Chapter 11- Ballpen

1231 Words
" Uncle, may nahanap na po kami ni Mr. Chen . Isang babaeng bagay na bagay na maging Mrs. Ox Geller." sambit ni Samara nang binisita siya nito sa kanyang office. " Really?" Biglang umaliwalas ang mukha niya sa narinig. " Yeah! Bata, maganda at seksi.."dagdag pa nito. " You know, kahit sino naman pwede basta makapagkatiwalaan at hindi ibubunyag ang sikreto. Anyway, fake marriage lang naman ang magaganap . Once General Arthur will stop pestering me, the contract will be over!" " Well, tamang tama nga talaga napili namin para sa'yo Uncle." wika pa nito. " Basta huwag senior citizen , Ikaw pa naman, puro ka kapalpakan Samara! Huwag mong kalimutan na dahil sa'yo kaya ako gagastos ng malaking halaga." " Uncle naman, kaya nga bumabawi na ako sa'yo ngayon. So, ganito pala ang eksena. You will be celebrating your one year anniversary, then invite natin si Lola Suzzie at angkol General para naman ma convince na natin sila na may asawa ka na ngang tao." " Oo, nasabi ko na nga na may asawa ako at uuwi siya sa susunod na buwan," Natawa naman si Samara. " Well, you better show them a wife or else alam mo na kung ano ang mangyayari sa'yo! . " " Oo na, basta secure me a wife! Teka, can I know her name?" " Saka na, basta don't worry pang model itong asawa mo, hindi ka mapapahiya!" " Okay, I trust you!" " Dapat lang angkol. Okay , I should go now...may trabaho pa ako. Good bye and Ill call you later for our plans. By the way, saan bang restaurant tayo magpapabook for your anniversary?" " Ikaw ang expert sa mga ganyan kaya ikaw na ang maghanap!" " Sure ? A-Ako na? Sige, walang bawian ah? Mag-oorder na ba ako ng lechon?" " Oo basta 'yung sakto lang, " " Okay noted angkol! Thank you for trusting me!" natatawa nitong sambit na tila ba nanalo ito sa bidding. Tumayo siya at inayos ang suot niyang polo. Pupunta pala siya sa department store at bibili ng brief at slacks. Nakalimutan pala niyang bumili noong opening ng second branch ng resto ni Jelai kaya heto siya't babalik na naman sa Mall. Tinawagan niya si Bekang mula sa intercom. Pinalabas niya ito kanina nang dumating si Samara. Habang naghihintay kay Bekang ay nag browse na muna siya sa kanyang cellphone. Natigilan siya nang binasa niya ang balitang kakaupload lamang sa social media. Ang ganda pa rin ng bestfriend s***h ex-lover niya. Ito Ang babaeng kasundo niya sa lahat, they even grow together in the farm. Belyn Koh Isang tanyag na modela sa France. Well , he is so happy for her . " Master?" naputol ang pagmumuni niya nang marinig ang boses ni Bekang. Pinagmasdan niya ang makapal na eyeglasses, kilay at lipstick nito . Napailing tuloy siya sa itsura ni Bekang. Doble rin ang suot nitong blouse na wari'y nakatira sa malamig na bansa. " Ba't ang tagal mo? " " Nag cr pa po ako!" sagot nito. " Okay , ihanda mo na ang mga gamit ko at aalis na tayo. Mamimili ako sa Mall." Tumayo siya at nauna nang naglakad palabas. Alam niyang nataranta na si Bekang sa pag-aayos. Wala na rin pala silang stocks sa condo kaya mamaya ay dadaan na lang sila sa grocery. Ayaw naman niyang iasa kay Bekang ang pamimili sa groceries dahil napaka ignorante nito. Mali mali ang pinamili nito noong inutusan niya ito noong nasa Manila sila noong nakaraang buwan. Alas dose na ng hapon nang dumating sila sa Mall. Nakaramdam siya ng gutom kaya inaya na muna niya si Bekang na kumain sa isang restaurant. " Ang sarap naman nito Master..." wika ni Bekang habang kumakain sila. " Ma'am , Sir excuse me po. Isa po akong graduating student sa kolehiyo, kapos na kapos po kaya nagbebenta po ako ng ballpen. Sengkwenta lang po isa, unlimited ink at maganda po ang labas ng pagkakasulat kapag ito po gagamitin nito at----" " T-Teka...hindi ba't kapatid ka ni Mr. Chen?" Kaya pala pamilyar sa kanya ang magandang babaeng nagbebenta ng ballpen . Bigla itong nagkulay suka . " H-Hala, a-angkol ay Sir pala! Oo nga po ako nga 'yung kapatid ni Kuya Chen. Hindi ko po kayo namukhaan, may bigote na po kasi kayo ngayon at mas lalo na po kayong naging pogi kaya po bumili na po kayo ng ballpen ko, angkol Pogi!" Teka, inuuto ba siya ng batang ito? Tinatawag siyang pogi para bilhin niya ang ballpen into. " Magkano naman ang lahat niyan? Hindi ako uto uto ah? Gusto lang kitang tulungan dahil graduating ka na at kilala ko naman ang kuya mo kaya alam ko kung bakit gusto mong maghanap Buhay." " Salamat po angkol pogi, nine hundred lang po lahat!" Tuwang tuwa ito nang marinig na papakyawin niya ang mga ballpen into. " Ano nga pala ulit ang pangalan mo? " " April po." " Oh hetong one thousand April, sa'yo na ang sukli!" " Talaga po? Naku, thank you so much angkol pogi! I love you!" Napailing na lamang siya sa babae. Napakadaldal at napakabibo kung magsalita. " Welcome, tara kain tayo!" anyaya niya. Alam naman niyang aalis na ito dahil nakabenta niya. Kumbaga, pagmamabuting loob na lamang niya ang pag-aya ritong Kumain. " Tamang tama po, gutom na ako." Muntik nang malaglag ang panga niya sa narinig. Mr. Chen girl version ba itong kaharap niya? Ito pa nga ang sumenyas sa waiter at humingi ng extra plato. Nagkatinginan na lamang sila ni Bekang. " Ang sabi kasi ni Kuya Chen bawal raw tumanggi sa grasya!" anito sabayan kagat ng hita ng manok. Lihim siyang napalunok. Pinapakain ba ito ni Mr. Chen? Mukhang isang taon na itong hindi nakakain ng fried chicken. Bigla siyang nabusog sa sandaling 'yon habang tinitingnan lamang ang babae habang inuubos nito ang ulam Niya. Napansin niyang ibig matawa ni Bekang sa oras na 'yon pero nagpipigil lamang ito. Gusto niyang kunan ng video ang babae at ipadala Kay Mr. Chen ngunit baka magagalit ang intsik at baka mas magiging malala na ang pagiging kuripot nun. " Saan pala galing ang ballpen April? " " Imported po yan .Galing pa po sa North Korea." " Kaya pala ang mahal." aniya. Totoo kaya ang pinagsasabi nito? " Bakit po, ooder po ba kayo ulit? " " Ah, n-next time na lang. Marami pa naman itong binili ko." Naalala niya tuloy noong nasa bahay siya ni Chen. Nagluto ito ng masarap na tinolang manok. Masarap pero bitin ang karne dahil tig iisang piraso lamang ang share nila. Pambihira talaga si Chen.Kaya siguro napaka slim lamang ng kapatid nito dahil palaging naka calorie deficit. " Maraming salamat po talaga angkol pogi ah? And Sayo rin Ate--" " Bekang. " " Ate Bekang. Nabusog po talaga ako, ang sarap talaga ng inasal." Tumayo ang babae, mukhang busog na busog ito. " Sige , regards na lang sa Kuya mo ah!" nakangiti niyang sambit. Napakabata pa talaga ng kapatid ni Chen. Siguro ay nineteen or twenty lamang ito. " Ikaw kasi Master, sakto na nga lang ang pagkain natin nag-aya ka pa. Tingnan mo tuloy, naubusan ka!" humahalakhak na sambit ni Bekang nang makita ang itsura Niya. " Hindi ko naman akalain na kakain talaga siya. Akala ko mahihiya siya..." wika niya rito. " Invite pa more!" tukso nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD