"I'll judge you. If you have a talent in that stage, then I won't stop your dreams. You can go and chase it..." . . Dreams . . SINADYA ko talagang pumasok ng maaga. Tinapos ko ang trabahong inuwi ko sa bahay ng isang oras at nilapag 'to sa lamesa niya. Namataan ko naman ang succulent na katabi ng litrato nito. Mas binuksan ko na ang glass na bintana. Para naman masilayan nito ilaw sa labas. Lumiwanag din ng husto ang buong silid. . Inikot ko lang din nang tingin ang boung paligid. Hakot awards nga naman si Drew Mondragon sa kompanyang ito. Ngumiti ako habang naglilinis dito. At nang matapos ay lumabas na ako, at ang kape naman sa maliit na kusina ang inasikaso ko. Kalalagay ko lang rin ng freshly coffee bean sa coffee machine nang malakarating. . Sumilip lang ako at ang mukha niy

