Nasa Manila pa sila ni Bekang hanggang ngayon dahil may businesses transaction pa siya sa susunod na araw.
May sarili naman siyang condo unit sa Manila .
He is sitting comfortably on his couch while watching his favorite series movie sa Metflix.Pero sa totoo lang ay nasa isip pa rin niya si General Arthur, bakit tila tinutulungan talaga nito kung ano ang gustong makuha ng kapatid? As for Suzzie, ang tanda na....gusto pa ring mamikot at magka love life? Napailing na lamang siya .
"Bekang come here!" sambit niya sa assistant.
Nasa isang sulok si Bekang at nagbabasa ng pocketbook na kinaugalian nito. Nahulog talaga itong magbasa ng mga romance novel pero hanggang ngayon ay wala pa itong nobyo.Sabi pa nito ay hindi pa raw ito nakatagpo ng lalakeng kagaya nang nasa novela.Napapailing na lamang siya sa pangarap ni Bekang.May mga lalake pa bang katulad ang mga bidang lalake sa pocketbook?
"Ako po Master?"
Napabuntunghiniga siya.
"Oo Ikaw! May iba pa ba akong tatawagan rito eh tayong dalawa lang naman ang nandito sa condo di ba."
"Oo nga po ano?Sorry Master."
Talagang kulang kulang itong si Bekang.
"Ano po yun Master Ox?"
"Ang init Bekang.Im feeling hot and I want you to ----"
"Oh no,don't Master! Virgin pa po ako,and you're not my type.I want someone...younger and fresh and ---"
"Bekang nangigigil ako sa'yo! Pwede ba, ang init kaya kumuha ka nga ng isang baso ng malamig na tubig at nauhaw ako .Kulangang lamig ng aircon rito,matagal na yatang hindi nilinis yan! Teka, huwag ka ngang mag drama riyan! Nilamon ka na talaga ng pocketbook na Yan at pati ako ay pinagluluko mo!"saway niya sa babae .
"Ay s-sorry po Master.Akala ko po nag-iinit kayo.Sorry ,sorry ulit Master." mabilis nitong sambit sa kanya at nataranta nang pumunta sa kusina.
Napailing na lamang siya rito at natatawa na rin.
"Here na po Master." Inabot naman niya kaagad ang baso mula sa kamay nito .
"Salamat! Teka, m-may ulam pa ba at kanin?" Nakaramdam yata siya ng matinding gutom.
"Kakain po kayo?"
"Hindi Bekang m-matutulog na ako! Tssk,kakain nga di ba?Ulam at kanin ang tinanong ko!"
Talagang iikli ang buhay niya kapag si Bekang ang palagi niyang kakwentuhan.
"Ah meron pa po,Master.Teka po at kukuha ako.Sorry po,lutang lang!"
Sunod sunod na naman siyang napapailing .Si Bekang talaga, Hindi na talaga natuto.Palagi itong lutang kapag magkausap sila.
"Master, eto na po ." nakangiti nitong sambit sabay lagay ng plato na may kanin na at ulam .
Hindi naman siya tulad ng iba na maarte,yun bang kailangan pa ng tray na paglagyan ng mga kubyertos.For him kahit dala lang sa kamay okay na . Lumaki siya sa farm kahit na napakayaman nila ay sanay siya sa mabibigat na trabaho.
"Sige ,salamat.Sige na,ituloy mo an ang pagbabasa para hindi ka mabibitin." utos niya rito.
"Thank you Master,ilang pahina na nga lang at tapos ko nang basahin eh."
"Ano ba ang title ng pocketbook na yan .Mukhang hook na hook ka kahapon pa!"
"Damsel in Distress po kay Author Missrah.Romance comedy po ito kaya hindi boring basahin .Nakakatuwa ang bidang babae rito eh at 'yung lalake naman,presidente ng mga Coke in Can !"
Natawa siya sa sinabi nito."Puro ka talaga kalokohan! "
" Sige na po,nasa final chapter na ako Master."
Tumango lamang siya kay Bekang .Bumalik na ito sa sulok at pumwesto na naman at nagpatuloy sa pagbabasa .
Siya naman ay kumakain habang nanonood ng tv.
Mas mainam na muna kung dumito na muna siya sa Manila upang magpakalayo sa magkapatid na Suzzie at General Arthur.
Mag-asawa na lang siya,sa matanda pa? Hindi yata nag-iisip si General Arthur kung ano ang ibig nitong mangyari.
------
"Ayusin mo nga ang kwelyo ko." utos niya kay Bekang na nag-aasist sa kanya .Ang polo na bigay ni Samara noong birthday niya ang suot suot niya ngayon.Hindi pala niya napaghandaan ang outfit niya, puro pambahay ang dinala niya buhay probinsya kaya wala siyang choice kundi ang suotin ang puting long sleeves na bigay ng kaibigan na terno sa mga waiter ng restaurant kung saan dinaos ang kaarawan niya .
"Opo Master.Poging pogi po !" abot tainga ang ngiti ni Bekang habang inaayos siya.Sasama ito sa kanya sa soft opening ng second branch ng Food Porn Hub nina Jelai at Tiger Geller.
Siya raw kasi ang puputol ng ribbon bilang uncle ng May-ari .Siya rin talaga ang ni request ni Jelai para sa ribbon cutting ng second branch ng negosyo nito dahil siya raw ang favorite uncle ng mag-asawa.Ewan niya kung binobola lamang siya ni Jelai dahil talagang napakapilya nito at ang daldal.Dinaig pa si Samara sa kakulitan .Pero sobrang bait naman nito at mapagmahal sa pamangkin niyang si Tiger .
Nang dumating sila ay sakto namang uumpisahan na ang blessing at sinunod na Ang ribbon cutting .Syempre nandoon rin ang mga iba pa nilang kapamilya at mga kaibigan,mawawala ba naman ang mga ito sa ganitong okasyon? Kung may perfect attendance nga sa mga handaan ay nakatanggap na ng award ang mga kaibigan niya lalo na si Samara at Chen .
"You can now eat all you can huwag lang ang asawa ko! " dinig niyang sambit ni Jelai.Natawa na lamang siya sa kalokohan nito.
May mga bisita pa ring dumadating kahit na kumakain na sila at tapos na ang blessing .
Gusto niyang umihi kaya tumayo siya at pumunta na muna sa banyo at iniwan na muna si Bekang.
"Uncle kumain ka na ba? May espesyal recipe ako exclusive lang sa'yo." bulong sa kanya ni Jelai nang makasalubong niya ito nang papalabas na siya sa CR.
"Ano na naman yun Jelai?Pwede bang pass na muna? Kakakain ko lang ng chicken 69 mo with special t***d sauce at ...yung cold tea with a twist mo ano ang tawag dun?"
"Ah, pes-tea yun uncle ,masarap no?Refreshing ? Sa probinsya ko pa binili ang lemon at ang asukal galing pa sa Faroe island at alam mo ba ang tea? May secret recipe yun kaya masarap."
Napatitig siya sa mga mata nito .Si Jelai na yata ang pinakawalang hiya sa mga asawa ng mga pamangkin niya ,at si Samara syempre.
"Ano? "
"Abo yun ng mga ninuno niyo."
"Tang*na! Huwag mo nga akong pinagluluko Jelaine."
"Joke lang ,pero teka ipapatikim ko sa'yo ang recipe na inspired sa'yo!"
Hinila siya nito patungo sa loob ng kitchen.
"Ano ito?"
"Ito yung Ox inspired recipe. This menu is called Tigang na Baka.Look the meat oh? Dry na dry 'yan wala talagang oil .And in addition, kahit na mukhang dry ito sa labas pero kapag natikman mo na, may asim Asim pa rin.
He read the name on the menu again. Tigang na baka ala Ox Geller.
"Jelai,I don't know kung matutuwa ba ako or maiinsulto sa menu na pinangalan mo pa sa'kin.Tigang na baka ala Uncle Ox,jusmiyo Jelai...palitan mo ang pangalan na 'yan!"
"Uncle naman, dapat flattered at thankful ka.You know naman na special ang mga menu namin rito.At sa'yo lang talaga bagay ang menu di ba? Dry on the outside but yummy on the inside? "
Umiling na naman siya."Jelai, baka maaga akong mamatay sa menu na 'yan."
"Ma'am Jelai....oras na po to introduce to the newest menu of the house." sabad ng isa nitong tauhan.
"Wait lang uncle.Steady ka lang riyan okay?" Umalis ito at pumunta sa maliit na stage at nagsalita sa Mikropono.
"Attention everyone, I still have one special menu for today that I don't want you to miss.Gusto ko lahat ay matitikman si Uncle Ox este ang menu na inspired Kay Uncle Ox." Ang mga waiter naman ay naglalagay na ng plato na may pirasong Karne.Yun na nga ang gustong ipatikim sa kanya ni Jelai .
Nagsipalakpakan naman ang mga bisita .
"That menu is called " Tigang na baka ala Ox Geller.Tingnan niyo Yung meat,mukha lang dry pero drained yan,walang mantika pero kapag tikman niyo na,you can't stop to chew it , and you'll even want to taste more of it. Dryness on the outside but yumminess on the inside Ang sorpresa ng menu na yan ay kapag natikman niyo na!"
Parang gusto niyang ibaon ang sarili sa oras na 'yon.Ito talagang si Jelai, siya pa ang ginawang sikat sa gabing 'yon.
Nang matapos na ang speech nito ay bumalik na siya sa upuan kung saan nandoon ang mga pamangkin niyang mga Geller.
"Tang*na Tigre, bakit pumayag ka na pangalan ko ang ilagay sa menu n'yo?" aniya sa pamangkin.
Katabi nito ang mga kapatid na sina Timothy,Tobby,Terrence ,Tristan at Tucker. Katulad ng iba ay kumakain pa rin ang mga ito.Lumingon siya sa kabilang mesa,nandoon rin ang kambal na sina Franko at Francis .Kasama ng dalawa ang nakakatandang kapatid na si France at si Samara.
Kumaway naman sa kanya sa kabilang mesa ang mga pamangkin .Ang magkakapatid na Tyler,Tory at Trevor.
Bumabaha ng Geller ang gabing 'yon.Mabuti na lamang ay puro Geller lang ang nandoon at kaunti lang ang pamilya ni Jelai.
"Ox!" Tawag rin ni Doug Geller mula sa kabilang mesa.He is his cousin na may -ari ng isang sikat na seafood restaurant sa tabing dagat.
Kumaway siya rito.Magkasing edad lang sila ni Doug .Magaling rin itong chef.
Nakita rin niya ang magkakapatid na Falcon,Hawk at Crane na kumaway rin sa kanya nang makita siya.
Andami niyang pamangkin ,kaya lang siya na lamang ang nabubuhay sa kanilang magkakapatid .Siya naman kasi ang bunso sa mga ito.
Lahat sila ay green ang mga mata.Sa isang sulok ay nandoon rin Tamara Mia ,kapatid rin nina Tiger.She is with her husband Kenjie Alcantara.
"Ang gugwapo naman..." May narinig siyang boses ng babae pero hindi na siya lumingon pa.
"Uncle, talagang sulit ang long sleeves ah?Nagamit mo pa ulit rito sa opening." At si Samara ay palapit na naman sa kanya.
"Oo at ka terno ko na naman ang mga waiter dito sa resto ni Jelai." Actually,inignore na lamang niya ang mga suot ng mga waiter.Kapareho talaga ng suot niya pero may black bowtie sa may leeg ang mga ito kaya naman ayos na sa kanya dahil may difference naman ang suot nila.
"Teka lang,I need to use the bathroom." aniya kay Samara.Ang lamig kasi ng aircon sa loob ng resto kaya panay ang ihi niya.Not to mention na ang suot niyang brief ngayon ay may butas sa magkabilang bayag pa niya.Mamaya pala ay bibili na naman siya ng isang dosenang brief sa department store.Malilintikan talaga sa kanya kung sino man ang kumukuha ng mga brief niya.
"Waiter pakidala na lang ito sa kitchen ." Bigla siyang natigilan nang may isang babaeng naglagay ng isang tray sa kaliwang kamay niya at bigla na lamang itong tumalikod at naglakad paalis ng restaurant.
Nabigla siya at para siyang naging bato sa sandaling yon.Nang matauhan ay sinubukan niyang habulin ang babaeng inakalang waiter siya pero hindi na niya ito nakita pa.
Nakaside view ito kaya hindi niya masyadong namukhaan.
Napamura na naman siya.Ito na ang huling beses na susuotin niya ang puting long sleeves na ito.Baka sa susunod ay hihingin na siya ng tubig ng mga tao at mapagkamalan na namang waiter.
-------
" April, sulit ang gwapo ng waiter kanina no?" sambit sa kanya ni Joan.
"Oo, kilala ko yun.Kaibigan yun ng Kuya ko, doon pala siya nagtatrabaho .Isa pala siyang waiter ." aniya .
Kanina sumunod siya sa Kuya niya nang makitang pumasok ito sa opening ng food porn hub para makalibre sila ni Joan ,Lezzia at Marilyn ng dinner.
"Kilala mo pala? Gwapo niya no!" ani Marilyn.
"Oo pero may edad na!" dagdag pa ni Lezzia .
"Wala sa edad 'yan,nasa performance yan." sambit pa ni Joan.
Magkababata sila dati sa squatter .Birthday ni Marilyn kaya inaya sila nito na mamasyal sa Mall pero swerte nila nang makitang may celebration sa loob at nandoon pa ang Kuya niya .Hindi naman sila nagpahalata na hindi invited kaya naman nalusutan nila at nabusog pa.
Ang mga kaibigan niya ngayon ay may ka ya kanya nang buhay at di na nakatira sa squatter area katulad niya .
"Tara ,libre ko kayo ng ice cream." aniya sa mga ito.
"Wow maraming pera ah?Binigyan ka ng Kuya mo?"Tanong ni Lezzia sa kanya.
"Napakakuripot non kaya impossible na magbibigay yun .Nakabenta kasi ako ng ukay ukay kanina sa palengke.Sold out kaya may extra akong pera ngayon."
"Ukay ukay?Grabeng sideline Yan ah.Anong klaseng ukay naman baka pwede rin akong maging reseller mo?" tanong ni Joan sa kanya.
Natawa siya kay Lezzia.
" Anong reseller ka riyan! Huwag n'yo nang alamin Basta ukay ukay na taga Japan, period." aniya sa mga ito.
Naubos na naman ang benta niyang brief na kinuha niya sa sampayan.Thank you na lang sa may-ari at may hampaslupa itong natulungan.