“Ligpitin niyo na nga ‘yan,” utos ng isang lalaki sa kaniyang mga kasamahan. Agad sila na sumugod sa akin. Kung tutuusin nga ay ‘di na dapat ako gumagamit ng panghampas ngayon na armas laban sa kanila. Kamao ko lang sana ay sapat na para mapatumba sila. Ngunit may lagnat ako ngayon at hindi maganda ang pakiramdam ko. Kaya kinakaya ko na lang ngayon. Nilabanan ko sila. Hindi ko pa rin iniinda ang sakit ng ulo ko. Nasa lima sila ngayon na kumakalaban sa akin. Ang isa ay nakahawak kay Ava ngayon na nakatali na ang mga kamay. “Watch out, Kael!” narinig ko pa na sigaw ni Ava sa akin. Inilagan ko naman ang mga atake sa akin ng mga kalaban. Saka sila biglang naglabas ng mga kutsilyo nila. “Hindi tayo pwedeng gumamit ng baril dito. Baka marinig tayo ng mga awtoridad!” sigaw ng lalaki na nagb

