"Bekang, magpaluto ka ng tinolang manok kay Aling Tapia." utos niya sa personal niyang alalay na si Bekang.
Nahihilo pa nga siya dahil nagpalunod siya sa alak kagabi.Panay mura siya kapag naalala niya ang referral ni Samara. Ano ang akala nito,naghahanap siya ng matrona?
"Ackk!" aniya sabay hawak sa kanyang sentido.Napakasakit ng ulo niya.
"Teka lang Master!" anito sabay labas ng kwarto niya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik ulit si Bekang .
"Master ,nasa palengke pa po si Tapia pero nandyan po ang apo niyang si Apol.Sila na lang raw po ang magluluto pati ang kasama niya."
"Ay, sige sige! Basta gusto ko ng tinolang manok para mamayang tanghalian.
Ang mga kaibigan pala niya ay umuwi na kagabi pagkatapos lamang siyang ayusan.Tumatawag siya kay Samara ngunit can't be reach ang numero nito.Naging instant busy ang babaeng 'yun na may pakana ng meet up niya Kay Suzzie.
Muling nagpaalam si Bekang.
Sa lahat ng mga katiwala niya ay ito ang pinagkakatiwalaan niya.Ni minsan ay hindi rin ito nagreklamo sa kanya.Masunurin ,umulan man o bumagyo ay palagi itong nasa tabi niya.
Humiga na lamang siya ulit nang makaramdam ng pangingirot ng kanyang sentido.
Nakatatlong bote yata siya ng alak kagabi .Muntikan na talaga siyang ma trap kasama si Suzzie.Dinner date ang usapan pero siya yata ang gusto nitong kainin.
---------
"April, pwede bang ikaw na muna magluto ng tinola para kay Master Ford? Tatapusin ko muna ang labada ko ," Pakiusap sa kanya ni Apol.
Kararating lamang nila kaninang umaga sa probinsya at dumiretso na sa malaking bahay .Doon kasi naglalabada si Apol para libre na diumano ang tubig.
"Magluluto lang? Sis chicken lang yun noh! Alam mo naman sanay akong magluto para sa Kuya ko! Kapag natikman ng matandang amo ninyo ang luto ko,tiyak na magiging malakas yun !"
"Psst! Tumigil ka nga riyan! Huwag mong tawaging matanda si Master Ford baka maririnig nun! "
"Ay bahala siya, totoo naman na matandang uhugin na ang amo ninyo at amoy haplas na!" tawang tawa siya sa sinabi niya.
Si Apol naman ay panay senyas na manahimik siya.
"Sige na nga,aalis na ako.Ikaw na ang bahala sa ulam ni Master.Pagkatapos mong magluto,sabihan mo lang si Ate Bekang okay?"
"Okay na,sige na ...ituloy mo na ang labada mo! " pagtataboy niya rito.
"Basta galingan mo ang pagluto mo ha? Pagkatapos kong maglaba, uuwi na'ko kaagad .Magpapakain pa ako ng mga alaga naming manok ni Lola Tapia."
"Okay na,susunod ako sa'yo!" wika niya rito at pumasok na sa kusina upang hiwain ang isang buong dressed chicken na nakababad na sa tubig .
Mabuti pa sa mansion na ito, iisang lamang ang amo ngunit isang buong manok talaga ang uulamin sa isang kainan lang.Kung sa Kuya niya 'yun, tiyak na isang buwan na nilang ulam 'yun!
Kumuha siya ng malunggay, mas healthy pa 'yun .May nakita siyang papaya sa bakuran kaya kinuha niya rin upang isahog sa tinola.
"Teka, mag-isa lang naman ang matandang 'yun." sambit niya sa sarili.At ang mga matatanda ,hindi naman kumakain ng marami kaya naman isang piraso na lamang ang inilagay niya sa tinola at ang natirang karne ng manok ay itinabi niya .Iuuwi na lamang niya 'yun sa Manila bukas ng umaga.May ref naman sina Apol sa bahay kaya hindi yun masisira.
Naiimagine na nga niya ang itsura ng matanda.Ayon kay Apol ay matandang binata raw umano ito ,so ibig sabihin ,matandang uhugin na.
May nakita na naman siyang mga brief na nakaipit sa clothespin hanger sa likod bahay ,mamaya ay kukunin niya 'yon para ibenta sa susunod na araw.Tig beinte ayos na sa ukay ukay at tiyak na pag-aagawan iyon ng mga tindero sa palengke .Ibabad lang sa kumukulong tubig,tiyak ready to wear na yon.Infairness amoy fabric conditioner pa naman ang mga brief na kinukuha niya.
Patawarin nawa siya ng Diyos.Walang personalan, gipit lang!Mas mabuti nang magnakaw ng brief kaysa sa pera di ba? At kapag nagkattabaho siya, hinding hindi na siya kukuha ng brief ng ibang tao.
Ito kasing Kuya Chen niya, kahit singkong duling ay hindi siya binibigyan.Tapos ipapakasal pa siya dun sa Bob Oy na 'yun? Baka ang lalakeng yun ang ibebenta niya sa palengke kapag pinilit siyang pakasalan ito ngunit hindi na yata mababago pa ang desisyon ng Kuya Chen niya.Basta usapang pera talaga ang nagiging bulag ang Kuya niya.
Nang luto na ang tinola ay inilagay na niya ang nagtatanging laman, ang pwet pa talaga ng manok ang sinabaw niya .Bahala na,sira na naman siguro ang mata ng matanda kaya wala siyang magiging problema.
Natatawa pa siya nang iwan ang umuusok na kkulam sa mesa.Masarap naman ang sabaw, baka kukunin pa siya nitong kusinera kapag natikman ang luto niya .
Pagkatapos niyang magluto ay nag shopping na siya sa likod bahay at kinuha ang lahat ng brief sa sampayan na pwede pang ibenta at ang isang brief na loslos ang garter na lamang ang itinira niya . Sigurado siyang ang matandang si Master ang may-ari nun pero ulyanin na naman yun kaya hindi na mapapansin na nawawala ang mga brief nito at kapag matanda ay mas gustong loslos na brief ang suot kasi presko.
--------------
"Master, may bisita po kayo sa baba!" sambit ni Bekang pagkatapos niya itong pagbuksan ng pinto.
"Sino raw?"
"Si General Arthur raw Master!"
"General Arthur?"
"Opo, Marami rin pong mga alipores sa baba .Parang pupunta nga po sila sa giyera eh,may nakasulbit na mga baril ."
Nagtaka siya.Wala naman siyang kilalang General Arthur.Pamilyar lang ang pangalan dahil naririnig niya sa history.
Bumaba na lamang siya dahil mukhang seryoso ang pakay ng sinumang General Arthur na 'yun.
Naabutan niyang nakaupo ang isang nakaunipormadong lalake, he looks like he is in his fifties.
"Mr.Oxford Geller right?" anito sabay tayo at nakioagkamayan sa kanya nang makalapit siya rito ."I'm General Arthur Fidel."
Nakipagkamayan na rin siya rito."Y-Yes thats me.How may I help you?" Aniya sabay turo rito na umupo sa bakanteng sofa .
"Well,Mr.Geller I came here because of my Ate Suzzana . Remember her? "
Napalunok siya ng sariling laway.So,totoo ang sinasabi ni Samara .May kapatid na General si Suzzie.
Walang hiya ka talaga Samara! sigaw niya sa kanyang isip.
"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa Mr.Geller! Panagutan mo ang kapatid ko!"
"Ano?" kaagad niyang sambit sa narinig.
" Yes Mr .Geller, panagutan mo si Ate Suzzana. "
"Bakit ko naman siya pananagutan General? Ni dulo nga ng daliri ng kapatid n'yo ay hindi ko hinawakan.Im sorry ,Hindi ko siya maaaring panagutan."
"Kilala mo naman siguro kung sino ako Mr.Geller right? I can harm anyone who stands on my way and those who disobey me!" banta nito .
"Kilala mo rin ako General Mc Arthur, hindi ako natatakot kapag nasa lugar ako.Walang nangyari sa amin ng kapatid mong senior citizen na okay?Ano ito,pagbabanta at pamimikot? "
"Yes ,dahil kung hindi mo siya pakakasalan....By the way,General Arthur lang hindi Mc Arthur." he corrected him.
"Ano? Papatayin mo ako? Try me,General.Hindi ako padadala sa mga banta ninyo,dito pa talaga sa sarili kong pamamahay?"
"Oxford? Oxford, di ba't mahal mo'ko? Ibigay mo na ang hiling ng kapatid ko para wala nang problema!"
Napatingin siya sa main hall kung saan papasok si Suzzie.
Mas sumakit yata ang ulo niya.
Parang tuko itong kumapit sa kanya .
"You see,bagay na bagay kayo!" sambit pa ng General.
Muntik na siyang maduwal sa narinig .
"Hindi kita maaaring pakasalan dahil may asawa na ako! Nasa Amerika lang siya ...at sa susunod na buwan ay pauwi siya rito."
"May asawa ka na?" Biglang tumayo si Suzzie at napameywang ito.
Tumango naman siya.Thats the only reason he had to say para tumigil na ang magkapatid sa pangungulit sa kanya.
"I am not convinced Mr Geller." sabad ng General.
" Kung gusto niyo ipakilala ko siya sa inyo?N-Next month p-pa." wika niya .Bahala na!
" S-Sige Mr.Geller,I will wait for your invitation.Alam mo ba kung ano ang nangyari sa huling lalakeng tumanggi sa kapatid ko?" Itinapat nito ang isang daliri sa leeg at pinahid iyon mula kaliwa hanggang kanan."Tsssk!"
"I can assure you that I am married .Now ,if you would excuse me, gutom na ako...Can I excuse myself for a while? Kakain lang ng tanghalian."
"S-Sige Mr.Geller.Nice to meet you!" wika pa ni General Arthur sa kanya.
Napailing na lamang siya .Akala siguro ng mga ito ay matatakot siya .Wala siyang kinatatakutan kahit pa ito ang pinakamataas na opisyal sa bansa.May mga kaibigan rin siyang masasandigan sa oras ng problema at kapamilya na malalapitan.
Nagpaalam naman ang mga ito nang marinig ang sinabi niya.
Dumiretso na siya sa hapag kainan dahil kanina pa niya nakikita si Bekang na pasenyas senyas sa may kusina.Luto na raw ang tinolang manok niya.
"Hmm, amoy pa lang nakakagutom na." aniya sabay kuha ng sabaw ."Teka,Bekang bakit isang piraso lang ang laman at pwet pa talaga ng manok?"
Napakunot ang noo ni Bekang nang lumapit sa kanya.
"Pero isang buong manok po ang pinaluto ko Master!"
"And see this?Puro malunggay at papaya lamang ang laman nito oh! Pinupurga n'yo ba ako?"
"Master,sorry po pero yan na lang po talaga ang laman eh."wika naman ni Bekang sa kanya.
"Pambihira! Sino ba kasi ang nagluto nito at parang ayaw na yata akong pakainin?"
"S-Sina Apol po."
"Tssk! " sambit niya at dahil wala siyang choice ay tinikman niya ang sabaw nito."T-Teka lang, who cook this again?
"Sina Apol po at ang kasamang si April!"
" Infairness,this soup is great! Napakasarap ah, talo pa ang luto ni Aling Tapia." Biglang umaliwalas ang mukha niya nang tikman ang tinola." Hmmm,ito yung lasang hinahanap ko kahit na parang tinolang malunggay na sa dami ng malunggay kesa sa karne ng manok!"
Mabuti na lamang ay binawi ng lasa ang inis niya nang makitang isang piraso lang ang laman ng tinola.