CHAPTER THIRTY-ONE "Anong ginagawa niyo?" Nakakunot na sambit ni Lindzy. Nagtatakang itong tumingin kina Noah at Beatrice. Ngayon kasi ay pareho silang nababalisa. Isama pa dito ang pamumula ng mga pisngi ng dalaga. Para bang nahuli sila sa isang krimen na hindi nila gustong i-commit. "W-Wala." Si Beatrice. "A-Ano kasi . . ." Si Noah. Halos sabay lang silang nagsalita dahilan para lalong kumunot ang noo ni Lindzy sa pagtataka. Naubo pa ang dalawa matapos ay nagsalita si Beatrice. "You explain first, Noah." Hinahaplos ng dalaga ang braso. Nag-iiwas ito ng tingin habang namumula pa rin ang kanyang mga pisngi. "A-Ano . . ." Umubo pang muli ang binata. Tumingin ito sa kisame na para bang naghahanap doon ng kasagutan. "Si Aling Marites kasi . . . Yown, tama!" Mula sa nag-aalangan ay nag

