bc

Once Upon An Us ( SPG )

book_age18+
18.0K
FOLLOW
52.0K
READ
revenge
polyamory
second chance
brave
CEO
twisted
bxg
city
enimies to lovers
polygamy
like
intro-logo
Blurb

Matured Content: SPG

BOOK 1 and BOOK 2

Lazaro Series #4

Sa kanyang bagong papasukan bilang Supervisor of Human Resources Department mas pinili niyang agad na magresign dahil sa kanyang nalaman dahil ang kanyang bagong papasukan ay pagmamay-ari ng kanyang enemy number #1 na kambal na Sanchez. Mas pinili niyang huwag tanggapin ang alok dahil sa kambal na iyon, na sinira ang kanyang college life. Dahil sa kambal na iyon nawala ang kanyang inaasam na Summa c*m Laude dahil sa pagbintang ng mga ito na sa kanya galing ang cheat sa isang exam.

Isama mo pa na kaibigan nila ang kapatid na ayaw ni Jasmine, ang Annika Lopez na iyon.

"Bwisit talaga ang mga Lopez at ang mga Sanchez na iyan!"

chap-preview
Free preview
Prologue
"Urgh! Maging ang isang iyon sa kanila pa rin? Lahat ba ng company dito sa Pilipinas na ma-a-apply-an ko ay sa kanila? Nakakainis!" Hinagis ko ang dala kong shoulder bag sa kama at napaupo rito. P'wede bang hindi ko na sila makita? Grabe na iyong apat na taon ko silang tiniis dahil sa inis at galit ko sa mga iyon. Pero, ayoko ng maging ngayon ay makikita ko pa rin silang dalawa. Dahil sa kanilang dalawa hindi ko nakuha ang inaasam at pinaghirapan kong Summa c*m Laude. Dahil sa dalawang iyon, hindi sa akin ang napunta iyon. Dahil sa kanila kung bakit binigay kay Annika ang dapat ay sa akin. Kaya hindi ko sila mapapatawad over my dead body. Kaya never kong tatanggapin ang mga trabaho na alok sa akin kapag sa family nila ang company nilang iyon. Mas tatanggapin ko na lang ang alok ni Kuya Jeppy sa akin or nila Kuya Jix na sa kanila mag-trabaho kaysa roon. Okay ng sa kanila akong magpusiging at mapagod kaka-trabaho atleast makakatulong sa company kaysa naman sa kanilang dalawa, ayokong lumago ang company nila. Never. Napapitlag ako ng may marinig na kumatok sa aking pinto, tumayo ako para tignan kung sino ito. "Kuya, bakit?" Nakita ko si kuya Jeppy na bitbit ang pangalawang pamangkin ko na si Angelus - iyon kasi ang pinangalan nila dahil muntik na ngang makunan si Ate Jasmine ng pinagbubuntis niya si Angelus buti na lang makapit ang baby. "Pinapatawag ka ni ate Jas mo, may party kasi mamaya kila Tito kailangan nandoon din tayo. Doon na rin tayo magpapalipas ng gabi." Aniya sa akin. Sinarado ko ang pinto ng k'warto ko, at kinulit ang aking pamangkin, "bakit ako pinapatawag ni ate Jas?" Pagtatanong ko kay Kuya habang kinukurot ang pisngi ng aking pamangkin, ang tambok kasi ng pisngi niya. "May dumating kasi kanina, baka damit niyo mamaya iyon. Tignan mo na lang kaysa naman kinukurot mo rito pisngi ng pamangkin mo. Teka..." Paalis na sana ako ng tawagin niya ulit ako. "Kumusta ang pinuntahan mo kanina?" Tumingin ako sa kanya, "hindi ko tinanggap kuya," Lumapit siya sa akin medyo malayo na kasi agwat namin, "bakit naman, supervisor na iyon, Jas. Sayang." Sabay hele niya sa aking pamangkin. Kapag tinitignan mo si kuya ngayon akala mo hindi CEO ng isang kompanya, e. "Eh-kasi, kuya... Pagmamay-ari pala niyon nina Warren and Wayne Sanchez. Eh, alam mo namang ayoko sa kanila dahil sa ginawa nila sa akin nu'ng college. Kaya ba't ko tatanggapin ang alok na iyon kung papalaguin ko ang company nila? Kaya no way, kuya!" Sabay ekis ng aking mga kamay sa harap ko. Napailing na lang siya. "Sa akin ka na lang kasi mag-trabaho. Huwag ka ng magreklamo kung doon kita ilalagay, anong ginagawa ng company natin kung ikaw mismo hindi ko matulungan." Umangal ako sa kanya, "eh, kuya! Nandoon si Denver, alam mo namang ex ko iyon, e." "Ex? Niloko ka nga ng gagong iyon." Napasimangot ako dahil sa sinabi ni kuya, "oo, tapos pinagpalit ako roon sa kapatid nu'ng laging kasama mo rati, iyong ayaw ni ate Jasmine..." "Narinig ko iyon!" Sabay takbo ko papasok sa k'warto nila. Bwisit na Annika na iyon. Ang landi-landi. May Kambal na ngang sina Warren and Wayne, inagaw rin sa akin si Denver. Attention seeker kasi parehas sila ng ate niya! Buti na lang talaga nagbagong buhay na iyong ate Niña niya. Tahimik na rin ang buhay ng isang iyon. Mukhang ito na namang si Annika ang pumalit sa trono. "Hi, ate Jas! Tinatawag mo raw ako?" Ani ko sa kanya ng mabuksan ko ang pinto sa k'warto nila. "Of course! May party sa house mamaya nandoon lahat ng angkan namin, may pinatahi akong formal dress para sa ating dalawa." Binuksan niya ang isang kahon na nakalapag sa sofa nilang nandito. Ang ganda-ganda pa rin ni ate Jasmine, kung magkakaroon na si ate Jas na anak na babae, magiging kamukha niya. Puro si kuya kasi ang kamukha ni Josev and Angelus. "Here, heto ang para sa'yo, Nene. Red dress para on the fire, right?" Tumango ako rito, "heto naman ang para sa akin hindi masyadong revealing baka kung sa'n kami mapunta after ng party kung revealing dress ang isusuot ko." Sabay tawa niya. Sinarado niya ulit ang kahon at binigay sa akin, "mamaya may pupuntang make-up and hair artist dito para ayusan tayong dalawa." Sabay kaming kinilig. "Ate Jas, kailan ka kaya magkakababy na babae." Tanong ko sa kanya. "Iyon nga din ang gusto ko pero puro boy ang binibigay, kapag naging two years na si Angelus, gagawa ulit kami hanggang makabuo kami ng babae." Nilibot ko ang tingin sa k'warto nila, puro picture ang mga nakalibot dito. Picture nilang magpapamilya. May nahagip din akong picture ko. Nang sumapit ang alas-sais ng gabi tapos na rin kaming ayusan ng mga pinatawag ni ate ng mga make-up artist. Si kuya Jeppy ang nag-drive, doon na rin kasi kami magpapalipas ng gabi, bukas na rin kami uuwi. "Tita Nene, you're so pretty in your red dress..." napatingin ako kay Josev ng magsalita ito. "Really? Tita looks good tonight?" Tumango ito sa akin, "opo," sabay yakap nito sa akin. Kung magbibinata na ang isang ito, ang daming mahuhulog sa mga salita niya. Daming ma-i-inlove. Napaka-bolero. Nakarating kami sa bahay nila Tita Jewel ng ligtas, pinarada ni kuya ang kotse sa labas. Ang dami ng nakaparadang kotse sa labas ng gate, mukhang marami nga ang kamag-anak nila. Bumaba ako habang hawak ang kamay ni Josev, si kuya naman at bitbi ni Angelus at hawak naman niya si ate Jasmine. Parang may aagaw kay ate Jasmine puro kamag-anak naman nila ang nandito. Napailing na lang ako. "Tita, your head hurts?" Tumingin ako sa kanya habang papasok kami sa loob. Lumakas ang music ng makapasok kami. "Nope, why, Josev?" I asked habang inaalalayan siya. "Cause you move your head like this," sabay galaw ng kanyang ulo to the left and right. Kaya napatawa ako sa kanya. May nakita akong pamilyar na mukha, mga nakita ko nu'ng kinasal si ate Miya and sila Kuya Jeppy. The, rest ngayon ko lang nakita. Pumasok kami sa loob ng bahay at nakita ko roon ang dalawa ko pang pamangkin. "Tita Nene!" Sabay na ani nila sa akin. "Hi, Jessi and Jaxon!" Sabay yakap ko sa kanila. Hindi na sila nasundan, hindi na rin kasi nag-asawa sila kuya Jix, e. Binati rin ng dalawa ang pinsan nilang si Josev na katabi ko. "Tita? Pinapatawag ka pala ni Daddy Jix..." Napalingon ako kay Jessi ng sabihin niya ito. Anong pakay ni kuya sa akin? "Nasa'n sila, Jessi?" Pagtatanong ko rito. "Nasa tabi ng pool, may kausap nga sila, e. Hindi ko kilala, e." Sabay hila nina Jessi and Jaxon sa pinsan nila. "Be careful, ha? Huwag lalabas, Jessi and Jaxon!" Tumingin sila sa akin. "Yes, tita! Doon lang kami sa food!" Sabay kaway niya sa akin. Pinuntahan ko muna si kuya Jeppy para sabihing kasama nina Jessi and Jaxon si Josev. "Kuya," nakita ko sila na kausap nila Tita Jewel, "si Josev kasama nila Jaxon, may pinasunod din naman ako sa kanila. Pinapatawag kasi ako ni kuya Jix." Nagmano ako kina Tito and Tita at saka na rin umalis para puntahan si kuya Jix. Nasa pool area raw siya, e. Nang makarating doon, may nakita akong limang lalaki na nakatayo malapit sa may pool. Nakilala ko agad ang tatlo. "Kuya Jix," tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin maging sina Kuya Jin and Kuya Jim. "Bakit po? Pinapatawag mo raw ako?" Lumapit ako sa kanila. "May work ka na?" Umiling ako sa kanya. "Pero, pinapasok na ako sa company ni kuya Jeppy po." "Anong nangyari sa pinuntahan mo?" "Tinanggihan ko kuya, e..." "Kasi kami ang may-ari?" Napamaang ako ng marinig ang boses na iyon, oh gosh! "A-anong ginagawa niyo rito?" Sabay turo sa kanila. Pero, ningisihan lang nila ako. Tumingin ako kila kuya. Oh my gosh! Bakit kilala sila nila kuya Jix! Bakit?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook