CHAPTER 24: FEEL THE LOVE __ Ilang minuto pa lang sila dito sa loob ng Jade's Restobar na sa pagkakaalam niya ay pag-aari ng isang sikat na artista. Dito siya dinala ni Darwin, ngunit kahit gaano pa kaganda itong lugar hindi pa rin niya ito ma-appreciate. Dahil mula pa kaninang pagdating nila nakakaramdam na siya ng pagkainip. Hindi niya naiwasang patuloy na suyurin ng tingin ang paligid upang kahit paano libangin ang sarili. Hindi na nga niya maunawaan ang sinasabi ni Darwin. Dahil bukod sa magkahalong tugtog at ingay sa loob ng bar, hindi rin niya magawang i-focus sa kaharap na lalaki ang buo niyang atensyon. Para kasing ang yabang ng dating sa kanya ng mga kwento nito kaya naman nakakawalang gana itong kausap. Hanggang sa dalawang pamilyar na imahe ang biglang umagaw ng kanyan

