CHAPTER SEVENTY-FIVE HUMINAT ng kamay si Beatrice. Hindi niya maiiwasang indahin ang pagod ng kanyang kamay at pagsakit ng kanyang mga mata dahil sa kanina pang pag tutok sa kanyang laptop at mga dokyumento. Kung tuusin ay medyo malabo na ang kanyang mata na tinitiis lang ito. Wala kase siyang oras para magpasukat ng salamin at lalong-lalo na't wala siyang balak na mag suot ng salamin. Magmumulha lang siyang matanda. At iyon ang isa sa pinaka ayaw niya. Pinikit-pikit niya pa ang kanyang mata hanggang sa ito ay manumbalik sa dati. Narinig niya ang pag notif ng kanyang phone. Nangangahulugang may nag text sa kanya. Kinuha niya ito saka agad na tiningnan kung sino ang nag messafe sa kanya. I miss you. Umuwi ka na dito. I love you. - Noah Mayroong siyang naramdamang kiliti. Kasabay din

