"
Aplil, magbihis ka dahil may bisita tayo mamaya. " sambit sa kanya ng Kuya Chen niya . Kasalukuyan siyang nagbabasa ng pocketbook sa sala nang lumabas ito sa kwarto .Hawak nito ang cellphone at kasalukuyan yatang may ka text .
" Kuya, ikaw lang yata po ang may bisita di ba? Bakit pati ako ay kailangan ring magbihis?" Sambit niya rito. Tama nga naman siya, milagro naman yata na pinagbihis siya nito . First time , ikanga.
" Ikaw, wag na malaming tanong basta magbihis ka mamaya, isuot po ang bestida na minana mo sa Lola natin!"
" Ano? Kuya naman oh, panahon pa ng hukbalahap ang bestidang 'yon noh? Baka mapagkamalan akong sinaunang tao kapag sinuot ko yon! Bakit , ano ba talaga ang ganap Kuya at pati ako ay pinagtitripan mo?" naiinis na talaga siya sa Kuya niya. Ano to, damay damay?
" Tsk, its our tradition. Since you are under my roof and I am your guardian you should follow my lules." Nag ingles na si Kuya Chen, tiyak na seryoso na ito at malapit na ring mainis sa kanya. Kapag ito magagalit tiyak na mapupurga na naman siya ng ilang araw .
Palagi na lamang nitong pinapaalal sa kanya na kailangan niyang sundin ang tradition ng mga tsino.
" Oo na po Kuya Chen, kayo na po ang masusunod." patay malisya niyang sambit sa kapatid. Bahala na kung ano ang okasyon mamaya, wala naman yata siyang papel kaya bahala na at susuotin niya ang minana niyang bestida na mulapa sa Lola nila ni Kuya Chen niya. Baka mamaya ay tatakbong pauwi ang mga bisita nito kapag nakita siyang nakabestidang puti na hanggang talampakan ang haba. Basta, si Kuya Chen niya ang masusunod. Kung hindi lang nga ba ito kuripot eh di sana ay may maganda siyang bestida , hindi yong amoy ataol na at amoy chlorine dahil ilang ulit nang nilabhan at dalawang dekada na yatang hindi sinuot. Baka naman babangon sa hukay ang Lola nila kapag isusuot niya iyon.
Napakamot na naman siya sa kanyang ulo. Ang bestidang iyon ang sinuot niya noong graduation niya noong elementarya pa siya, na nagkandahaba haba na at pinaglumaan na ay isusuot pa niya mamaya . She is nineteen years now now, heller?
"Kuya may oras pa naman, bilhan mo na lang ako ng bagong damit.Para presentable naman ako sa mga bisita mo!"
" Ikaw, magastos! Dapat tipid tayo dahil ang pela ay hindi nahahanap sa kalsada. Ang pela ay dapat pinapahalagahan, tinatago at iniingatan para balang alaw ay hindi tayo mamumulubi."
Napailing na lamang siya. Wala nga talaga siyang laban sa mentalidad ng Kuya niyang intsik.Sana ay makakahanap ito ng babae na hindi kuripot, yung waldasera para malilintikan rin ito.
" Ako alis muna ah? Punta ako sa Mall, mga alas siete ng gabi ako balik kasama ang pamilya OY." anito. Nakagayak na pala ang Kuya niya. Pamilya OY? Sounds Chinese nga talaga, kunsabagay magtataka pa ba siya eh dugong tsino itong Kuya Chen niya.
" Sige kuya mag-iingat sila sayo!" natatawa niyang sambit .
Nagpatuloy na lamang siya sa pagbabasa ng pocketbook. Mabuti pa ang mga nobelang nababasa niya, happy ending samantalang siya ay no boyfriend since birth pa talaga. Isa lang ang crush niya na kahapon lamang niya nakilala. Ang forty years old na si Oxford Geller. Aware ba ito na napakakisig pa rin nito kahit mukhang daddy na? His green tantalizing eyes na bumagay sa dark black nitong pilik mata. As in, he is so manly. Parang napaka sarap mag-alaga ni Uncle Ox sa totoo lang.
Iniimagine na nga niya na ito ang Male Lead sa binabasa niyag pocketbook at siya ang female lead nito. Kinikiliga na ngha siya habang iniimagine ang mga bida sa storya. Oemgee! Sana makita pa niya ulit si Uncle Ox para mainspire naman siya sa buhay niyang tuyot.Twenty one years pala ang agwat ng edad nila, pero mukha pa rin naman itong bata. Mas pogi nga ito kaysa sa mga batchmates niya at mukhang mas young at fresh pa.
Hanggang pangarap na nga lang niya si Oxford Geller. Imagine? He is a Geller. Isa sa mga tanyag na mga businessman sa buong mundo. Napakayaman nito kaya alam nyiyang kabilaan lang ang mga babae nito. Eh siya kaya, pasok ba sa taste nito?
Natawa na lamang siya ng malakas. Impossibleng magkaka-crush rin si Oxford Geller sa kanya. Para siyang basahan kung manamit dahil mga pinaglumaang mga damit ang palagi niyang suot. Konti lang din ang mga damit niyang panggala dahil hindi naman siya binibigyan ng pera ng Kuya Chen niya. So ano ang panlaban niya sa mga socialites na babaeng umaaligid kay Oxford Geller? baka mapagkamalan lamang siyang katulong di ba?
Nang maalala ang bestidang minana pa niya sa lola niya ay bigla siyang tumayo. Kukunin na pala muna niya ito sa baul at ipaplantsa na . Magmumukha talaga siyang white lady sa ayos niya mamaya. Bahala na sa mga bisita nilang mga OY family na yan!
Pagsapit ng alas singko ng hapon ay nagsaing na siya at nagluto ng chopsuey para sa kanila lamang ng Kuya niya. Bahala na ito kung walang ipapakain sa mga bisita mamaya.
" April, nagbihis ka na ba?" tanong ng Kuya Chen niya mula sa kabilang linya ng telepono.
" Opo Kuya!" walang kagana-gana niyang sagot habang pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin.Kung tatayo siya sa edsa ngayong gabi ay talagang maraming magbabanggaan na mga sasakyan dahil mapagkakamalan talaga siyang white lady.Lintik talaga, wala talaga siyang matinong bestida! Kung alam lamang niya na may bisita ay nag ukay ukay na lang sana siya ng mga tig beinteng mga damit.
" Okay, at exactly six in the evening we will be there. Dont worry about the food okay? May dala kaming letson and many more!" dagdag pa nito.
Natigilan siya saglit. Nagutom siya nang marinig ang lechon. So, kakain siya ng bongga sa gabing ito. She was pretty sure that it wasnt her Kuya who bought the lechon. Pero bakit may dalang lechon? Bakit may dalang maraming foods? Anong klaseng chinese tradition ba ito at required na maraming mga pagkain?
Pero hindi na nga oras para magtanong dahil kakain lang naman ang role niya sa gabing ito.Baka ikakasal na ang Kuya Chen niya sa isa sa mga OY di ba? Oo nga, baka may nagkamali nang sagutin ang Kuya niya.
" April, are you still there?"
" Opo, sige Kuya hihintayin ko po kayo." aniya rito pero sa totoo lamang ay tila naglalaway na siya sa mga dalang pagkain ng mga ito. Kumakalam na talaga ang sikmura niya sa sandaling 'yon .
Alas siete na ng gabi nang tumunog ang doorbell ng condo ng Kuya niya . Lalapit na sana siya sa pinto nang biglang nag brown out . Lowbat ang cellphone niya kaya kinapa na lamang niya ang kitchen cabinet at nakahanap na rin siya ng kandila at posporo. Nagsindi siya ng kandila at dahan dahang naglakad patungo sa pinto.
" Ayyyy!" tili niya nang makita ang sariling repleksyon sa malaking salamin . Kita? Kahit nga siya ay nagulat nang makita ang sarili sa salamin. Para talaga siyang nasa horror film . Isang white lady na may hawak pang mahabang kandila.
" April!" nabubulol na tawag sa kanya ng kuya niya.
" Susmaryosep!" Lahat yata ng bisita ay nagulat nang pagbuksan niya ang mga ito.
" Welcome !" nakangiti niyag sambit nang makita si Kuya Chen niya na may kasamang limang malalaking tao. Hindi lang basta malaki, kundi malalapad sa sobrang tataba. Sakto namang bumukas ang ilaw kaya hinipan na niya ang kandila. Nagmistula silang number one sa tabi ng mga bisita na puro zero ang katawan. Marami ngang dalang foods ang mga ito, at may pa lechon pa na amoy na amoy na niya at gusto na niyang papakin kaagad. Hinihiling na nga niyang kakain na muna sila.
" Is she April?" nakangiting sambit ng may edad na babae.
" Yeah, shes my pretty little sister, ganda noh?" pagmamalaki ng kuya niya.
" Yes, vely vely beautiful!" sang -ayon naman ng babae.
Luh, as in ang tataba ng mga ito. Wala na ngang leeg at parang hinihingal na habang naglalakad. Palakihan na lamang ng mga tiyan ang pamilya OY. Susmaryosep, hindi ba bibigay ang couch nila?
" Sit down, sit down evelybody!" tinuro naman ng Kuya niya ang family sofa. Napalunok siya, baka bibigay talaga iyon sa laki ba naman ng mga bisita nila.
Sabay sabay ngang umupo ang lima at ayun nga at nag split ang couch nila.
" Its okay, no problem ...Just feel comfortable.Hey, April come here, ipapakilala kita sa mga bisita."
" Opo Kuya." tila maamong tupa naman niyang sambit at umupo sa tabi ng Kuya niya . Magkaharap silang pito.
" My dear sister, sila ang kinukwento ko sayo , ang OY family."
"Opo kuya, naikwento mo nga kahapon." may diin niyang sambit.Ngumiti siya sa mga ito. Napansin niya ang isang napakataba rin lalake na matamis ang ngiti sa kanya. Baka nagmamalikmata na ito? Baka fried chicken na ang tingin nito sa kanya?
" Aplil. sila ang mag-asawang oy at silang tatlo naman ang mga anak nila. She is Mr. Ung .." pagpapakilala ng Kuya niya.
" Mr. Ung Oy?" siya na ang nagpatuloy. Nakita niyang pinandilatan siya ng kuya Chen niya. Gusto niyang tumawa ng malakas. Parang sounds like unggoy. " And this is Mrs. Uk Oy!"
" Nice to meet you Mr. Ung Oy and Mrs Uk Oy." Pinipigilan na lamang niya ang pagtawa sa sandaling iyon. Si Unggoy at si Ukoy pala ang mag-asawa.
"At sila naman ang mga anak nila. The eldest is Bob Oy, the second is Tut Oy and the youngest is Lao Oy."
Totoo ba ito o nananaginip lamang siya? Nagbibiro lang ba ang Kuya Chen niya? Gusto na talaga niyang sumabog sa katatawanan sa sandaling 'yon.
" Nice meeting you , Aplil!" sambit naman ni Bob Oy.
Ngumiti na lamang siya sa mga ito. Anyway, theres nothing wrong naman kung magiging mabait siya sa mga ito . Kung pagtatawanan niya ang pangalan ng mga ito ay baka hindi pa siya pakakainin ng lechong baboy mamaya.