon nga lang ulit tayo nagkita gan'yan pa ang isasalubong mo sa akin, may problema ba tayo o baka naman may iba ka na?" Sunod-sunod na tungayaw nito, marahil nagulat ito sa reaksyon niya.
"Boyfriend nga ba, hah?! Girlfriend mo ba talaga ako O pampalipas oras mo lang?" Ganting sigaw rin niya sa lalaki, biglang gumuho ang harang na ginawa niya para makapagpigil...
Hindi na niya nagawang pigilan pa ang tinitimping emosyon.
She feels so annoying and devastated.
Hindi na niya magawa pang magkunwari at sa totoo lang gusto na niya itong komprontahin.
"Natural girlfriend kita! Ano bang pinagsasabi mo, ano bang sinasabi mo nagdududa ka ba?" Galit na tanong pa nito na para bang wala itong ginagawang mali.
"Naging tapat ka ba talaga sa akin o sadyang magaling ka lang magtago?" Tanong niya sa nobyo, she can't stop herself to confront him.
"May problema ka ba sa akin, bakit hindi mo na lang ako deretsahin para naman alam ko?" Mapang-uyam itong sumagot at hindi na rin maipinta ang mukha.
"Gusto mo talagang malaman? Okay sige! Gusto ko rin namang malaman kung ano ba talaga ako sa'yo at saka sabihin mo nga sa akin ang totoo Matthew, niloloko mo lang ba ako?!" Sigaw ulit niya...
Bakit pa siya magkukunwari eh, siya itong niloloko!
"Hey! Hindi ko maintindihan ano bang sinasabi mo, bakit ka ba gan'yan at bakit naman kita lolokohin?" Biglang bawi ito at patay malisya pang nagtanong.
"Hindi mo maintindihan? Okay ka rin ah' ang tindi mo, sabihin mo nga sa'kin ang totoo!"
Saglit muna siyang huminga ng malalim upang pawiin ang nadaramang tensyon.
"Sino 'yung babaeng kasama mo sa Mall kahapon ha?" Aniya.
"Sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan? Isa 'yang kalokohan! Why don't you asked me first, before you believe to anyone? Hindi ba sabi ko nga nasa office ako kahapon ako pa talaga ang pagdududahan mo o baka naman talagang gusto mo lang akong hiwalayan ha?!" Tila binabaligtad pa nito ang sitwasyon.
But he was obviously keeping something.
Dahil bigla ang pag-ilap ng mga mata nito at pagkukunwaring malungkot.
But definitely he is lying.
"Walang nagsabi sa akin, dahil ako mismo ang nakakita sa'yo! Ngayon ikakaila mo pa ba?!" Sigaw na niya na wala na ring pakialam sa paligid.
Hindi nakaila kay Given ang biglang pagkabalisa at hantarang pag-ilap ng mga mata nito na tila nag-iisip ng sasabihin.
Bigla rin nitong hinawakan ang kanyang mga kamay, ngunit pinalis niya ito. Napayuko na lang ito sa harap niya sa kilos nito parang inamin na rin nito ang totoo.
"I'm sorry, Honey! Sasabihin ko rin naman sa'yo ang totoo naghahanap lang ako ng magandang pagkakataon.. Hindi ko naman talaga intensyon na lokohin ka, maniwala ka sana!" Tarantang paliwanag nito.
Kahit pala inaasahan na niya ang sasabihin nito masakit pa rin pa lang pakinggan ang katotohanang niloloko lang siya nito.
"Ano pala ang intensyon mo kung ganu'n?" Magkahalong pagkadismaya at pagkairitang tanong niya.
"Given, please naman makinig ka muna sa akin. A-ang totoo hindi ko na siya mahal nakikisama na lang ako sa kanya dahil sa mga anak namin. I-ikaw talaga ang mahal ko. Kung gusto mo hihiwalayan ko na siya magsama na tayo, mahal na mahal kita at alam ko namang mahal mo rin ako hindi ba?" Paliwanag nito.
Biglang nag-flashback sa kanyang isip ang eksenang nakita kahapon habang kasama nito ang pamilya.
What a stupid alibi?
Ano bang akala nito na magpapauto' pa siya ulit at matutuwa siya sa sinabi nito, dahil siya ang pakikisamahan nito? G*go talaga sa loob-loob niya napakawalanghiya nito.
"Alam mo ba ang sinasabi mo, ano bang palagay mo sa akin na papayag ako na maging kabit mo?" Mariin niyang tanong kasabay ng matalim niyang tingin dito. Pilit pa rin niyang pinipigilan ang sarili. Kahit gustong gusto na niya itong sampalin para magising.
"Hon, maghihintay lang naman tayo ng konting panahon. Hanggang sa p'wede na akong magfile ng annulment. Pero sa ngayon p'wede naman tayong magsama muna, mahal naman natin ang isa't isa at iyon naman ang mahalaga hindi ba?" Suhestyon pa nito na lubhang ikinagulat niya.
Dahil sa pagkadismaya, hindi na niya napigilan ang muling magtaas ng boses. Sabay ubod lakas na sinampal ang lalaki...
"Gago, anong magsama, paano mo nasasabi sa akin 'yan? Nakalimutan mo yata babae rin ako, akala mo ba ganu'n lang kadali sa'kin na gawin 'yon? Ano bang akala mo sa akin tanga, gago ka rin ano?! Kung gusto mong gaguhin ang asawa mo. Huwag mo na akong idamay pa!" Nanggigigil niyang sigaw habang nakataas ang hintuturong daliri at wala na rin siyang pakialam makagawa man siya ng eksena.
"Mula sa araw na ito ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo walanghiya ka! Ginawa mo lang akong tanga, pare-pareho lang kayong mga lalaki, mga manloloko!" Dugtong pa niyang sigaw.
By that time, She feel's so ashamed and disgusted.
Gusto pa niyang sumigaw at gusto niyang sampalin ito ulit hanggang sa mawalan ng mukha pero pinigilan na niya ang sarili.
Ayaw na niyang magmukhang desperadang talunan. Sapat na sigurong naipamukha niya dito ang kawalanghiyaan nito at naipaalam dito, na hindi na nito magagawa pang lokohin siya ulit!
Ang tanging gusto na lang niya ang makaalis na sa lugar na iyon. Nag-iwan lang muna siya ng bayad sa kape at kinuha ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ay walang paalam na tinalikuran niya ang lalaki.
Ngunit paalis na sana siya nang muling magsalita si Mathew na saglit na natulala sa kanyang ginawa at ngayon lang nakabawi ng salita.
"G-Given, I'm sorry. Please makinig ka muna sa akin, hindi ko sinasadyang saktan ka maniwala ka mahal kita!" Tinangka pa nitong pakiusapan siya ngunit sobra-sobra na ang sakit na kanyang nararamdaman.
Isang katangahan na kung pakikinggan pa niya ito. Niloko siya nito at pinagmukhang tanga, hindi na niya ito mapapatawad pa... Tulad rin ito nang kanyang ama na iiwan sila nang dahil sa ibang babae.
Hindi, hindi niya hahayaan na siya ang maging dahilan ng pagkasira ng isang pamilya.
Sobra man siyang umasa at nangarap na silang dalawa ang magsasama hanggang sa huli. Hindi pa rin siya papayag na magamit nito.
"Bitiwan mo ako Matthew! Kung ayaw mong tuluyang kasuklaman kita. Huwag ka nang magpapakita ulit sa akin kahit kailan at ayusin mo na lang ang buhay mo! Kahit alang alang man lang sa mga anak mo magkaroon ka naman ng hiya!" May diin niyang salita na puno ng pagkasuklam. Kaya bigla itong natigilan at tila napahiya kaya tuluyan na rin siyang binitiwan.
Kahit paano gusto niyang isaalang-alang ang mga anak nito. Ang mga ngiting nakita niya sa mga mata ng mga batang anak nito ay hindi mapapalitan ng kahit ano sa mundong ito. Dahil ang mga ngiting iyon ang unti-unting nawala at hindi na muling bumalik pa sa kanilang dalawa ni Cheska noon at hindi na kahit kailan. Dahil wala na, wala na si Cheska at ang kanilang Ina.
Pagtalikod niya kay Matthew hindi na niya napigilan pa, ang paghulagpos ng kanyang emosyon! Patuloy lang sa pag-agos ang luha niya, habang pabilis din ng pabilis ang kanyang paglalakad.
Dahil sa nanlalabo niyang paningin. Hindi niya namalayan ang isang estudyanteng papasok sa may pintuan. Nagkabanggaan sila nito paglabas niya ng pinto.. Nabitawan tuloy niya ang hawak na panyo at cellphone...
Mabuti na lang at maagap siyang nasalo agad ng nakabanggang estudyante, kasabay ng pagsalo rin nito sa kanyang cellphone.
Bago pa man ito tuluyang malaglag at mauwi sa pagkawasak! Katulad rin ng puso niya ngayon..
Kung tutuusin isa lang itong patpating binatilyo pero nagawa nitong maging aktibo. Sayang wala siyang panahon para hangaan ito sa pagiging bayani nito sa kanya.
"Oppp!! Sorry Miss hindi ko sinasadya hindi kita agad nakita pasensya na!" Magalang itong humingi ng dispensa sa kanya.
Subalit imbes na pasalamatan ito, iba ang kanyang sinabi..
"P'wede ba umalis ka sa daraanan ko. H'wag kang humarang!" Sabay tabig niya sa binatilyo at hablot sa kanyang cellphone.
Para bang dito niya naibuhos ang sama ng loob.
She was ashamed of herself because of what she did. But she still chose to ignore it.
Muntik pang ma-out of balance ang binatilyo.
"Whoa, thank you Miss ha' sa uulitin! Pasalamat ka matanda ka na! Kaya mahirap ka namang patulan!" Saad ng binatilyo sa mapang-uyam nitong tinig...
___
Grabeng babae 'yon Ah! Bubulong bulong pa rin na saad ng binatilyong nakabangga niya.
Hanggang sa pumihit na ang binatilyo papasok ng Cafe'house...
"Huh! 'Yung panyo niya naiwan." Malakas ang kutob nito na sa babae ang panyo.
Agad nitong pinulot ang panyo nang bigla itong matigilan ng mapansing may nakasulat sa panyong hawak.
Out of curiosity. . .
GIVENEA "GIVEN" ALCANTARA
"So maybe it's your name huh?" Bulong ng binatilyo.
"You're Given and I am Kieffer." Pilyong napangiti ito sa sarili.
"Ipamunas ko na lang kaya ito ng sapatos nang makaganti man lang hmm...
'Pero ang bango ah? H'wag na lang sayang...
'But for now on, you're mine?!"
* * *
By: LadyGem25