Minsan talaga mapaglaro ang tadhana. Hindi mo alam kung pinagtitripan ka ba nito o pinagloloko. Hindi mo alam kung anong trip niya sayo kung bakit pakiramdam mo ikaw lagi ang nakikita niya. * BINUKSAN ang pinto ng sasakyan kung saan ay nauna siyang lumabas pagkatapos ay si Megan na may dala-dala pang manika na binili sa kanya nong isang araw ni Giorge. Pagkatapos niyon ay pumunta naman si Ralph para buksan ang kanyang compartment kung saan ay nandoon ang bagahe nila ng kanyang anak. Binuhat ito ni Ralph at tila bang bigat na bigat dito. "Alam mo, Beatrice, ang bigat lagi ng bagahe mo. Aminin mo nga, may dala-dala ka bang bato diyan? Mabuti at nadadala mo ito nang walang tumutulong sa'yo." "Ano ka ba, talagang mabigat ang baggage namin dahil hindi lang naman sa akin ang mga yan. Re

