Pagkatapos lamang niyang magsign of the cross ay nagsibanatan na ang mga pamilyang Oy sa pagkain.
Napakurap pa siya nang makitang ulo na lamang ng litson ang natira .Parang nakakita siya kanina ng wrestling at ang litson ang kalaban ng mga ito.
Tumingin siya sa Kuya Chen niya na hawak na lamang ang buntot ng Lechon.
"Wag mahiya Mr.Chen,kain kayo!" ani Mr.Ung Oy sa kanilang magkapatid.
"Ah o-oo,busog na nga ako kakatingin sa inyo !" nakangising sambit ng Kuya niya sabay kagat sa buntot ng Lechon na tanging naiwan at ang ulo .
Kinuha niya ang isang tainga ng lechon.Yun na lang ang kakainin niya,masarap naman.
Nakakatakot naman ang pamilyang OY.Baka kapag magugutom ang mga ito ay pati siya ay kakainin na rin.
"April, gusto mo? " Itinaas ni Bob Oy ang isang hita ng lechon na galing pa sa bibig nito na kakakagat lang.
"Ah hindi na, sa'yo na lang ...okay na tong tainga, paborito ko 'to!" natatawa niyang sambit.Inalok mo pa'ko ,kulang pa nga sa'yo!
Walangh'ya pati bukok walang natira! Anong klaseng machine ba ang tiyan ng mga bisita nila?
Nakita niyang napapailing ang Kuya niya.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na ang mga ito dahil gusto na raw matulog.
"Kuya naman,ano ba naman yung mga bisita mo! Nagdala nga ng lechon pero sila lang ang umubos! Wala man lang tayong pang paksiw bukas!" reklamo niya rito.
"Ikaw wag arte! Ang mga OY ay may-ari ng sikat na pawnshop rito sa Pinas! Sila mga mayayamang at bagay sayo si Bob OY!"
"Ano?Ibig mo bang sabihin, nireto mo ako sa baboy na mukhang dinasour na 'yun?Kuya naman oh,baka kainin ako nun!"
"Hoy Aplil! Nagdala sila ng lechon,namanhikan na sila! Pero kailangan , three months muna kayo magbonding ni Bob Oy!"
Tila ba binagsakan siya ng langit at lupa nang marinig ang sinabi ng Kuya niya.
"Ano?Ayoko! Kuya naman, tao naman ang ireto mo sa'kin!"
"Ikaw ah,huwag kang sobrang arte.Pakasalan mo ang mga maraming pera,bahala na walang itsura .Hindi ka magugutom kay Bob Oy ! Magaling yun sa negosyo! At nagkasundo na kami ni Mr.Ung oy at Mrs .Uk Oy!"
"Ayoko!"
"Hindi na pwede! Wala nang atrasan! "
Napaiyak na lamang siya habang tumatakbo sa kwarto at itinapon ang katawan sa kama sabay yakap sa unan niya.
Napakamalas niya talaga!
Sana pala ay sa squatter area na lamang siya lumaki at di na sana siya kinuha ng Kuya niya.
Ipapakasal siya sa Bab Oy na yon? Basta,hindi talaga niya maimagine ang sarili niya na maging asawa nun.Gusto niyang pakasalan ang taong mahal niya at mahal rin siya.Hindi yung arranged marriage.
Pero teka, magpapakasal pala siya kahit na kanino Basta wag lang kay Bob Oy! Jusko naman, sa unang gabi pa lang macocomatose na siya kapag yun ang dumagan sa kanya .
Tang*na talaga!
Natulugan na niya ang pag-iyak .
----------
Kinabukasan,maaga siyang nagising. at nagluto para sa Kuya niya.
Kinakausap siya nito ngunit deadma niya ang kapatid.Ayaw muna niya itong kausapin at napakasakit pa ng dibdib niya dahil di niya matanggap sa desisyon nito.Basta pera ang usapan ,number one talaga ang Kuya niya .
" Palagi na kayong magdedate ni Bob Oy!" anito .
"Huwag na muna ngayon Kuya,sa ibang araw nalang.Sasama ako kay Apol sa probinsya!" aniya.
Palagi naman siyang sumasama sa bff niyang anak ng isa sa mga katiwala ng farm sa probinsya.May maliit na Kubo sina Apol sa gitna ng farm doon sila nagtatambay kapag nandoon siya sa probinsya.
Sa farm ng amo nitong si Master Ford umano.
Nakita na naman niya ang malaking bahay ng may-ari .Every two weeks kasing umuuwi si Apol kaya sumasama siya .Nangunguha kasi sila ng mangga.Naghaharvest rin sila ng mga gulay na dinadala niya sa bahay kung saan tuwang tuwa naman ang Kuya Chen niya kaya kapag sasama siya kay Apol ay tuwang tuwa ito dahil tiyak na marami siyang iuuwing gulay .
Ang hindi alam ng Kuya Chen niya ay hindi lang mga prutas at gulay ang inuuwi niya kundi mga brief na kinuha niya sa sampayan sa bakuran ng malaking bahay .
Binebenta niya ang mga brief sa palengke,ukay ukay kumbaga .Sa ganoong paraan ay nagkakaroon siya ng extra income.
Nauubos nga kaagad ang mga brief na benta niya dahil bago pa talaga ang mga yun at strechable pa bukod sa branded.
"Bago ka sumama kay Apol, sumama ka muna kay Bob Oy sa Mall .Tumawag ang Mama niya, tulungan mo raw bumili ng t-shirt si Bob ."
"Kuya!Walang kasya sa taong 'yon!"
"Wag matigas ang ulo.Ako gastos lahat simula bata ka pa hanggang sa naka graduate ka kaya ako sundan mo okay?"
"Tssk,oo na!" aniya rito.Parang sirang plaka talaga na palagi siyang pinagsasabihan ng ganun.
"Hello April!"
Hindi pa nga siya nakaligo ay dumating na si Bob Oy.
Pinatuloy ito ng Kuya niya at pinaupo na muna sa sofa at binuksan ang tv.
Luh, Wala na talagang mata si Bob Oy at ang leeg nito ay lumubog na!
Mabilis siyang nagbihis at nang lumabas ay nakita niya ang pagkagulat ni Bob Oy sa itsura niya.
"Wala ka bang ibang damit April? Sa Mall tayo pupunta eh, nakakahiya kapag naka pambahay ka lang at kasama mo pa ako .Baka ma bash ako ng mga fans ko sa t****k kapag nakita tayo."
Plastic siyang ngumiti rito.
Wow talaga!
Nagpalit na lamang siya ng pantalon at puting fitted shirt.
Sumakay na sila ng taxi.Silang dalawa lamang sa likod ng upuan ngunit halos maipit siya sa pintuan sa laki ng kasama niya .
"Alam mo malaming babae ang gustong pakasalan ako pero ikaw ang pinili ko April."
Gustong gusto na niyang sumuka sa pinagsasabi nito.Feeling talaga?
"By the way may Cadbury bar pala ako dito oh!"
Bigla siyang natakam dahil hinira lang siyang makakain ng imported na tsokolate.
"Teka,balatan ko muna!" anito .
Napanganga siya nang ilagay nito ang napakaliit na piraso sa palad niya at inisang subo lamang nito ang mahabang pirasong hawak nito.
"Grabe." nasambit niya sa sarili.Kulang na lang pati wrapper ng chocolate ay lunukin ni Bob.
Natawa siya ng malakas.
"Why are you laughing?"tanong nito.
"Wala!"
"Siguro nakukyutan ka sa'kin noh? Sanay na ako, maraming crush sa'kin dahil cute raw ako!"
Muntik na siyang mahimatay nang biglang bumagsak ang kotse dahil dumaan sila sa humps at naipit siya sa gilid ng kotse dahil sa katabaan ni Bob Oy.
Baka kapag naikasal sila ay magiging biyudo na ito kinabukasan dahil isang bagsak pa lang nito sa kanya ay nasa langit na kaagad ang kaluluwa niya.