Minsan na rin akong hindi naniwala sa pag-ibig. Akala ko dati ay hindi ako mabibiktima nito. Dahil kitang-kita ko ang mga taong nasa paligid ko kung paano sila mabaliw, masaktan, umiyak, sumaya o kung sa madaling salita pa ay mabaliw sa pag-ibig. "Love" is just like a covid virus. Na kahit anong ingat mo. Na kahit anong iwas mo ay hahawaan at hahawaan ka nito. Nakakabaliw. Hindi mo alam kung ano ang lunas nito. Hindi mo alam kung gagaling ka ba o tuluyan na ngang nitong sasakupin ang buo mong sistema. Kung saan ang side effect nito ay gawing mundo ang isang tao at mabaliw sa isang tao. HINDI alam ni Beatrice kung ano ang kanyang ginagawa sa loob ng hospital na ito. Ang alam niya lang ay may pupuntahan siya dito. Pero hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon kapag nakita ito

