Ex Girlfriend . . "One, two, three, turn, Beauty!" "Perfect!" "Okay... Break time!" Saad ni Mamita. Siya ang head namin. . Practice na kasi namin ngayon sa Monde Fashion. Nakabalik na si Ate sa trabaho. At balik normal na ang lahat. Pansamantala naman akong nakatira kina Ate at Kuya Joey. Ayaw kasi ni Drew na mag-isa ako sa bahay. Sa susunod na linggo na ang Japan fashion show namin. Kaya busy na ang lahat at pati na ako. . Umupo na ako kasama ang iilang modelo na katabi ko. Naka strict diet kami lahat. Kaya halos tubig lang din ang pwede naming mainom at bawal ang soft drinks. Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Drew. Busy siya at panay ang out of town. Hanggang ngayon hindi ko pa nasabi sa kanya ang tungkol sa Japan. . "Balita ko isa sa mga Mondragon ang magiging exclusi

