CHAPTER SEVENTY-SEVEN SA nakita ay tila bang biglang nandilim ang mga mata ni Beatrice. Tipong sa isang iglap lang ay wala, nawala ang magandang mood na binuo niya mula kaninang pagkagising niya. Ewan pero may mga tao talaga na para bang ipinadala ni Satanas para sirain ang araw natin. Iyong tipong wala naman silang ginagawa pero naiinis. Iyong wala naman siyang ginagawang pam-bu-bwisit pero gusto mo na lang manampal? Natural na talaga iyon sa iba. Iyong para bang isinugo sila ng sama ng loob para hamunin ang kabutihang nananalaytay sa puso natin. Iyong nandiyan sila, nabubuhay para lang bwisitin tayo araw-araw. Iyong para lang gawin tayong makasalanan sa mga magdadaang mga araw. Nakakainis, oo pero wala ka namang magagawa kung hindi ang magpakatao. Iyong maging mabuti kahit sa tot

