CHAPTER 5: Daniel Keiffer Solmeraz
__
Masayang masaya si Keiffer ng araw na iyon, ramdam na kasi niya ang tagumpay. Hindi rin nasayang ang mga taon na pinagsikapan niyang mag-aral ng mabuti.
Kahit malayo pa ang kanyang lalakbayin sa hinaharap at magtatapos pa lang siya ng high school. Malaking bagay na rin iyon para masabi niya sa sarili na...
Ang galing niya talaga!
Kanina lang kausap niya ang kanilang principal. Sabi nito siya daw ang nangunguna sa klase at ang napiling maging Valedictorian ng klase ngayong Graduation.
Hmmm! Ano kaya ang sasabihin ng Daddy niya? Tanong pa niya sa isip. Excited man siyang makauwi pero alam niyang wala pa naman ito sa bahay.
Kaya naisipan muna niyang tumambay sa isang cafe' na pag-aari ng parents ng kaibigan niyang si Keith. Marahil naroon na ang ito ngayon kasama ang pinsan niyang si Carlos at isa pang kaibigan nila si Miggy.
Napagkasunduan nila na doon na lang magkita-kita pagkagaling niya sa Principal's office. Dahil maaga pa naman kaya naisipan niyang doon na lang muna sila tumambay.
Paglabas niya ng school agad niyang hinanap ang kanilang driver na si Manong Berto. Hindi pa kasi siya pinapayagan ng daddy niya na mag-drive ng mag-isa.
Kahit na medyo marunong na rin naman siyang mag-drive. Pero okay lang naman, sabi nga ni Nana Cel bata pa naman siya kaya hindi pa siya dapat mag-drive.
Pagkakita niya kay Manong Berto ang matagal na nilang Driver. Nagpahatid na siya agad sa Alabang Town Center kung saan naroon ang Bergouli's Cafe', ang pinakamasarap gumawa ng paborito niyang croissant dito sa Alabang.
Madalas dito ang tambayan nila ng mga kaibigan kapag wala na silang klase o kapag vacant period.
Malapit lang naman ang school dito kaya ilang minuto lang nakarating na sila agad. Kaya agad rin siyang nagpaalam kay Manong Berto pagkatapos niyang bigyan ng pang meryenda. Alam na rin nito na medyo matatagalan siya matiyaga naman itong maghintay.
Pagtalikod niya sa driver ay mabilis na siyang naglakad. Papasok na sana siya sa loob ng hindi niya napansin...
Ang paglabas naman ng isang babaeng umiiyak at nagmamadaling lumabas. Dahil sa nagmamadali rin siyang makapasok huli na, para maiwasan ito.
In split second tuluyan silang nagkabangga. Mabuti na lang agad niya itong nasalo, in his peripheral vision nakita rin niya ang muntikang pagkahulog ng cellphone nito. Kaya bago pa man ito mahulog sa lapag at magkadurog-durog! Agad na niya itong inagapang saluhin!
'Ang galing ko talaga! Pasikat lang naman pogi eh?' Biro pa niya sa sarili.
"Oppps! Sorry Miss.. Hindi kita agad napansin. Pasensya na!"
Nakangiti at may paggalang niyang saad sa babaeng nakabangga niya. Napansin rin niya na medyo mas matanda naman ito ng konti sa kanya at bukod doon napansin din niyang mugto at basang basa ng luha ang mga mata at mukha nito. Marahil 'yon din ang dahilan kung bakit hindi rin siya nito nakitang parating.
Ngunit imbis na pakinggan siya nito pabalang siya nitong pinagsabihan..
Kasabay nu'n ang biglang pagtabig nito sa kanya sabay hablot nito sa cellphone.
Pagkatapos bigla na lang itong umalis ng walang lingon-lingon.
Muntik pa siyang mabuwal dahil sa saglit na pagkawala ng kanyang balanse. Nagulat siya at saglit rin na natulala, dahil sa ginawa nito!
Lumipas ang ilang segundo bago siya nakabawi. Kaya naman nilakasan niya ang boses para marinig nito ang nais niyang sabihin.
"Whoa! Thank you Miss ah, sa uulitin?! Pasalamat ka matanda ka na, kaya mahirap kang patulan..."
Gusto niya sanang maawa sa itsura nito kanina pero nagbago ang isip niya.
Grabeng babae 'yon Ah! Bulong pa niya sa sarili, matapos kumalma. Pumihit na siya upang pumasok sa loob ng Cafe'...
Kahit pa nakadarama pa rin ng inis ng muli siyang pumasok. Isang bagay ang agad niyang napansin sa lapag...
"Huh? 'Yung panyo nu'n babae naiwan." Sigurado siyang pag-aari ito nu'n babae base sa kanyang pakiramdam. Agad na pinulot niya ang panyo at bahagyang pinagpag. Saglit siyang natigilan ng mapansing may nakasulat sa panyong hawak.
Dahil curious siya kaya pinasadahan niya ito ng tingin...
Nakasulat dito ang buong pangalan ng may-ari ng panyo, marahil ito ang pangalan ng babaing iyon!
So maybe, it's your name huh?
You're Given and I am kieffer napaisip tuloy siya ng isang kalokohan.
Ipamunas ko kaya ito ng sapatos makaganti man lang hmm, pero ang bango ah? H'wag na lang sayang.
But there is one thing that, I'm sure...
Now you're mine?! Hindi niya ugali ang gumamit ng ano mang bagay na pag-aari ng iba lalo na kung napulot lang pero dahil batid niya na sa babaing iyon ang panyo parang gusto niya itong angkinin. Siguro ito ang way niya para makaganti sa babae dahil sa ginawa nito. Palagay niya mahalaga itong panyo dahil kung hindi wala sana itong pangalan at isang simpleng panyo lang na walang halaga.
Sayang nakaalis na siya, sorry ka na lang sa akin na ito ngayon! Bulong pa niya sa sarili..
"Buti maganda ang mood niya ngayon! Muling inilapit ang panyo sa ilong, hmmm ang bango talaga at agad na itong pinamulsa."
Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob at agad ding nakita ang mga barkadang nagkakatuwaan na sa isang mesa. Kaya dere-deretso na siyang lumapit sa mga ito.
Hanggang sa napansin na rin siya ng mga kaibigan.
"Hey Bro! Anong nangyari, anong sabi ni Principal? Kailangan mo na daw bang mag-blowout?" Saad ni Miggy. Isa ito sa top nasa fourth rank ito.
Nangongopya lang kaya ito sa akin!Hahaha! Just kidding. Biro niya sa isip.
Medyo may kalokohan kasi at kung minsan tamad mag-aral. Buti na lang ipinganak na likas na matalino kaya hindi naiiwan.
"Gag*! Nakaline-up pa lang ako kaya h'wag mo munang balasahin. Okay?" He said with smile and feeling proud at the moment.
"Anong balasa ang sinasabi mo Bro, nasa huling quarter na tayo may aagaw pa ba ng trono mo? Hayaan mo ipapaubaya ko na 'yun sa'yo. Basta ba laging libre ang food." Miggy said again then he grinned.
"Tama si Miggy boy, Bro, nasa iyo na ang Corona wala ng laglag 'yan, unless biglang maghabol 'yon isa d'yan." Si Carlos ang pinsan niya na laging nakasunod sa kanya. Ito lang naman ang nag-iisa niyang kakampi pagdating sa usaping pamilya.
Tagapagtanggol niya ito, at pinagkakatiwalaan ng Daddy niya. Sayang lang at hindi siya mahabol nito pagdating sa klase mas nauunahan pa ito ni Keith.
"Okay na sa'kin 'yun at least basta si Bespren, okay lang na pangalawa ako!" Siya si Keith, pinalaki yata ito sa kusina kaya hindi kataka-taka na magiging magaling na chef ito sa susunod na henerasyon.
Mahilig itong mag-imbento ng mga pagkain at ano pa nga ba? Kami lang naman ang tagatikim! Ang talino niya, pero sa pagkain lang nakafocus ang atensyon niya kaya naman hindi kataka-taka na siya rin 'yun malusog.
Siya pa naman ang sumusunod sa akin sa top rank, pero wala siyang interest na unahan pa ako sa klase.
Sa kanilang apat silang dalawa ni Keith ang mas madalas na nagkakaintindihan kahit sa tingin lang, siguro dahil madalas na mas marami silang pinagkakasunduan kapag magkasama sila. Madalas din tinatawag si Keiffer na Uno at si Keith naman ay si Zero.
"Sure ka Bro, wala ng bigayan kahit tambakan mo pa ako ng maalat mong croissant." Biro ni Keiffer sa kaibigan.
"Maalat ka d'yan mas masarap pa kaya akong magbake kaysa kay Popsy!" Si Keith sa nag-aalala ng tono.
Bahagyang napangiti si Keiffer sa reaksyon ni Keith. Sobra ang dedikasyon nito pagdating sa pagkaing ginagawa kaya naman mahalaga sa kaibigan kahit ang pinaka maliit na puna dito.
"Buti pa magpakain kana Bro, kanina pa kami dito. Nagsusuntukan na 'yun mga bulate sa tiyan ko. Hindi kaya ako gaanong nakakain ng lunch!" Muling saad ni Miggy na kunwa'y pinalungkot pa ang mukha.
"Sa iyo pala nagsusuntukan pa lang, 'yun sa akin kanina pa nakatirik 'yung mata sa kahihintay kung may lalapangin ba!" Si Carlos na kunwari seryoso.
Saglit na katahimikan... Bigla ring napaisip si Miggy sabay tanong...
"Teka Bro, may mata na ba ang mga bulate mo?" Painosenteng tanong nito.
"Meron ah, 'yan ang hirap sa'yo Bro, kaya ka napag-iiwanan sa klase eh' ang slow mo marami kang hindi alam. Itinuro kaya sa atin 'yon! Hindi mo ba alam?" Si Carlos na pilit na pinipigilan ang pagtawa.
"T***ina mo! Bro, niloloko mo na naman ako." Biglang sagot ni Miggy ng makahalata.
Natawa rin si Keith at Keiffer dahil sa pag-uusap ng dalawa.
"Mukhang gutom na nga kayo mabuti pa kumain na nga lang tayo. Baka kumalat pa ang ipis dito kaswerte at dalawa lang kayo." Sagot ni Keith.
Lumipas pa ang ilang segundong nakatulala ang dalawang ipis este mga kaibigan niya bago pa naunawaan ang sinabi ni Keith. Sabay pa sila ni Keith na nagkatawanan. Dahil sa reaksyon ng dalawang kasama nila.
___
Pag-uwi nila Keiffer ng bahay nila sa Alabang, pumapasok pa lang sila ng main gate. Hindi na niya naiwasang alalahanin ang mga kwento ni nana Celina sa kanya.
Habang pinagmamasdan niya ang buong kabahayan...
Isa itong two story house na sadyang denisenyong pataas ang pathway mula sa main gate hanggang sa entrance ng bahay. Kaya kahit dalawang palapag lang ito. Halos kapantay na ng tatlong palapag. May anim na kwarto sa itaas at apat sa ibaba. Bukod sa dalawang Guest room, Music room at Library.
Bukod din ang Servants quarter at ang Guardhouse. May Terrace din ito sa itaas na nakaharap sa swimming pool na hugis almond. Paborito kasi ni Elizabeth ang kanyang Mama ang almond.
Sabi ni Nana Cel ang kanyang Mama daw ang nagdesenyo ng lahat-lahat sa bahay na ito. Lalo na ang maluwang na garden na puno ng ibat-ibang halaman na namumulak.
Kadalasan daw kasi ito ang tambayan ng Mama niya tuwing umaga. Mayroon din itong Built-in water fountain na pinasadya pa katabi ng mini fishpond na may mga batong iba't iba ang kulay. Sinadya rin itong lagyan ng ilaw na kahit gabi na maganda pa rin itong pagmasdan.
Sabi pa ni Nana Cel dito daw madalas maglambingan si Mama at si Papa. Ito kasi 'yun paborito nilang lugar dito sa bahay. Masayang-masaya daw sila noon kahit silang dalawa lang.
'Pero noon 'yon! Noong hindi pa siya dumarating sa buhay ng kanyang Ama si Andrew Philip Solmeraz labing limang taon na ang nakalipas.
Noong hindi pa siya ipinapanganak.
Hindi na kasi niya nakilala ang kanyang Mama.
Sabi pa ni Nana Cel namatay ito pagkatapos siyang ipanganak. Nagkaroon daw ito ng komplikasyon sa puso noong ipinagbubuntis pa lamang siya nito.
Pero mas pinili pa rin nito na palakihin siya kahit tumanggi pa ang kanyang Papa noon. Pinilit pa rin nito na siya ay buhayin kahit na nahirapan ito ng husto sa pagbubuntis sa kanya. Kahit pa naging kapalit ng buhay nito ay ang pagsilang niya sa mundong ito.
Kaya pinipilit na lang niyang unawain kung bakit malayo ang loob ni Andrew sa kanya. Ang araw daw kasi na ipinanganak siya ay ang araw ding namatay siya.
Pagkapasok nila sa gate napansin na niya agad ang sasakyan ng ama na nakaparada sa tapat mismo ng Main Entrance ng bahay.
Tanda na kararating lang din nito.
Nagtaka siya sa maaga nitong pagdating na bihira nitong gawin. Palagi kasi itong ginagabi sa pag-uwi.
Hindi niya alam kung sinasadya ba nitong umiwas na makita siya o gusto lang nitong maglibang pagkagaling sa opisina, kaya hindi agad umuuwi.
Pag-uwi nito ng bahay, 'yun tulog na siya o 'ndi kaya nasa loob na siya ng kwarto.
Pero kahit paano tinitingnan muna siya nito sa kwarto bago ito matulog. Alam niya 'yun, dahil sadyang hinihintay din niya palagi ang sandaling 'yon..
Bago pa siya matulog...
Kasi 'yun yata ang sleeping pills niya para makatulog. Kahit pa sisilipin lang naman siya nito. Pero kahit kailan hindi siya nito nilalapitan.
Samantalang siya itong palaging naghihintay. Gusto niyang makita ang papa niya bago matulog. Gusto niyang matandaan ang mukha nito. Baka kasi paggising niya makalimutan na niya ang itsura nito. Dahil alam niyang hindi na rin niya ito makikita sa umaga.
Siguradong paggising niya nakaalis na rin ito kinakausap lang kasi siya nito kapag may importanteng sasabihin o ibibilin sa kanya. Lalo na kapag aalis ito o mag-a-out of town. Ganito lang naman ang set-up nilang mag-ama dito sa bahay kaya madalas mas gusto pa niya sa labas.
Matagal na siyang nakatayo sa tapat ng pinto pero hindi pa rin siya pumapasok. Iniisip niya kung paano sasabihin sa kanyang Papa 'yun tungkol sa napag-usapan nila ng Principal kanina sa school.
Ang totoo excited na siyang sabihin sa ama na siya ang nangunguna sa klase at siya ang magiging Valedictorian. "Matutuwa kaya si Papa sa akin?" Tanong niya sa sarili.
Pagpasok niya ng pinto at pagbungad sa sala. Bigla siyang natigilan.
Sandali siyang nalito, kung tutuloy ba siya sa pagpasok o mananatili na lang nakatayo?
Duh! He can't explain, why he had this feeling that something strange happen by this time. What a scenery it is, he couldn't expect it would be happened just only now?
Ang Papa niya habang masayang nakikipagtawanan sa mga bisita nito. Simula pa noong bata siya ngayon lang niya nakitang masaya ito. O baka naman hindi lang talaga sila madalas magkitang mag-ama. Pagkumbinsi niya sa sarili, ngayon lang kasi niya nakita na marunong din pala itong tumawa.
Not because, he didn't want his father to be happy? Although he didn't care, if he couldn't be the one reason or who will make him happy now?
Basta masaya ito masaya din siya.
Duh! But why he feel's a little bit jealous? Keiffer ask himself.
After few minutes of standing.
They reconized his presence, then Andrew called him to go near of them.
His father said...
"Oh, dumating ka na pala hijo! Halika lumapit ka dito. Gusto kong makilala mo ang Tita Olivia mo at ang Step Brother and Sister mo.
'Siya ang bago kong asawa nagpakasal na kami noong nasa Boston ako, kaya mula ngayon dito na rin sila titira. Inaasahan ko na pakikisamahan mo silang mabuti, maliwanag ba 'yon, ha? Keiffer!" Mahabang paliwanag nito, pero parang hindi niya naiintindihan.
Hindi yata ako na-inform? Bulong ng isip niya.
"Ha! Ah.. O-opo Papa!" Ang tanging nasabi niya, huli na para magprotesta.
Ano pa ba ang magagawa niya eh, nandito na sila?! Bakit ba hindi man lang niya nalaman na ganito pala, ang plano ng kanyang Ama?
Bakit ganu'n Papa?
* * *
@LadyGem25
09-18-23