KABANATA 2:

975 Words
KABANATA 1: "KUNG MAMAMATAY MAN AKO NGAYON, huwag kang mag-alala dahil sisiguruhin kong mare-reincarnate din ako kaagad. Kahit ba iba na ang mukha ko, paniniwalaan mo pa rin ako?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata at saka mahinang pinalo ang bibig ko. Kunwaring napadaing naman ako kahit hindi naman talaga masakit. "Huwag kang magsalita nang ganyan, masyado pa tayong bata para mamatay," aniya. Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya, "Ikaw talaga, binibiro ka lang e!" Naalala ko iyong sinabi ko sa kaniya, hindi ko inakala na magiging gano'n ang mangyayari sa akin. Na totoong mamamatay ako kaagad. Hindi ko naman ginustong mangyari iyon e. Joke lang naman 'yon pero bakit naging totoo? Hindi pa ako handang mamatay, marami pa akong dreams na gusto kong tuparin! Ilang beses ko nang kinatok ang pinto ng kwartong kinalalagyan ko ngayon pero hindi pa rin ako pinagbubuksan. Siguro lagpas isang oras na akon katok nang katok pero hindi talaga bumubukas. At ang nakakalokang part dito ay hindi ako napapagod na kumatok, iyong tipong hindi manlang nasasaktan ang kamao ko kahit na nilalakasan ko na! Ito ba ang nararamdaman ng mga taong yumao na? Pero bakit nararamdaman ko pa rin itong feelings ko? Bumuntong-hininga ako. I-try ko kayang sirain itong pinto? Mawawasak ko kaya ito? Huminga ako nang malalim at saka pumikit, kaya ko 'to! Isa, dalawa, tatlo! "Yah!" sigaw ko at kaagad na sinipa ang pinto ngunit imbes na tumama ang paa ko sa matigas na pinto ay buong katawan ko ang lumagapak sa sahig dahil may nagbukas ng pinto. Imbes na masaktan ako, wala akong naramdaman. Para bang wala lang nangyari sa akin. Patay na nga yata talaga ako? Ito na ba talaga ang nagsasabi sa akin ng katotohanan na hindi na ako nabubuhay pa? Unti-unti akong napahikbi, na naman. Kung patay na talaga ako, bakit nakakaramdam pa rin ako ng emosyon na ganito? "Miss Letisha Mae Valderama, dadalhin ka na po sa cleansing room. Kung maaari po ay tumayo na po kayo r'yan." Napaangat ako ng ulo nang marinig ang sinabi ng bantay kanina sa labas ng kwarto ko. Akala ko ay hindi siya nagsasalita! "Anong cleansing room?! Akala ko hindi ka marunong magsalita! Hindi ako pwede rito sa langit! Marami pa akong pangarap sa buhay!" sabi ko sabay tayo at nag-angat ng tingin sa kaniya. Pero imbes na sumagot siya sa akin, kaagad niya akong hinawakan sa braso at hinatak. Para akong timang na sinubukang umupo para sana hindi niya ako mahatak pero hindi siya natinag! Talagang hinatak niya pa rin ako kahit na nakaupo ako, sa huli, sumuko na lang ako dahil sa paghatak niya sa akin. Umiiyak ako at panay ang reklamo habang naglalakad kami papasok sa isang elevator. "Langit ba talaga ito? Bakit may elevator?" takang tanong ko kahit na may luha pa sa mga mata. Pero hindi pa rin siya sumagot, nanatili siyang tahimik habang hawak ang ang braso ko, halatang takot na makatakas ako. E, wala naman yata akong takas sa lugar na 'to! Bumaba ang elevator sa first floor, ang bilis no'n! Siguro mga 1 seconds lang ay bumukas na ang pinto. Bumungad sa amin ang pila ng mga nakaupong tao sa isang waiting area. Iisa lang ang kwarto na pinapasukan nila, ang nakasulat sa itaas ay 'Cleansing Room'. Hindi ko alam kung ano ba iyang cleansing room na iyan pero siguradong may kinalaman sa paglilinis. Anong lilinisin sa amin? Paliliguan ba kami? Pinaupo niya ako roon sa sinundan kong batang babae. Nang lingunin niya ako, halos mapatalon ako sa gulat nang makitang puro dugo ang ulo niya. "Hello po, Ate!" "M-multo!" sigaw ko at kaagad na napatayo mula sa kinauupuan ko. Tatakbo sana ako pero hindi ko nagawa dahil ang daming mga nakabantay. Nakatingin din sa akin ang lahat ng mga taong naroon na pare-parehong mukhang multo! "Ikaw rin po, Ate. Mukha ka rin pong multo." Natigilan ako sa sinabi ng bata at saka napahawak sa noo ko. Doon ko lang napagtanto ang sinabi niya, marahang ibinaba ko ang kamay ko para tingnan iyon at saka ko lang nakita ang dugo. Napaupo na lamang ako ulit nang dahil sa panlulumo. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang pighati. "Ang bata pa natin, bakit kailangan nating mamatay nang maaga?" malungkot na sabi ko. "Siguro may purpose kaya tayo namatay." Tumaas ang kilay ko. "Anong purpose naman?! Masyadong cruel ang kapalaran para sa atin. Ni hindi pa natin nakakamit ang mga pangarap natin tapos mamamatay na kaagad tayo nang ganito lang?!" Wala akong pakialam kung may makarinig man sa akin, basta ang gusto ko lang ay mailabas ang hinanakit ko sa nangyari sa akin. Hindi pa kasi dapat ako patay pero nandito na ako. "Ako kasi, naisip ko na baka tama lang na namatay ako. At least hindi na mahihirapan si mama na palakihin ako ngayong single mother na siya." Nawala ang inis ko sa sarili kong pagkamatay nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Nasaktan ako para sa kaniya. Ang bata niya pa para isipin ang ganoong klaseng bagay. And here I am, nagging with my own death dahil hindi ko pa nakakamit ang mga pangarap ko. "Hindi mo ba naisip na baka nagluluksa ngayon ang mama mo dahil sa pagkamatay mo?" tanong ko. Nginitian niya ako, "Naisip ko po iyan ate, pero ngayon lang naman siya malulungkot. Someday makakalimutan niya rin ang sakit." Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi niya pero at some point, may point nga talaga siya. Saglit lang silang maghihinagpis sa pagkamatay ko. Ilang buwan, o ilang taon lang. Pero paano naman ang feelings ko? Paano naman itong sakit na nararamdaman ko dahil hindi ko pa natatapos ang mga gusto ko sa buhay? Hanggang dito na lang ba talaga? "Ate, kailangan tanggapin mo na ang kapalaran mo. Marerealize mo rin kung bakit ka namatay at kung bakit hanggang doon na lang ang buhay mo." Bumuntong-hininga ako at saka tumango. Siguro nga kailangan ko nang tanggapin, kasi wala naman na akong magagawa lalo na at nandito na ako, siguro nga hindi na ako makakabalik pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD