CHAPTER SEVENTY-FOUR HINDI matumbok ni Beatrice kung anu-ano ang niluto ni Diane. Walang man lang nakalusot na pilipino food sa niluto nito. Basta ang alam niya lang ay puro italian food ang nakahain ngayon sa mesa. "Ay gorl, hindi nauubos 'yang pagkain sa titig lang. Kumuha ka na, aba!" Saway nito sa kanya na tila inaabangan siyang kumain. Tinaasan niya ito ng kilay. Magsasalita na sana siya nang bigla itong mag salita muli. "Nako! Huwag mong sabihing hindi mo nagustuhan 'yang mga luto ko. Hindi ko pa nga nakikita na ngumuya ka ng kahit ano jan," inis nitong sabi. "Saka hindi mo ba nakikita? Pinaghirapan ko 'yan." Ngayon ay naka-pout na ito. Hindi niya alam kung maiirita ba siya sa pagmumukha nito. Pasalamat na lang talaga ito at mas nananaig ang pagiging kaibigan nilang dalawa.

