"It's not like I can stop you, Beauty. What right do I have right now? Do what you want. I don't want you to blame me for a dream that you did not pursue." -Drew- . . Honest . . Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa kama, at mas huminga na ako nang malalim. Pagulong-gulong pa tuloy ako ngayon sa kama ko, at hinihintay ang tawag niya. Hindi na 'ata siya tatawag! E, alas onse na! s**t lang talaga! Mura ng isip ko. . Hanggang sa tumunog na ang cell phone ko. Mabilis akong napabangon at kinapa ito sa gilid. Si Drew... . "Hello?" medyo inis na tugon ko. "Beauty, darling... Can you come out?" Buo na boses niya. . Napabangon agad ako at nataranta na. Hindi ko kasi inakala na nasa labas siya ng bahay ngayon. Nilingon ko muna ang bintana at kitang-kita ko siyang nakatayo sa labas ng sas

