THE SECOND FAMILY

2206 Words
Chapter 6: _ "Gusto kong makilala mo ang Tita Olivia mo ganu'n din ang Step Brother and Sister mo. Nagpakasal na kami ng Tita Olive mo noong nasa Boston pa ako." Paliwanag ng Daddy niya matapos na sabihan siyang lumapit. "Papa, nagpakasal ka na?" Tanong ni Keiffer. Alam niyang huli na para magprotesta pa siya. Ano pa ba ang magagawa niya ngayon e nandito na sila. "Oo ganu'n na nga, wala naman sigurong problema kung hindi ko man nasabi ng mas maaga, right hijo? Saka hindi naman masama kung mag-asawa ako ulit hindi ba? Besides, matagal ng wala ang mama mo at 'yun ay dahil sa'yo. Remember?" Saad nito na may pagkasarkasmo. "Papa!" Gulat na saad niya sa ama at tahimik na napatingin na lang siya dito. Ngunit ang kalooban niya ay nagtatanong... Bakit ganu'n Papa, hindi ko alam na ito pala ang gusto mo at hindi mo man lang hiningi ang opinyon ko? Hindi naman ako tututol dahil gusto ko rin naman na maging masaya ka! Kaya lang, bakit ganu'n? Pakiramdam ko wala akong halaga sa'yo! Sigaw ng isip niya, ito rin ang mga salitang gusto niyang sabihin sa ama. Pero hindi niya nagawa. Nagulat pa siya ng biglang magsalita ang napangasawa ng kanyang Papa sa tabi niya. "Mukha naman siyang mabait na bata Sweetheart sa tingin ko hindi naman ako magkakaproblema sa kanya." Wika nito sabay lingon sa kanyang Papa saka muling bumaling sa kanya at nagtanong... "Hello, hijo, ilan taon ka na ba, your Dad said, you're name is Daniel Keiffer right, so anong gusto mong itawag ko sa'yo, Daniel ba O Keiffer? Masyado kasing mahaba ang Daniel Keiffer." Nanatiling nakatayo si Keiffer at nakatitig lang sa babae, iniisip niya kung dapat bang sagutin pa niya ito? Dahil napakababaw naman ng tanong nito, nang biglang magsalita ang Daddy niya... "Kinakausap ka ng Tita Olivia mo Keiffer, magsalita ka huwag kang bastos, sumagot ka!" Sigaw ng Papa niya. Then he heard sudden commotion besides him. When he looked who make it the noises? Nakita niya ang dalawang anak ni Olivia na pinipigan ang pagtawa. "Mag si-sixteen na po ako, bahala na po kayo kung anong gusto n'yong itawag sa akin pareho ko namang pangalan 'yon!" Pilit na sagot niya dito. "Keiffer, ayusin mo nga 'yang pagsasalita mo!" His Dad shout at him in irritating voice. "Hon, marahil naninibago pa sa akin 'yun bata kaya hayaan mo na lang!" Pagpapakalma pa nito sa kanyang ama. Muli itong bumaling sa kanya at nagtanong. "Kailan ba ang birthday mo hijo? Magkaidad lang pala kayo ni Tricia!" Then she called Tricia. "Tricia, Honey? Come over here, hija!" Lumapit sa kanila ang tinawag na Tricia na hindi nga nalalayo sa idad niya. Maganda ito at maputi, balingkinitan rin ang katawan mataas ito sa karaniwang kaedad nito parang sa isang modelo ang aura. Tumingin ito sa kanya at ngumiti, subalit pasimple siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. He sighed at the moment. "This is Patricia, just call her Tricia my younger and the other one, my eldest son. His name Michael Conrad, but we call him Mico." May pagmamalaking pakilala nito sa mga anak. Hindi maipaliwanag ni Keiffer, kung bakit iba ang pakiramdam niya sa mga ito? Lalo na sa anak nitong si Mico, na kanina panay ang ngisi sa kanya na parang nakakaloko, mas matanda ito sa kanila ng limang taon. Kaya sa edad nito ngayon binatang binata na ang itsura nito. Malaki ang pangangatawan na mukhang alaga sa ehersisyo. G'wapo rin ito at matangkad bumagay pa sa kaguwapuhan nito ang bahagya pa lang tumutubong bigote. Hindi man niya gusto, subalit bahagya siyang nakaramdam ng pananaghili sa kaharap. "Alam mo magsi-sixteen na rin si Tricia sa March 3, ikaw kailan ka naman?" Kunwa'y tanong nito, marahil kinukuha nito ang loob niya. But the fact is... Malamang na naka-pagresearch na ito tungkol sa kanya. "Hindi po ba nasabi sa inyo ni Papa, kung kailan, ang alam ko po kasi hinding-hindi iyon makakalimutan ni Papa, right Pa?" He ask it, in sarcastic tone, he looked straight on his father face, to see how he reacted on this situation. Nakita niya ang pagkalito sa mukha ni Olivia, habang nagpapabalik-balik ng tingin sa kanilang mag-ama. Habang ang dalawang anak nito ay tila wala namang pakialam. Bumalik lang ulit ang mga ito sa kinauupuan kanina. Bumaling muna ng tingin sa kanya ang kanyang Papa, bago ito nagsalita. "S'yempre naman makakalimutan ko ba ang kaarawan ng nag-iisa kong anak? Feb. 14, Ang birthday niya!" Mariing tugon nito kahit alam ni Keffeir na hindi naman talaga ang kaarawan niya ang inaalala nito, kapag dumarating ang araw na iyon. Dahil hindi ito nagsasaya, kun'di nagluluksa sa tuwing darating ang araw na iyon! "Oh, Valentines 'yun hindi ba at this coming Saturday na? Dapat pala magpaparty tàyo hijo, Ano sa tingin mo sweetheart?" Baling na tanong ni Olivia sa kanyang ama. Habang sa isip ni Keiffer, 'ang akala siguro nito makukuha nito ang loob niya ng gan'un lang kadali...' Bulong ng isip niya. "Hindi na po kailangan, okay na po sa akin ang simpleng selebrasyon lang wala naman po kasi akong bisita eh." Agad niyang tugan dito, bago pa man makasagot ang kanyang Papa. "Ano ka ba hijo Birthday mo 'yon kaya dapat may party, ako na ang bahala sa lahat. Marahil dati wala sigurong nag-aasikaso sa inyo at busy lagi ang Dad mo. Ngayon narito na ako, kaya ako na ang bahala, Okay? Siguradong hindi naman tatanggi si Daddy, hindi ba Hon?" Pinalambing pa nito ang boses, sabay kapit ng braso sa kanyang Papa. "Sige ikaw nang bahala Hon! Gusto ko rin naman magpaparty talaga tayo, para sa welcome party n'yo ng mga bata. Isabay na lang natin parang advance celebration na rin sa graduation nu'n dalawa." Lihim siyang napalingon ng marinig ang sinabi ng kanyang Papa. Tama ba ang narinig niya, bakit ganu'n, advance celebration nila? Paano naman siya kasali rin ba siya sa selebrasyon na iyon? Lihim niyang ngit-ngit na tanong na tanging sa isip lang niya kayang gawin. Kahit lalaki siya hindi niya maiwasang maging sentimental. "Sandali, hindi ba sabi mo graduating na rin itong si Keiffer? Wow! Ang galing naman sabay-sabay pala sila gagraduated. Kung ganun dapat nga pala tayong magpaparty. Ano sa tingin mo hijo?" Sabi nito na tila puno ng excitement. Tang***! Parang may utang na loob pa ako ngayon. Dahil isinali nila ako sa selebrasyon nila. Ga'yung alam ko naman na para lang sa kanila 'yun, sinong niloloko nila! "Sige po kayo na ang bahala doon po muna ako sa kwarto ko medyo napagod po kasi ako sa school kanina." Pagdadahilan na niya gusto na rin kasi niyang matapos ang usapang iyon. Kahit hindi na niya masabi ang tungkol sa Graduation. "Bakit ka naman napagod puro aral lang naman ang ginagawa mo, napapagod ka na bang mag-aral ngayon? Hindi bale sana kung katulad ka nitong si Mico dahil kasali siya sa Varsity sa school nila kaya natural na mapagod. Ano bang pinaggagawa mo ngayon at napapagod ka?" Hindi niya alam kung bakit sinasabi ito sa kanya ng kanyang Papà pero nakaramdam siya ng bahagyang pagkairita. Ano bang ibig nitong sabihin? "W-wala po Dad, napagod lang po talaga ako." Ang totoo gustong gusto na talaga niyang umalis sa paghaharap na iyon, iba na kasi ang pakiramdam niya. Parang gusto na niyang mainis, gusto na rin niyang magalit. Hindi naman niya ito dating nararamdaman pero bakit iba na ang pakiramdam niya ngayon? "Siguraduhin mo lang na wala ka ngang ginagawang kalokohan sa school n'yo! H'wag na huwag mo akong ipapahiya, naiintindihan mo?!" Sigaw pa nito sa kanya. "O-opo, Dad!" Tugon na lang niya habang nakayuko. Dahil ayaw na niyang makipagtalo pa sa mga ito ngayon. Hindi muna ngayon! "Sweetheart, hayaan mo na ang bata. Baka naman talagang napagod siya sa school." Sabi ni Olivia sabay baling ulit sa kanya. "Sige na hijo, magpahinga ka na, ako na ang bahala sa Daddy mo." Wika nito. "Okay, sige na magpahinga ka na... Aasahan ko na pakikisamahan mong mabuti, ang Tita Olivia mo ganu'n rin si Mico at Tricia. Maliwanag ba 'yun ha, Keiffer?!" Paniniguro ng kanyang ama. "Opo, Dad! Sagot na lang niya ayaw na rin kasi niyang humaba pa ang pakikipag-usap sa mga ito. Pagkatapos magpaalam tuloy-tuloy na siyang pumanhik sa itaas. Pagdating sa kanyang kwarto saka lang siya nakahinga ng maluwag. Daig pa kasi niya ang dumaan sa interrogations. Pabagsak siyang nahiga sa kama na dala ang inis sa kanyang ama, ahhh, hindi sa kanilang lahat! Ngit-ngit niya. "Bakit ganu'n siya, gusto ba talaga niya akong ipahiya sa bago niyang pamilya." Bulong niya sa sarili. Ahhh! Dapat sanay na nga siya sa ganito, dahil matagal naman na siyang binabalewala lang nito. Pero mas masakit pala sa pakiramdam, na binabalewala siya ng Ama sa harap ng ibang tao. To think na sa mga taong iyon pa, na sigurado siyang makakahati niya sa atensyon ng sarili niyang Ama! Kasalukyang iyon ang nasa isip niya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa. Bigla siyang natigilan at agad na bumangon saka naupo. Kasabay ng pagkuha niya sa cellphone, nalalag ang isang panyo mula sa kanyang bulsa. Hindi niya ito pansin nu'n una, ang tanging nasa isip lang sagutin ang tumatawag sa kabilang linya. "Hello!" "Bro! Punta kami d'yan ngayon. Sounds trip tayo" si Keith sa kabilang linya. "Hindi pwede ngayon Bro, narito na si Daddy kasama pa 'yung bago niyang pamilya. Kaya sa ibang araw na lang saka badtrip din ako ngayon!" Tugon niya. "What, Bro anong sabi mo, sino nga ang kasama ng Daddy mo?" Tanong ni Keith na nalilito. "Yung bago niyang asawa at may bitbit pang dalawang anak" Tugon niya. "You mean, si Tito Andrew nag-asawa ulit kelan pa Bro, parang hindi yata nabanggit ni Daddy 'yan sa'kin ah, alam na kaya ni Daddy ito?" Si Keith. "Ewan, kung ako nga na anak ngayon ko lang nalaman eh?! Pero sabi niya nagpakasal na sila habang nasa Boston siya, last month pa 'yun. Sabagay kahapon lang naman siya umuwi. Baka tinapos muna nila 'yun Honeymoon bago pa nila naisipang ipaalam sa'kin. Ano sa tingin mo Bro?" He said in sarcastic tone. "Hey! Bro relax lang, okay lang 'yun?" "T***ina naman Bro! Ano okay lang, okay lang na balewalain ako sa bahay na ito? Ipinaramdam sa akin nang ama ko, na wala lang akong kwenta dito sa bahay sa mismong harap pa ng bago niyang pamilya. Okay lang?" "Hey! Bro, hindi naman siguro ganu'n ang gustong mangyari ng Papa mo baka hindilang kayo nagkaintindihan, gusto mo bang pag-usapan natin? Pupunta ako diyan..." Pagngongonsola pa ni Keith sa kanya. "Okay lang ako bukas na lang siguro, alam mo naman na, sanay na rin ako kay Papa. Kung minsan lang kasi nakakainis na." "Sigurado ka?" "Oo naman, bukas na lang tayo gumimik Sunday naman tomorrow. " "Okay sige ikaw ang bahala, sabi mo 'yan ha?" "Oo, sige na Bro pahinga lang muna ako..." "Okay sige! Huwag mo na lang kasi isipin 'yung mga sinasabi ni Tito. Ang isipin mo mahal ka nu'n, ikaw lang yata ang nag-iisa niyang kamukha." Ito ang huling sinabi ni Keith bago niya patayin ang linya. Kamukha, nagpapatawa ba siya? Alam niyang nagbibiro lang ito marami ang nagsasabi na mas kahawig niya ang kanyang Mama, mata lang ang nakuha niya sa kanyang Papa. Purong pranses ang kanyang Lolo Damien namana nilang mag-ama ang abuhin nitong mga mata. The rest sa kanyang Mama na, mula sa kulay ng balat, hanggang sa bahagyang pagkakulot ng buhok. Sobrang puti kasi ng kaniyang Papa at mapusyaw lang siya, idagdag pa ang nunal niya sa gilid ng ilong na katulad din ng sa kaniyang mama. Bakit niya alam kasi maraming nairecord na video ang kanyang Mama. Bukod kasi sa mga larawan nito na palagi niyang nakikita, may mga video ang kanyang ina na palagi niyang pinanonood simula pa noong bata siya. Kaya halos kabisado na niya ang itsura nito at maging ang kilos at galaw. Mahihiga na sana siya ulit ng may mapansin siyang panyo sa ibabaw ng kama. Saglit siyang napaisip kung kanino ang panyo? Nang bigla niyang maalala ang nangyaring insidente kanina. Bigla rin niyang naisip... "Nahawa yata ako ng kamalasan sa babaing 'yun ah?!" Naalala niya kung paano siya nito sinigawan kanina. "Ang ganda pa naman n'ya. Pero ang sungit naman, bakit kaya siya umiiyak? Sayang kailangan pa naman niya itong panyo kanina." Muli niyang pinagmasdan ang panyo at binasa ang nakasulat dito. "Paano ba 'yan hindi na kita maisosoli pa sa babaing 'yun kaya sa akin ka na. Mukhang kailangan din kita ngayon, p'wede bang sa akin ka na lang kasi iniwan ka na niya. Kapag pinalad at nagkita kami ulit ng babaing 'yun, saka na lang kita isosoli." Para siyang baliw na kinausap pa ang panyo. Malayo na ang itinatakbo ng kanyang isip nang may kumatok sa pinto.. "Huh, sino 'yan?" "Ako ito anak, p'wede ba akong pumasok?" Si Papa, tama ba ang narinig ko? T-tinawag ba niya akong anak O halusinasyon ko lang o nabibingi na ba ako? "PAPA!" Agad na niyang binuksan ang pinto naisip niya pagkakataon na niya ito para makausap ng sarilinan ang ama. Ngunit pagbukas niya ng pinto para lang madismaya... Dahil sa tabi nito naroon na naman ang kanyang madrasta! * * * @LadyGem25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD