bc

DIRTY NINANG (SPG)

book_age18+
286
FOLLOW
1.4K
READ
billionaire
dark
possessive
age gap
dominant
bxg
betrayal
affair
passionate
like
intro-logo
Blurb

WARNING: MATURE CONTENT/ TAGLISH

Cleofe Rios is an infamous philanthropist known for her charitable endeavours and services. Her reputation is beyond perfection; impeccable indeed. She's even dubbed as "ninang for all season" by her people. But behind her aesthetic profile, alluring smile, and good deeds hides a cunning and vicious woman. She's been living in the hollows of her shades, not until her godson, Eros Constantino accidentally discovers her forbidden crib.  

Then one thing led to one another—him and his ninang swimming in the ocean of a passionate adulterated romance. 

Will love win or destroy them both? 

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Eros! Oy, ano ba, tumingin ka nga muna kasi sa'kin. Kanina pa ako satsat nang satsat pero 'di mo man lang ako pinapansin." Mula sa kinukumpuning tubo sa ilalim ng lababo ay inilipat ng binata ang atensyon kay Mirtel. Isa ito sa limang kasambahay na nagta-trabaho sa modernong mansiyon ng mga Rios. Ang totoo ay kanina pa ito nangungulit sa kanya; idagdag pa ang lantarang panglalandi na hindi niya naman pinapatulan. "Ewan ko sa'yo, Mirtel. Doon ka na nga sa laundry area." Natatawang pagtataboy niya sa huli bago muling binalikan ang ginagawa. "Nakakainis ka talaga! Kung 'di ka lang g'wapo, e hindi kita papansinin." "Binola mo pa ako. Sige na, maglaba ka na lang do'n. Baka mahuli ka pa ni Ninang Cleo, yari ka talaga." "Ano ka ba, 'di naman tayo mahuhuli ni ma'am kasi tulog pa 'yon," pagdadahilan ni Mirtel at saka walang babalang yumakap sa kanya. He was naked from his waist up and was only wearing a muddy sweatpants. "'Wag na matigas ang ulo mo. Alis na at kailangan ko na 'tong tapusin." Umismid si Mirtel pero agad din na ibinalik ang mahalay na ngiti. "Ayoko nga, 'di ako aalis dito. Pagkatapos mo d'yan 'tong butas ko naman ang ayusin mo. Try natin 'yang tubo mo kung swak sa akin." Humagikgik ang dalaga na animo kinikiliti ang maselang parte ng katawan. Pagkatapos ay idinikit at ikiniskis pa nang husto ang dibdib sa malapad na likod ng binata. Ngumisi lang naman si Eros at hindi na 'to muling tinapunan ng tingin. Sa lahat ng ayaw n'ya ay 'yung mga tulad nitong maligalig at nuknukan ng alembong. Maganda si Mirtel, matangkad, mahaba ang tuwid na buhok, malalantik ang makakapal na pilikmata, maayos ang pagkakarko ng natural na kilay, balingkinitan ang katawan at pinagpala sa laki ng bumper. Ang problema sadyang hindi niya trip ang mga babaeng mas bata sa kanya. Hindi rin siya naaaliw sa mga kaedad niya at sa halip mas mabango ang mga Eba na ahead ng ilang taon sa kanya. Madalas nga siyang tawaging weird ng mga mga kaibigan niya na sa tuwina'y tinatawanan niya lamang. Sure, he had sexcapades with virgins, fresh meat and young ones before, but his d**k was more attracted to mature p*****s. He was guiltily charged for that matter. Nanatili sila sa ganoong posisyon habang tuloy siya sa pagkalikot doon. Batid ni Eros na kahit itaboy niya ulit ang hitad ay hindi pa rin ito susunod. Kaya naman kaysa gawin iyon ay sinabayan na lang niya ang trip ni Mirtel. Hinayaan niyang magsawa ito sa kakalapirot sa katawan niya at paulit-ulit na paghalik sa kanyang leeg at batok. "Ang bango mo pa rin kahit pawisan." "Baka maubos ang amoy ko 'pag 'di mo tinigilan ang kakasinghot sa akin," kapagdaka ay biro niya. "E, ano naman? Gusto mo rin naman 'tong ginagawa ko 'di ba?" "Hindi." "Ah, gano'n? E, bakit hinahayaan mo akong landiin ka habang nagta-trabaho?" "Baka umiyak ka naman kasi kapag pinigilan kita. Ang pangit mo pa naman 'pag umiiyak." "Gago! Grabe makasabi ng pangit, ah. Untog kaya kita rito sa bubelya ko?! Hmp!" Inirapan siya ni Mirtel pero hindi pa rin bumibitaw sa kanya. "Alam kong nagagandahan ka rin sa akin, ayaw mo lang aminin." Noong isang linggo ay nagtapat sa kanya ang dalaga tungkol sa tunay nitong nararamdaman. May crush daw ito sa kanya pero binalewala niya lang iyon. Sinabihan niya rin itong ibaling na lang sa iba ang atensiyon at hindi siya interesado, pero hayun at walang balak sumuko ang babae. Pursigido talagang makuha siya nang buong-buo. Binitawan ni Eros ang pliers at saka inilagay sa tool box na nasa gilid. Kasunod niyon ay hinagip niya ang bimpo at saka pinahid ang pawis sa kanyang mukha. Dahil nakauklo siya sa marmol na sahig bigla siyang nawalan ng balanse. Madulas din kasi ang suot niyang tsinelas kaya tuloy sabay silang bumagsak sa sahig. Gayunpaman pilyang humagikgik lang si Mirtel; halatang nasiyahan pa sa nangyari. Magkapatong sila at hindi siya kaagad nakagalaw. May bahagyang kirot siyang naramdaman sa kanyang gulugod. Ipapahilot n'ya kaagad kay Mang Temyong ang likod at balakang kapag nakauwi na. Nagtama ang kanilang mga mata at parehong hindi nagsasalita. Mayamaya ay kumilos ang kamay ni Mirtel pababa sa sa nakabakat niyang sandata. "Ang tigas naman nito," anas ng dalaga. "Maulan kasi kaya ganyan," mariin na depensa ni Eros. "Ah, kaya pala." Malandi pa rin ang paraan ng paghagikgik nito. Hinihimas-himas nito iyon bago hinila nang bahagya ang garter ng kanyang sweatpants. "P'wede ko bang hawakan 'to, Eros? Sige na, gusto ko kasi makita kung gaano 'to kahab—" "Mirtel! Santisima!" hiyaw ni Rosita bago humahangos na lumapit sa kanila bago hinila patayo ang dalaga. "Tumayo ka nga riyan! Ano bang kalokohan itong ginagawa n'yo?" "Aray! Pucha ang sakit naman ng pagkahatak n'yo." Nakasimangot na reklamo ni Mirtel. "Ando'n na, e. Istorbo kayo!" "Kanina pa kita hinahanap dahil iyong mga labahin mo ay natengga na roon, tapos narito ka lang pala at nakikipag-lambutsingan kay Eros. Kainaman ka na, ineng! Mahiya-hiya naman at binabayaran ka naman ng maayos." Nameywang ang matanda at nagpatuloy sa walang humpay na paglilitanya. Si Rosita ang mayordoma at may dalawamput-tatlong taon nang nagta-trabaho roon. Halos doon na inugat ang matanda at sa malas ay hindi na rin nakapag-asawa. Panay lang naman ang irap ni Mirtel habang kinakamot ang magkabilang tenga nito. Sa kabilang banda maingat naman na bumangon si Eros at isa-isang iniligpit at isinalansan sa toolbox ang natitirang kagamitan sa sahig. "At ano iyong nakita kong dadakmain mo sana ang t*ti nito ni Eros?" ingos muli ni Rosita. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. "Ah, eh. . . ano po kasi. . . wala lang 'yon." Pautal-utal na saad ni Mirtel bago tumalikod. Lumakad na ito papunta sa laundry area. "Aba't! Tingnan mo ang ugali ng batang 'to?! Kinakausap nang maayos, e kundangan ba naman na layasan ako." "Sorry po, Aling Rosita. Madulas kasi 'tong tsinelas ko kaya na-out of balance ako." Si Eros na ang nagpaliwanag. "Gano'n ba? O, siya palalampasin ko ang nangyaring ito ngayon, pero ipangako mong hindi na ito mauulit." Hinilot nito ang magkabilang sentido at aligagang nagpauli-uli. "Mabuti na lang ako ang nakahuli sa inyo at hindi si Ma'am Cleo. Ayaw pa naman no'n ng mga ganitong kalaswaan sa loob ng pamamahay niya." "Pasens'ya na po, Aling Rosita." Tinapunan siya nito ng matalim na tingin bago inilipat ang atensiyon sa ilalim ng lababo. "Kumusta ang tubo? Pulido ba ang pagkakaayos mo n'yan?" Bahagya niya rin nilingon ang lababo at mabagal na tumango. "Maayos naman ang tubo at walang butas. Bale inalis ko lang 'yung nakabara. 'Wag kayong mag-alala siniguro kong magagamit n'yo na ulit 'yan mayamaya." "Mainam kung gano'n." "'Yung tungkol pala sa naabutan n'yo kanina, p'wede bang 'wag na lang makakaabot sa ninang? Nakakahiya kasi kapag nalaman n'ya." Kailangan niyang liwanagin iyon sa matanda dahil naturalesa ang pagiging Marites nito. Ayon sa ibang kasambahay madalas na doble-kara ang drama ng mayordoma. Kapag trip nitong ilaglag ang isang tao ay handa nitong gawin iyon nang walang pagdadalawang-isip. Umismid si Rosita. "Aba'y s'yempre! Hindi naman ako tsismosa, ano. Pero ikaw ha, hindi porque may tiwala sa'yo si Ma'am Cleo ay magagawa mo na ang mga ganitong bagay. Huwag mong abusuhin ang kabaitan ng amo ko." Nahihiyang yumuko si Eros at tumingin sa sahig. Oo nga at wala siyang balak na patulan ang kalandian ni Mirtel, pero mali pa rin na hinayaan niya ito. He felt stupid for goading and giving her advances to flirt with him. May punto naman ang matalak na matanda at ginagawa lang ng maayos ang trabaho nito. "Maliwanag ba sa'yo ang punto ko, Eros? Huwag na mauulit iyong kanina, ha." Umangat ang tingin niya kay Rosita at magsasalita na sana nang isang malamyos na boses ang umagaw sa eksena. "What's happening here? Alin ang hindi na dapat maulit?" Sabay na lumipad ang tingin nila sa bagong dating. Madam Cleofe Rios was clad in sexy and silky black lingerie. Pakiramdam ni Eros ay nanuyo ang kanyang lalamunan kaya mariin siyang napalunok. Ramdam niya rin ang paninigas ng kanyang sandata habang nakamasid sa huli. Ang sexy at ang ganda pala ni Madam Cleo kahit bagong gising? Kahit medyo magulo ang buhok at nakalaylay ang isang strap ng suot nitong manipis na pantulog? Bakit noon niya lang 'yon napansin? Noon din nag-init ang kanyang katawan at nakaramdam ng pagnanasa sa huli. Alam niyang mali, pero bakit naman kasi ang hot ni ninang? Sa huli ay tahimik niyang minura ang sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook