Chapter 9- Sad boy

1008 Words
" Anyare sa'yo Uncle?Parang natalo ka sa scatter ah? Sad boy ang awrahan mo ngayon." Pansin sa kanya ni Samara.Nasa apartment sila ni Mr.Chen ngayon .Nakaupo sila sa sofa at uminom ng alak.Kasama niya si Tiger ,pamangkin niya at sina Mr.Chen at Samara. "Tinatanong mo pa ba? Eh kayo ang gumawa ng problema ko! Ang chatmate na binigay mo senior citizen na pala at kahapon,pumunta sa probinsya ang kapatid nun,panagutan ko raw ang kapatid niyang si Suzzana hindi Suzzie." "Uncle naman, wala akong kasalanan.Hindi ko naman alam na poser at edited lang pala ang account ni Suzzie.Si Lola Suzzana naman pala yun,sorry na angkol Ox.Dont worry, wag kang matakot Kay General,nagpapapatay lang naman yun ng mga taong may atraso sa kanya." Madilim siyang tumitig kay Samara." At sinabi mo pa talaga!" baling niya rito. " They can't touch you Uncle.Kapag may mangyaring masama sa'yo,si General ang mananagot!" sabad pa ni Tiger . " You heard it right Uncle, don't worry kasi fully paid na ang St .Peter mo.May kabaong ka na." dagdag pa ni Samara . At pumalahaw sa tawa ang tatlo. "Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo.At maghihintay pa talaga kayo na may mangyayaring masama sa akin?" "Basta ako,donate ko sa burol mo,mineral water at candy." "Mga bwisit.Imbes na tulungan nyong lutasin ang problema ko,mas dinadagdag n'yo ang isipin ko." "Uncle,dont worry.Were keeping an eye on him .May tao kami sa mismong grupo ni General kaya we got you!" ani Tiger. "Ganyan nga! Yun ang gusto kong marinig." nakangiti niyang wika . Mabuti pa ang pamangkin niyang si Tigre,naghahanap ng solusyon.Hindi kagaya ng dalawang ito na sina Samara at Chen na palagi siyang nilalagay sa panganib. " Nasaan na pala ang kapatid mo?" tanong niya. "Ah nasa probinsya pa, sumama sa kaibigan niya.Pagbalik nun ,mag aaply raw ng trabaho.Baka mamaya ,uuwi na yun may dalang ukay ukay na brief." ani Mr.Chen . " Mr.Chen naman ,ano yang tinuturo mo sa kapatid mo?Magbenta na lang ng brief,ukay ukay pa?Baka may galis ang previous owners ng nga brief na 'yun, magkakalat pa ng sakit." ani Samara. " Ikaw talaga, malinis ang ukay ukay benta ni April.Branded pa nga eh.Sa panahon ngayon, dapat practikal na tayo.Huwag masyado sa gastos ,dapat wais at tipid para maraming ipon!" At talagang gumana na naman ang pagiging intsik nito. "Sana maabutan ko pa siya ,subukan ko ngang bumili ." aniya rito.Palagi namang nawawala ang brief niyang mamahalin dahil branded,why not subukan niyang bumili sa kapatid ni Mr.Chen. "Uncle,magkakabuni ka sa itlog!" saway sa kanya ni Tiger. "Just try ." aniya. "Tsk! Isang multi billionaire na binata, galing ukay ang suot na brief .Buy one take one buni pa ikamo Uncle!" "Hoy ,ibabad n'yo lang sa kumukulong tubig.Good as new na! Maglagay rin ng fab con at zonrox para patay ang bacteria!" "Oo correct! Baka ang may-ari nun puno ng bacteria !" humahalakhak na sambit ni Samara. Napailing na lamang siya." Kayo talaga noh! Mas maigi na ang ukay kaysa naman loslos ang garterang susuotin ko!" aniya sa mga ito. "Ikaw ang bahala Uncle,basta walang Geller ang may buni sa itlog ah?" pabirong sambit ni Tiger. " May gamot ako sa buni,don't worry Ox!" singit pa ni Chen. "Tama na nga yang usapang brief at buni.Teka,uncle ..ano na ba ang plano mo?" Tanong ni Samara sa kanya." Ikaw itong humingi na magkita tayo ngayon!" "Oo nga,maghanap kayo ng babae.Magbabayad ako kahit sampung milyon pa para lang pakasalan ako! Kahit fake marriage lang." aniya. "Ano?Ang laki naman ng bayad."sambit kaagad ni Mr.Chen. "Para tigilan na ako ng General an yon at ni Suzzana.Mukhang ako talaga ang type na gawing asawa ng babaeng yun!" aniya. "Ako na lang?" natatawang wika ni Samara . "Nababaliw ka na !" saway niya rito.Si Samara ay asawa ng pamangkin rin niyang si France Geller na lumaki sa poder niya sa probinsya. "Maghahanap kami!" ani Tiger . "Dapat yung walang sayad ah?Ayaw ko ng baliw!" aniya . "I think I knew someone who can portray the role of being a contract wife." dinig niyang wika ni Chen. "Basta usapang pera,nag iinglish ka talaga at diretso yang dila mo!" ani Samara sa intsik. "Sige,kayo na ang bahala basta I need one.Yung matino!" wika niya ulit sa mga kaibigan. "Okay Uncle we will work for it.Pero teka, kanina pa tayo nandito pero wala man lang meryenda from the house. Mr.Chen ano na? Wala nang kahit na mani riyan?" baling ni Samara sa intsik. "Wala akong pagkain rito.Kayo sana nagdala,kayo ang bisita eh." sagot pa ni Chen. Nagkatinginan na lamang sila.Hindi na nakakapagtaka dahil kilala nila si Mr.Chen. "Labas na lang tayo,Uncle.Libre mo kami dun kay Jelai!" sambit pa ni Samara. "Oo nga, gutom na kami.Maghahanap pa kami ng contract wife mo dapat libre mo kami."sang-ayon naman ni Chen . "Dyan kayo magaling.Pero Tara na, gutom na rin ako!" Tumayo siya at sinuot na muli ang suot na sapatos. "Hindi mo na hihintayin ang brief?" tanong pa ni Chen. " Hindi na, next time na lang." aniya. "Imagine, willing magbayad ng ten million pero nag-aabang sa ukay na brief." tukso pa ni Samara. Tumawa na rin lang siya sa sinabi nito. "Pero Uncle, I heard that your first love will be back next month." dagdag pa ni Samara. " Pwede ba, ayaw ko na munang marinig ang tungkol diyan .May asawa na yung tao, binabanggit n'yo pa!" "Hmmm,Totga! The one that got away!" sambit pa ni Sam. "Tssk,kaya pala matandang binata na si Oxford dahil nag asawa na pala ang first love." sambit pa ni Chen. "Tara na nga,next time wag n'yo nang banggitin ang anumang balita tungkol sa kanya okay? Naka move on na ako." Malakas namang tumawa si Samara. " Natawa ako sa move on.Uncle, nakakaasiwa pala kapag forty five years old ang bumanggit ng move on move on na 'yan." "Tara na nga! Sira na yung araw ko,mas sinira n'yo pa..." Nauna na siyang lumabas sa mga ito Sa totoo lang ,may kaunting kirot pa rin kapag nakakarinig siya ng balita tungkol sa ex niya. Yun kasi ang una at totoong minahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD