" Uncle Ox, kailan ka ba ikakasal? Kailan ka ba namin matitikman, este kailan namin matitikman ang nilitson na baka mo?" walang prenong tanong ni Samara Bright sa kan'ya. Kasalukuyang nasa bukirin niya sina Cathlea, Samara at France. Anihan ng mais ngayon at kapag ganitong panahon ay hindi nawawala ang tatlo sa bukid niya.
" Kung gusto mong tikman eh di matuto kang maghintay!" sagot niya sa asawa ni France na pinaglihi 'ata sa puwet ng manok ang bunganga.
" Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Kwarenta ka na uncle, jusko mabuti pa ang mga baka at kambing mo ilang beses nang nanganak pero ikaw, waley pa rin. May problema ba sa' yo uncle?Baka lalake rin ang hanap mo?" Patuloy na sambit ni Samara. Nakita niyang siniko ito ng asawang si France na pamangkin niya. Pangiti ngiti lang din si Cathlea sa kaibigan nito.
Napailing na lamang siya. Kapag magkikita sila ay hindi talaga nawawala ang tanong ni Samara tungkol sa pagaasawa niya. Ni nobya nga ay wala siya, mag-aasawa pa siya? Wala pa rin talagang makakapalit sa first love niya na nasa Amerika na ngayon. Sa kasamaang palad ay may asawa na ito. He loves her still kaya siguro hindi niya magawang seryosohin ang mga babaeng dumaan sa buhay niya. Ano ba ang tawag sa kanila? Fling, sideline or pampalipas oras? Wala talaga eh, sampung taon na ang nagdaan ngunit ang first love pa rin niya ang nasa puso niya. Ang daming babaeng umaaligid sa kanya,syempre isa siyang Geller.
"The right one will come at the right time Samara!" wika niya sa makulit na babae.
"Kelan kapag senior citizen ka na? Kapag amoy haplas at amoy lupa ka na?" natatawa nitong sambit sa kan'ya.
"Ah okay ganun naman pala eh, Manang huwag mong punuin ang sako ni Samara ah! 'Yung mga reject na mais ang ibigay mo sa kan'ya!" pagkuwa' y na bilin niya sa tauhan niyang si Manang Sylvia.
"Uncle Ox naman, nagbibiro lang ako sineryoso mo naman. Alam mo okay lang talaga 'yan! Malay mo baka isa sa mga araw na ito ay mahahanap mo na ang the one mo! Don' t you worry kahit na tumandang binata ka pa, gwapo at mabango ka pa rin uncle Oxford!" nataranta itong lapitan siya at haplusin ang braso niya.
"Ganun naman pala eh." aniya kay Samara.
"Oo naman, kahit kwarenta ka na mukha ka pa ring nasa twenties. Talo si Paulo Avelino at si Richard Gutierez sa'yo! Winner ka uncle Ox!" bawi nito.
"Thank you! Talagang ang bilis magbago ng mga statement mo ah!" segunda niya.
"Uncle baka pwede namang dalawang sako na ng mais? Manang, dalawang sako na 'yung akin ah? Puro malalaki, mahahaba at siksik sa laman ang mga sweetcorn ang gusto ko,' di ba France baby?" bumaling ito sa asawa at kinindatan pa ito.
Napangiti siya. Itong si Samara na 'ata ang pinakamakulit na babaeng nakilala niya at Reyna pa ng mga handaan. Hinding hindi niya malilimutan ang pagkatay nito sa ilalaban niya sanang tandang sa derby c**k fight. Kaya pala nawawala palagi ang mga brief niya ay ginagawang pot holder ni Samara kapag nagluluto ito sa dirty kitchen sa baba ng mansion. Andami nitong kalokohan na hindi niya malilimutan. Wala naman siyang magagawa dahil asawa ito ng kan'yang pamangkin at naging kaibigan niya rin ito dahil ang sarap nitong kausap at kasama. No dull moments kumabaga.Siguro kung mag-aasawa siya ay katulad ni Samara ang gusto niya except lang sa pagiging balot queen nito. Talagang walang hiya talaga ang babaeng ito na naging matalik na rin niyang kaibigan.
Ang akala niya ay hanggang kahapon lamang ang birthday niya ngunit sumama pa talaga ang mga ito nang malaman na anihan na ng mais ngayon.
"Gusto mo bang irereto ka namin sa mga police woman na kaibigan ni France?" sambit ulit ni Samara.
"Huwag na, Hindi mo na kailangang magreto pa.Teka, bakit ba gusto mo na talagang mag-asawa na ako?Kung babaeng sakit ng ulo lang ang makakapangasawa ko ,di bale nalang!" aniya rito.
"Samara, may mahal na yang si Uncle Ox ,nasa america nga lang pero sa kasamaang palad ay may asawa na." sambit pa ng pamangkin niyang si France.
"Ows, nakakaawa ka naman pala Uncle .Kaya ka siguro,tumandang binata dahil sa mapanakit mong karanasan." sambit pa ni Sam.
"Pero hindi ba't mamayang gabi ang eyeball niyo ng chatmate mong si Suzzie?" tanong naman ni Cathlea.
"Ah yeah, si Samara ang nagbigay ng account nito last week.Kaibigan niya itong si Suzzie kaya naman pinagbigyan ko na itong si Samara na makipag chat kay Suzzie." aniya.
Two weeks pa lang yata silang nagchachat ni Suzzie .Mabait naman ito pero wala naman siyang nararamdaman para rito.
"Patingin nga ng profile,uncle!" Sambit ni Cathlea sa kanya.
Kinuha naman niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.Nagbrowse siya at pinakita kay Cathlea ang profile ni Suzzie.
"Parang may mali! Sobrang ganda niya pero bakit parang edited ang mukha?" nagtataka nitong sambit.
"Hoy,anong edited? Si Suzzie ay pamangkin ni Lola Duday, sa kanya ko hiningi ang account ng kanyang apong si Suzzie!" wika pa nito.
"Sa tingin ko hindi naman edited ," aniya .
"Nag video call na ba kayo?" tanong ni Cath.Parang may ibang hinala talaga ang babae.
"Wala, sira raw ang camera ng cp niya." sagot niya.
Well, mamayang gabi sila magkikita ni Suzzie sa isang bar at syempre pagkatapos nilang mag-inuman ay dadalhin niya ito sa isang pribadong lugar.Yung silang dalawa lang.Matagal na rin siyang nakapag date kaya itong si Suzzie ay pagbibigyan niya .
"Patingin nga ng picture ni Suzzie!" ani Samara sabay kuha ng cellphone niya sa kanyang kamay.
"Oh ,bakit natahimik ka?" aniya rito.Parang natulala ito habang nakatingin sa screen.
" W-Wala uncle, a-ang g-ganda pala ng apo ni Aling Duday." natatawa nitong sambit."E-Excuse me lang uncle ah? Pupuntahan ko na muna si Franco sa loob,nagluluto kasi yun ng tinolang manok."Tila ba kaagad nagbago ang mood ni Samara at nagpaalam na sa kanya.
"Teka, may karneng manok ba akong binili?" tanong niya rito.
"A-Ah bigay po ni Bekang." sagot nito.Kunsabagay nga naman ,maraming alagang inahing manok si Bekang.Akala niya ay tandang niya ang dinale ng pamangkin niyang si Franco.Kanina ay may nakita siyang babaeng kasama ng pamangkin,nagpapakitang gilas yata si Franco sa pagluluto.
Muli siyang tumingin sa screen ng cellphone niya .Mamaya ay mapapasabak pala siya sa matinding labanan kaya magpapahinga na muna siya ngayon para makapag recharge ang katawan niya.