CHAPTER THIRTY PINAHID ni Beatrice ang kaniyang luha matapos alalahanin ang huling pagkikita nila ni Dad. Nasa labas siya ngayon ng bahay. Nakaupo sa upuan. Hindi kase siya makatulog kaya't naisipan niya na lang na magmuni-muni dito. Hating-gabi na rin at tahimik na at paniguradong natutulog na si Lindzy at Noah. Sa pagod ba naman nila kanina. Tanging hampas lang ng hangin ang kanyang naririnig pati na ang mga punong nagsasayaw. Halos walong taon na rin mula ng huli nilang pagkikita. Actually, matagal na siyang kino-contact ng secretary ni Dad. Para makipag partner sa kanila. But she refused it for a ton of times. Kaya niya namang palaguin ang kanyang hotel sa sarili niyang pagsi-sikap. At nakita naman ngayon ang resulta. Isa na sa pinaka sikat sa Canada ang kanyang hotel. Napalago niya

