Permission . . INAYOS kong mabuti ang sarili ko nang makarating sa lamesa. Alam kong nasa loob lang din silang dalawa. Hinubad ko na ang tuxedo niya at sinuot ang itim na blazer ko. May mensahi naman siyang iniwan sa mesa. . Coffee for two -DM- . Nagtungo na ako sa maliit na kitchen area at gumawa na ng kape. Hindi ko alam kong anong klaseng timpla ang gusto ng isa niyang kasama. Gagawin ko na lang din pareho. Nang matapos ay mas umayos na ako. Bago pumasok ay kinatok ko muna ang pinto. Bubuksan ko pa sana, pero agad lang na bumukas ito. . "Oh, hi, there you go," tipid na ngiti ng lalaki na kasama niya kanina. . To physically describe him, he's one of the hot Adonis too. Malinis ang tindig at pormal na pormal. Tipid ngumiti pero nakaka-insecure ang lahat sa kabuuan niyang anyo

