bc

Sold to the Billionaire Mafia Boss

book_age16+
5.8K
FOLLOW
42.4K
READ
billionaire
HE
badboy
mafia
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

"Are you sure with your plan, boss?"

"Yes. I am f*****g sure about it. This is the perfect timing to get my revenge to her..."

Humanda ka sa akin, Ava Wrenley... Hindi ako papayag na magiging masaya ka sa buhay mo na ito. You will suffer, like how I suffered... I, Kael Rowan, will definitely buy your whole body and soul to make you suffer.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
[10 YEARS AGO...] "ARE YOU STUPID?! TALAGA BANG HILIG MO AKONG IPAHIYA SA MGA TAO?!" Isang malakas na sampiga ang natanggap ko mula sa aking magaling na ama. Nag-igting ang panga ko dahil sa sakit no'n. Pero nanatali pa rin ako na nakatayo ng deretso sa harapan niya ngayon. Mas malilintikan lang naman ako kapag nawala ako sa pwesto ko ngayon. Kaya naman kahit sobrang lakas ng sampiga niya sa mukha ko ay pinilit ko pa rin na hindi maalis sa kinatatayuan ko. Humarap muli ako sa kaniya. "I clearly told you that I don't intend to train and to become a mafia," matigas na sagot ko sa kaniya. Nakaharap ako sa kaniya, pero ang tingin ko ay nasa ilalim lang. "You will become a mafia whether you like it or not! Ako ang magdedesisyon sa buhay mo at hindi ikaw! Naiintindihan mo ba?!" sigaw pa niyang muli sa akin. "Wala kang mapapala sa akin. Wala akong balak na patakbuhin ang basura mong organisasyon. Ayokong maging katulad mo na pumapatay ng mga inosenteng tao." "WHAT?! YOU'RE A PIECE OF SH!T!" Napatingin ako sa kaniya dahil sinimulan na niya akong bugbugin. Kinuha niya ang kaniyang baril at agad na pinukpok 'yon sa mukha ko! Tang ina! "Hon! What do you think you're doing?!" Sumingit si Mom sa gitna naming dalawa nang makita niya na binubugbog na ako ngayon ng magaling kong ama. Kinapa ko naman ang gilid ng noo ko dahil doon niya napukpok ang baril. Nakita ko na dumudugo na 'yon. Nararamdaman ko na rin ang hapdi sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang naging ama ko. "Get off me, Ria! He deserves to die kung wala naman pala akong mapapakinabangan sa kaniya! I don't want to have that kid anymore!" sigaw pa niya. Pinipilit siyang ilayo sa akin ni Mom, pero malakas si Dad. Agad niyang tinulak si Mom palayo, bagay na ikinagalit ko. Wala akong pakialam kahit saktan pa niya ako ng sobra. Pero hindi ako papayag na si Mom ang sasaktan niya. "Mom!" sigaw ko. Mabilis naman ako na lumapit sa kaniya para alalayan siya. Sinamaan ko ng tingin si Dad. "How dare you look at me like that, huh?! Matapang ka na ba?!" sigaw pa niyang sa akin muli. "Payag ako na saktan mo ako, pero huwag mong idamay si Mom! Tang ina! Ano ba ang mayroon at gustong-gusto mo akong maging Mafia katulad mo?!" "Gusto mo ba na matulad sa magaling mong kapatid, ha?! Namatay siya dahil mahina siya! Namatay siya dahil hindi siya marunong lumaban!" "HE DIED BECAUSE YOU KILLED HIM!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko na lang naisigaw 'yon. Napatingin sa akin si Mom na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko na 'yon. Oh, damn. I'm doomed... "What do you mean, Kael?" Mom asked. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya, pero bigla na lang akong sinakal ni Dad at inangat. Sh!t. "You talk to much," mariin pa na sagot niya sa akin. Sinubukan ko naman na pigilan ang kamay niya dahil sobrang higpit ng sakal niya sa akin. Nginisian ko siya para mas lalo ko siyang maasar. "W-Why? Do you think t-that I don't know about... that?" uutal-utal na sagot ko sa kaniya. Dahil nahihirapan na ako ngayon na huminga. Tumayo naman si Mom at agad na pinigilan muli si Dad. "Jack! Get off him! He's our son! Why are you hurting him?!" Umiiyak na si Mom ngayon at para bang nagmamakaawa na siya sa hayop na lalaki na 'to. Binitawan niya ako kaya bumagsak ako sa sahig. Hinabol ko naman ang hininga ko at umubo pa. "Explain what you said earlier, Kael! What happened to your brother?!" "Don't believe his words, Ria." "I saw it... I saw how Clark died. He died during their training. He accidentally killed him. That's the f*****g reason why I don't want to become a mafia. I don't want to meet the same fate as Clark. He was stupid and naive to follow all the orders of our father..." Tumayo ako at sinamaan ng tingin si Dad. Matagal akong nanahimik. Ang pagkamatay ni Clark ay itinago ko sa sarili ko. I was thirteen years old back then. Dalawang taon na ang nakakalipas nang masaksihan ko ang pangyayari na 'yon. Pero nanahimik lang ako dahil sa takot ko kay Dad. Bata pa rin ako ngayon, alam ko. Mas matanda sa akin si Clark. Eighteen years old na siya noong panahon na 'yon. Mas nakakatanda ko siyang kapatid. "Don't tell Mom about this... I don't want her to be hurt badly." 'Yon ang huling mga salita na iniwan sa akin ni Clark. Pinalabas lang ni Dad na namatay si Clark sa aksidente. Kahit na ang totoo ay namatay siya sa sobrang training na natamo ng katawan niya sa pagiging mafia. Ang huling nakalaban niya ay si Dad. Nasaksihan ko kung paano nagkamali si Dad ng pagpalo sa ulo ni Clark, dahilan kaya siya nawalan ng buhay. Ayokong sapitin ang ganoon. Una pa lang naman ay hindi ko na gusto na sumunod sa yapak ng ama ko. Kapag namatay ako, sino na lang ang mag-aalaga at magbabantay kay Mom? "Shut up. Clark died in a car accident. Manahimik ka na kung ayaw mo na pati ang ina mo ay masaktan ko ng sobra." Pabulong na niyang sinabi sa akin ang huling salita bago niya kami iniwan ni Mom sa kwarto. Bigla ay nawalan na lang ng malay si Mom. Sa sobrang taranta ko ay binuhat ko siya at agad ko siyang sinugod sa ospital. Nang ma-check siya ng doktor ay doon ko nalaman na matagal na siyang may tinatago na sakit sa akin... May heart cancer si Mom... *** Isang linggo na simula noong naospital si Mom. Stage four na ang cancer niya dahil matagal na. Kaya hindi na posible ang surgery. Masiyado na raw delikado kapag inoperahan pa siya. Matagal na pala siyang umiinom ng mga gamot... Ni wala akong kaalam-alam na may sakit na pala si Mom. Pero ang hayop na ama ko ay hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita. Alam niya na nasa ospitial ang aking ina, pero wala man lang siyang pakialam. Ni hindi niya binibisita si Mom sa ospital. Sa galit ko ay hinanap ko siya sa kung saan man siya pwedeng magpunta. Tinanong ko siya basura niyang kumpaniya kung nasaan siya. MAFIA ORGANIZATION -- Ito ang pangalan ng kaniyang kumpaniya. This is a secret organization who accepts crimes like killing someone or sabotaging someone's property. Noon ay akala ko maganda ang layunin ng kumpaniya na ito, pero hindi pala. Nalaman ko ang lahat dahil kay Clark. "Where's your boss?" tanong ko sa nagbabantay sa loob ng kumpaniya. Kahit pa bata pa ako ay nirerespeto ako ng mga tao rito. Pero wala akong respeto sa kanila. Ang mga mamamatay tao ay hindi naman karespe-respeto. "Boss is currently in China for some business." "Business? What kind of business?" "He's with a woman. That's all I know, Sir." Napakunot naman ang noo ko nang marinig ang sinabi niya na 'yon. Kasama niya ay babae? Ano namang klaseng negosyo ang pinagkakaabalahan niya ngayon na mas importante pa kaysa sa buhay ni Mom? Ng asawa niya? Hiningi ko kung saan ang eksaktong lokasyon ng aking magaling na ama. Agad akong nag-book ng flight papunta sa China. Gusto kong malaman mismo kung ano ang ginagawa niya sa China. Pinabantayan ko na lang muna si Mom sa mga katulong namin na nasa ospital na rin. Nang makarating ako sa China ay hinanap ko kaagad kung nasaan ngayon si Dad. Ngunit hindi ko inaasahan na makikita ko siya na may kasamang isang babae at magkahawak pa sila ng kamay. Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa na masaya at gumagala. Business? Ito ba ang sinasabi niya na inaatupag niya rito sa ibang bansa? Mas nagulat pa ako nang makita na maghalikan sila! Tang ina! Nangbababae siya?! May kabit siya?! Kahit na palaging nakikita ni Mom na sinasaktan ng kaniyang asawa ang mga anak niya, mahal pa din niya si Dad. Tapos ganito lang pala ang gagawin niya?! Mas lumapit pa ako sa kanila para marinig ang usapan nila at para na rin makita ko ng ayos ang pagmumukha ng babae niya. "Ang tagal namang mamatay ng asawa mo? Gusto ko nang palitan ang pwesto niya," narinig ko na sambit ng babae. Naikuyom ko ang aking mga kamao. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya na 'yon. "Don't worry, Honey. She'll die soon. I heard that she's already in the hospital now. May cancer na siya," sagot naman ng magaling kong ama. "Magpapakasal na ba tayo sa oras na mamatay na siya?" "Palipasin muna natin kahit isang taon." "How about your son? Hindi ba siya magiging problema sa relasyon nating dalawa?" "Huwag mo nang isipin pa si Kael. Ako na ang bahala sa kaniya. I am controlling his life. How about your daughter? Payag na ba siya sa relasyon nating dalawa?" May anak din ang babae na 'yon? Talagang pinagpaplanuhan nila ang kamatayan ni Mom?! Ito na ba ang lalaki na minahal ng ina ko? Hindi ako makapaniwala sa mga kagaguhan nila. Mga demonyo sila. Hirap at lumalaban para mabuhay si Mom sa ospital, tapos narito lang ang asawa niya na nagpapakasaya kasama ang ibang babae at hinihintay na lang na mamatay siya. Gusto ko silang sugudin. Gusto ko na silang patayin... Pero hindi ko magawa. Hindi pa ito ang tamang panahon para maghiganti ako sa kanila. "What if patayin ko na mismo ang asawa mo sa ospital? Para mas mabilis. She's bound to die naman na eh." TANG INA! ISUSUMPA KO ANG BUHAY NG BABAE NA 'YON! MAGSAMA SILANG DALAWA NG DEMONYO KONG AMA. SA TINGIN BA NILA AY MANANAHIMIK LANG AKO AT WALANG GAGAWIN LABAN SA KANILA? *** I went home. Binantayan ko si Mom. Hindi ko siya iniwan hanggang sa huling paghinga niya. Hindi ako papayag na mamatay siya ng hindi maayos at tahimik. Hindi ko na pinaalam pa sa kaniya ang kagaguhan na nagawa ng lalaki na pinili niyang mahalin at pakasalanan. Ayoko na mag-alala pa siya sa akin na natirang nabuhay sa mundo na ito. Pero ngayon ay simula na ng paghihiganti ko. Dalawa na ang nawala sa akin... Nag-research ako kung ano ang pangalan ng kabit ni Dad. Nanahimik ako at hindi ko pinaalam sa kaniya na alam ko na may kabit siya. I saw that mistress' name... it's Arlyn Wrenley... Pero kung inaakala nila na sa kanila ako maghihiganti, nagkakamali sila. I have another target to do my revenge. AVA WRENLEY... the daughter of the mistress. I swear that you won't be able to feel happiness in this world.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook