Chapter 7- Meet up

1275 Words
OX GELLER "Ano ba kayo,malulunod na'ko sa pabango ah! " reklamo niya kay Samara at Hope na todo tulong sa bihis niya .Nangangalahati na yata ang perfume na kakabili lamang niya noong isang araw sa Manila. "First impression last angkol,ano ka ba naman! Dapat pa impress ka sa babae sa unang meet up n'yo palang ! "sambit pa ni Samara na panay wisik ng perfume sa likod niya. "Nag- ahit ka ba ng betlog at talong?" tanong naman ni Hope na tawa ng tawa habang pinapanood si Samara habang inaayusan siya . "At bakit ako mag-aahit?Kayo ha,di ko pa nga kinilatis ang ka meet up ko ,mag- aahit na ako? At Teka,pwede ba ..iwan n'yo na lang ako! Hindi ko na kailangang mag papogi...." "Oo nga pala, napakayaman mo nga naman ...sapat na yun para magustuhan ka ng mga babae!" dagdag pa ni Samara . " And not to mention ang secret weapon ng mga Geller noh? Ang nagtatanging mga nilalalang na may bitbit na coke in can at hybrid na sweet corn!" Natawa naman ng malakas si Hope."Sana makahanap rin ako ng isang Geller! What if tayo na lang ang magdedate angkol?" "Huwag na! Salamat na lang dahil di kita type Hope! Baka gagawin mo lang akong tuta kagaya niyang si Samara at mas lalo na Yung si Jelai Kay Tiger!" "Pero maganda naman at seksi di ba?" ani Hope . "Alam mo angkol Ox,swerte mo kapag katulad ko ang mapapangasawa mo! Hinding hindi ka magugutom dahil palagi akong may uwing bring home !" dagdag pa ni Samara . "Ay oo nga pala, number one ka pala pagdating sa handaan!" "Uncle,alas siete na ng gabi ,hindi ka pa ba malelate sa dinner date ninyo?" paalala ni Hope sa kanya . Napailing siya ."Tingnan niyo,late na ako oh! Baka inip na si Suzzie!" aniya habang natarantang bumaba na at tumungo sa nakaparada niyang black raptor na sasakyan. "Uncle! Ingat ka kay Suzzie ha? Kapatid nun General sa Mindanao! Tatlong batalyong terorista ang napatumba nun kaya ingatan mo si Suzzie!" dinig niyang sigaw ni Samara .Alam naman niyang puro kalokohan lang ang pinagsasabi ng babaeng yun.Sa isang libong salita ni Samara ay isa lamang ang totoo kaya nagkibit balikat siya. Nagmamadali siya at pagkalipas lang ng beinte minuto ay dumating na siya sa isang sikat na restaurant sa probinsya. Bababa na sana siya sa kotse nang biglang tumunog ang message alert tone niya at galing Kay Suzzie ang mensahe na natanggap niya . Tinanong siya nito kung pwede sa isang pribadong hotel na lang sila magkikita.Naka check raw ito sa isang kwarto at bumili na rin ng mga pagkain. Napalunok siya. Naka check in na si Suzzie? Dagdag pa ng babae na sa VIP suithe ito naka checkin at sabihin lamang raw ang pangalan nito sa mga empleyado ng hotel. Si Suzzie naman pala ang may-ari ng The Lust Hotel sa probinsya.May kaya nga naman pala talaga ang pamilya ni Suzzie . Pero nakakapagtakang sira ang camera ng cellphone nito. Mayaman? Walang pambili ng bagong cellphone? Intriguing . Iiwan ko lang nakabukas ang pinto. Napakagat labi siya .Bilang isang lalake ay alam na niya ang ibig sabihin ng babae .Tigang na yata si Suzzie at kailangan nang madiligan ang mahalimuyak na bulaklak nito .Pangalan pa lamang ay parang ang ganda na nito ,sounds interesting . So, tinahak na naman niya ang daan patungo sa the Lust Hotel.Pangalan pa lamang ng hotel ay parang ang init na. "Miss Suzzie?" aniya sa empleyado na tila nakaabang sa lobby ng hotel. "Ay, yes sir follow me..." Tila alam na nito na darating siya . "Here's the VIP suithe sir." turo nito at iniwan na siya. Nakatayo siya sa tapat ng pinto .Kakatok pa sana siya nang maalala ang sinabi ng babae na iniwan lamang nitong nakabukas ang pinto. Nang pumasok siya ay isang romantikong musika ang sumalubong sa kanya.Dim ang ilaw sa kabubuan ng kwarto at may nagkalat na mga mga sa sahig na tila ba tinuturo siya kung saan siya pupunta . At ayun na nga, papunta sa kwarto ang mga petals ng mga rosas na iyon. At napalunok siya nang makita ang isang babaeng nakatalikod sa kanya.Mahaba ang blonde nitong buhok.Balingkintan ang katawan ,sobrang seksi talaga ni Suzzie. Gumigiling pa ito na tila sinasabayan ang kumpas ng musika. Alam niyang maganda ito kahit na nakatalikod pa lamang ito.At alam niyang maganda ito kahit na may kadiliman ang kwarto. "Stop right there! Blindfold your eyes,nasa mesa ang black cloth." Napangiti siya .Hmmm, she likes thrill and excitement kaya naman mabilis niyang kinuha ang itim na tela at tinakpan ang mga mata niya . Nanatili siyang nakatayo pero dinig niya ang mahihinang yabag ni Suzzie. "Ikaw pala si Oxford Geller.Such a nice name,bagay sa mukha mong sobrang gwapo!" bulong nito.Ramdam niya ang pagyapos nito sa kanyang pisngi at sa kanyang dibdib . Teka.May kakaiba sa boses nito.Parang kumukurog yata! "Are you okay Suzzie? What's wrong with your voice?" "Sorry, namaos ako sweetheart .Nagvideoke ako kagabi.Hey wait, huwag mo munang tanggalin!" She stopped him when he was about to loose the end of the cloth. "O-Okay!" Pero iba ang boses ni Suzzie parang boses ng Lola niya. "Ayyyy ang laking kamote nito!" sambit ng babae nang kapain nito ang secret weapon niyang tila puputok na sa loob ng brief niyang brand new. "Namumutok na ito Oxford .Iputok mo na to sa loob ko! Pero teka,paliligayahin muna kita." Alam niyang lumuhod ito sa paanan niya.Ibinaba nito ang pantalon niya at sinunod nito ang kanyang brief. Hubad na ang kalahati niyang katawan.Pati ang sapatos niya ang nagawa nang tanggalin ni Suzzie. "Ang haba, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking halimaw Ox!" sambit nito Ang dalawang kamay ni Ox ay nakahawak na sa ulo ng alaga niya . Kinapa rin niya ang katawan ni Suzzie. At nahawakan niya ang dibdib nito PERO....Bakit parang luyot na ang boobs nito? Parang overripe na papaya na kapag hahawakan ay lusaw na . Bigla siyang hinila ni Suzzie at itinulak sa kama. Tatayo pa sana siya ngunit bigla na itong pumaibabaw sa kanya. "Oxford my loves, take me..." namamaos ang boses na sambit nito. Pero nagtataka na talaga siya kaya bigla niyang kinalas ang blindfold niya. "Susmaryos-----" Bigla niyang naitulak si Suzzie at patagilid naman itong napahiga sa kama. " Oxford ! Ano ka ba naman! Ba't mo'ko tinulak! Gagawa pa tayo ng babies!" Sinubukan nitong tumayo ngunit kinuha niya ang isang kamay nito at itinali niya sa ulunan ng kama. "S-Suzzie pambihira ka! Napakaganda mo sa profile mo pero senior citizen ka na pala! Wala namang dayaan! Parang Lola na kita at apo mo na'ko kaya please lang Suzzie....l-lola Suzzie ." "Filtered lang naman ang profile picture ko na 'yon! Pero ako 'to Oxford.P-Pakasalan mo ako,panagutan mo'ko! " Nawindang siya sa sinabi nito . "Ha?Panagutan! Hay naku Lola,magpa checkup na lang po muna kayo! Mukhang mas malala pa po kayo kaysa sa mga kaibigan ko!" Nang nakapagbihis na siya ay kinalas ang tali sa kamay nito at mabilis pa sa kidlat siyang nawala sa suithe nito . Hindi naman pala Suzzie kundi Suzzana! Tang*na naman! Ang malas ng gabi niya.Excited pa naman sana siya pero ang ending ay isang senior citizen pala ang ka date niya. Naalala niya kung sino ang nagbigay ng account na 'yon, walang iba kundi ang kaibigan niyang si Samara . Oxford,panagutan mo ako.Paano kung mabubuntis ako? Ikaw ang kumuha ng virginity ko,lagot ka sa kapatid ko! Binasa muna niya ang mensahe nito bago ito binlock sa lahat ng social media pati na rin ang cp number nito. Anong virginity? Natawa na lamang siyang mag-isa habang nagmamaneho pabalik sa kanyang farm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD