CHAPTER 17: _ Habang naghihintay sila ng order sinimulan nilang maghanap ng sarili nilang table. Habang naglalakad isang grupo ng kababaihan ang umagaw ng kanilang atensyon. Nauna nang binati ni Migs ang mga babae. Isa sa mga ito ang agad niyang nakilala at hindi siya maaaring magkamali. Dahil kahit pa medyo madilim sa loob ng Bar makikilala pa rin niya ito. Sigurado rin siya na sa kanya ito nakatingin. Ngumiti pa ito ng malapit na sila. "Hi! kumusta ka na?" Ito pa ang unang bumati sa kanya nang nasa tapat na sila ng table ng mga ito. "Hi!" Matipid niyang sagot na parang wala lang... Wala naman talaga itong halaga sa kanya. Kung maaari nga ayaw na niya itong makita. "Hey! Is that your way how to greet your future wife?" "What, anong bang sinasabi mo lasing ka na ba?" Naiinis n

