Anyone can catch your eye, but it takes someone special to catch your heart. . . Cover . . "Si Jasper Amorez ng SBF," tugon ni Bobita. . Kumunot lang din ang noo kong tinitigan siya. Tinanong ko kasi kung sino at kaninong agency ang kinuha nila para sa event. Kinompirma ko lang talaga, at tama nga naman si Donna ng marinig ko siya. Ang walang hiyang Jasper pa talaga! "Ba't sila ang napili mong agency? May iba naman ah." Umayos agad si Bobita at hinarap ako. "Bakit may problema ba? Do you perhaps know, Jasper?" "No. Hindi ko siya kilala," iling ko. "Their agency is one on the top three in the country, Beauty. I was aiming for the Monde Fashion. Sister company ng companya natin kaso kilala ko si, Sir Drew. Ayaw na ayaw niyang makigulo ang pinsan niya sa event na 'to." "Pinsan n

