Chapter 3 - APRIL

1260 Words
"Hoy,Aplil namalengke ka na ba?Baka pulo cellphone lang ang inaatupag mo liyan?" Kaagad naman siyang bumangon nang marinig ang boses ng Kuya Chen niya. Talagang matigas talaga ang dila nito sa letter R. "Kuya naman paano ako makakababad sa cellphone eh keypad lang naman itong bigay mo sa'kin? Ano ang pagkakaabalahan ko rito,calculator?" Inis niyang sambit sa napakakuripot niyang Kuya na si Chen. "Ikaw pulo ka leklamo! Mabuti ngang may cellphone ka pa eh! Mamalengke ka na nga! Bagal mong kumilos alas sais na ng umaga dapat leady na ang almusal natin .Tsssk,ikaw malas negosyo!" Ayan na naman, nagsimula na naman itong manermon sa kanya .Alas sais pa lang ng umaga,gusto nitong luto na ang almusal .Napaka workaholic ng Kuya Chen niya, ayaw nitong magpakupad pagdating sa trabaho.Yun nga lang napaka kuripot nito as in! Ito na yata ang nag-iisang kuripot na nabubuhay sa mundong ito.May kuripot namang mga tao pero ibang klase itong kuya niya .Every centavo counts talaga! Actually,half brother niya lang si Kuya Chen .Chinese ang papa nito at ang papa naman niya ay Pinoy.She is just eighteen while her Kuya is twenty eight at wala pang nobya hanggang ngayon simula nang iwan na naman ito ng gf three months ago. Magandang lalake naman ang Kuya niya pero ewan nga lang niya kung bakit palagi itong iniiwan ng mga babae.Siguro napakakuripot nito. "Kuya ,hindi po kayo nagbigay sa'kin ng pera paano ako mamalengke!" aniya. Napakamot naman ito ng batok."Oo nga pala, ako limot pala.Okay,Teka!" Kinapa nito ang bulsa at binunot ang waller sa bulsa."Oh eto, mamalengke ka na, may sukli pa Yan ah? Ikaw bili ng isda,gulay at prutas." "Kuya naman,one hundred pesos lang ito.Ang karne ng manok ngayon ay two hundred na ang kilo." "Ay ikaw na ang bahalang magbudget niyan.Hindi ka pa ba nasanay sa one hundred pesos na budget natin sa isang linggo?" "Hay na'ko,ang yaman tapos napaka kuripot mo! Maglulugaw nalang ba tayo?" Palagi na nga lang siyang naghihingi ng malunggay sa kapitbahay.Halos makalbo na nga ang puno ng malunggay sa kanya dahil yun ang palaging sahig niya sa paboritong tinola ng Kuya niyang kuripot. "Kuya, maghahanap pala ako ng trabaho." "Wow, Kay gandang pakinggan.Sige tutal graduate ka na naman di ba? Sayang ang diploma mo kung hindi ka magtatrabaho." "Salamat .Mamaya pag-uwi ko bigyan mo ko ng allowance." "Oo,pwede na ng fifty pesos." "Fifty pesos? Naman kuya, kulang pa yang pamasahe ! " Nakakaiyak na nakakarindi talaga ang Kuya niyang ito.Napakamalas niya at si Kuya Chen pa ang naging kapatid niya. "Oh sige,nagrereklamo ka? Okay,forty five pesos sa'yo na." wika nito. "Sige na okay na ang fifty!" "Okay, Sige na bangon na!" wika nito. Bumangon naman siya at pumunta sa kusina.Wala nang black coffee.Itong kuya niya , nagpapabili lang ng pitong coffee stick para sa isang linggo.Day seven na pala ngayon. Maligamgam na tubig na lamang ang ininum niya.Malinis na nga talaga ang bituka niya , araw araw ay pinupurga siya ng Kuya niya. Pero nasanay na siya na kahit noong nag-aaral siya ay talagang limitado lamang talaga ang bigay nito pero kapag may project naman ay all out support naman ang kuya niya kaya kapag ang project nila ay five hundred ang gastos, ginagawa niyang one thousand pesos para makakupit sa kuya niya . Hindi na muna siya nagbihis, palengke lang naman ang pupuntahan niya.Nagsuklay at tinali lamang niya ang kanyang buhok. Hotel and restaurant management ang kurso niya .Ayaw naman niyang magpatulong sa kuya niya dahil may mga kaibigan itong may-ari ng mga napakatanyag na hotel and restaurant sa bansa. Mas mabuting di alam ng Kuya niya kung magkano ang sweldo niya dahil tiyak na may porsiento na naman ito.At kung ito ang maghahanap ng trabaho para sa kanya, siguradong buong sweldo niya ang kukunin nito. Mamaya ay maghahanap siya ng trabaho.Kahit ano lang, mas magiging magsisimula siya sa baba.Balang araw ay magkakaroon rin siya ng sariling hotel at restaurant niya. Pagdating sa palengke ay lumapit siya kay Aling Cita.Ang Aleng awagn awa sa kanya dahil sa one hundred pesos niyang budget. "Aling Cita, Yung buto buto ng manok na lang po kalahating kilo at ang fifty pesos po, ibenta niyo na lang ang mga reject na mga gulay ah?Yan lang po talaga ang budget ko pang isang linggo!" Si Aling Cita ay natatawa na lamang. sa kanya. "Oo iha, alam ko naman talaga na pupunta ka ngayong araw kaya nagkayat na ako ng mga reject na gulay.Ito oh, malinis na Yan!" Inabot nito ang isang plastic na maraming iba't ibang klase ng gulay na kinayat na ng babae .Kumpleto rekados na iyon. "Hay maraming salamat po talaga Aling Cita .Alam n'yo po ba, itong kalahating kilo ng buto buto ng manok ay pagkakasyahin ko pa ng isang linggo.Ang galing talaga ng Kuya kong milyonaryo! Mabuti nga't iniiwan siya ng mga babae dahil tiyak na magkaka-ulcer lang ang makakapangasawa niya!" "Mabuti nga iha at natitiis mo ang Kuya mo." "Mahal ko naman po talaga si Kuya Chen .Hindi naman po ako ginugutom at pinapabayaan bilang kapatid niya.Ang problema lang po sa kanya ay napaka kuripot po sobra.Pati sa pagkain ay nagtitipid! Naku po, gusto ko na nga po siyang ibenta eh ." "Baka naman kapag nakahanap na ng one true love niya ay magbabago na siya di ba?" "Ewan ko sa kanya Aling Cita.Mukhang di na siya magbabago. Salamat po talaga rito sa mga gulay," sambit niya rito."Aalis na po ako ah,magluluto pa kasi ako ng favorite niyang tinola." "Sige iha, mag-iingat ka!"sagot nito. Naglakad lamang siya galing palengke pauwi sa condo ng Kuya Chen niya.Wala naman itong iniwan na pamasahe man lang sa kanya.Kapag hihingi siya ng pamasahe ang isasagot naman nito ay "walking is the best exercise."The best nga talaga si Kuya Chen niya ano? Naglalakad siya ng biglang umulan ng malakas. "Kapag minamalas ka nga naman !" sambit niya sa kawalan.Pagod pa nga at gutom ay mababasa pa sa ulan. May nakita siyang matulin na kotseng paparating kaya mabilis siyang tumakbo dahil iniiwasan niyang matamaan siya ng putik kapag dumaan ito pero sa malas niya ay nadapa pa siya sa daan. Nabitawan niya ang hawak niyang plastic ng gulay at manok,tumilapon ang mga ito sa daan .Nang tumayo siya upang pulutin ang mga ito ay biglang may pumarang itim na NMAX sa mismong plastic ng mga gulay at manok niya. "Hoyyyyy!" sigaw niya sa rider ng motor. Nabigla naman ang rider nang bigla niya itong hinampas .Malaki ang katawan nito, hindi nga lang niya makita ang mukha nito dahil naka full cover helmet ito . "Ang mga gulay at manok ko! Walang hiya ka talaga! Alam mo ba kung magkano yan! Tang*na mo talaga, wala na nga akong pera, magugutom pa ko ng isang linggo!" malakas niyang sambit sa rider. Naririnig pa siya nito? Ni hindi man lang ginalaw ang motor sa nakaipit niyang mga plastic. Basang basa na nga siya sa ulan at mamaya pag-uwi niya ay sermon na naman ang aabutin niya mula sa kuya niya. At itong rider na ito ang sumira pa sa sira na niyang araw! Natigilan siya nang makita itong may kinapa sa likuran ng pantalon at isang kinumpas ang isang libong piso sa harapan niya. Mabilis naman niyang kinuha ang pera sa kamay nito at sumenyas sa kung sino mang rider na sumira sa mga pinamili niya. Ni hindi man lang siya nag thank you sa lalake .Basta basta na lamang niyang kinuha ang pera sa kamay nito ay mabilis na naglakad pabalik sa palengke. Mas pabor pa pala ang nangyari dahil nagkapera pa siya ng wala sa oras .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD