CHAPTER FIFTY-FOUR ILANG araw na rin ang nakalipas mula nong gabing nakita niya si Noah na may kahalikang ibang babae sa club. Sobrang sakit. Sobrang nakakadalamhati na kahit hanggang ngayon—kapag naalala niya ang senaryong iyon ay pakiramdam niya ay nadudurog ang kanyang puso. Mula nong araw na iyon ay nagsimula na si Beatrice na lumayo rito. Kahit na ang pakikisama sa kanyang mga kaibigan ay hindi niya na rin nagawa dahil palagi ng pumupunta si Noah at Lucas para maki-bonding kina Dianne. Kaya ang nangyari ay nagkulong na lang siya sa kwarto. Mas minabuti niya na lamang na lumayo rito nang sa gayon ay maka-move on siya kaagad. Nakakatawa ngang isipin na kailangan niyang gawin ang isang katangahang iyon samantalang never naman naging sila ni Noah. Pero dahil pumasok siya sa mundo ng pa

