MAFIA 1

1325 Words
"Harder! Do it properly! Build your muscles!" "How will you be able to become a mafia in that kind of attitude?!" "You're so slow! Do it fast!" "Maintain your balance! You're lacking in so many ways! Are you sure that you want to be a mafia?!" "You don't deserve to be the mafia boss, if you keep on making mistakes!" "Kael! Magpakamatay ka na lang o sumuko! Hindi mo kaya ang maging isang mafia!" "DO YOU WANT TO MEET THE SAME FATE AS YOUR BROTHER?!" Hindi lang ang mga salitang 'yan ang narinig ko sa loob ng limang taon ng training ko. Marami pang mga salita akong narinig. Sa bawat oras, araw, buwan, at taon na lumilipas ay mas lalong nadadagdagan ang galit na nararamdaman ko. Si Dad lang naman ang nagte-train sa akin ng husto. Dahil gusto niya na matulad ako sa kaniya. Gusto niya na makuha ko ang husay niya sa pakikipaglaban. Bugbog kung bugbog ang inabot ko sa kaniya sa loob ng limang taon na pag-eensayo ko. Hindi lang naman siya ang nag-eensayo sa akin. Pati ang mga mahuhusay niyang tauhan ay tinuruan ako. I already have many scars in my body na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagaling ng husto. Natamo ko sa hampas ng kahoy, bakal, pagpaso ng apoy, at pagtama ng bala ng baril sa katawan ko. Gano'n ang klase ng ensayo na napagdaanan ko. Para lang maging karapat-dapat ako na mabigyan ng putang inang titolo na 'yan bilang isang MAFIA BOSS ng organisasyon na 'to. But five years was already enough. Ngayon ay isa na ako sa pinakamahusay na mafia sa organisasyon na 'to. Ngayon ay isa na ako sa kinatatakutan dito. Limang taon na muli ang nakalipas. Bali sampung taon na ang nakalipas mula noong dinala ko ang galit na 'to. Ang nasa isip ko na paghihiganti para sa mga tao na may kasalanan kung bakit namatay ang kapatid ko at kung bakit natamo ni Mom ang ganoong klase ng buhay. My anger and determination made me who I am today. That were the only reasons why I am still alive this day. "Boss, gusto mo po ba ulit ng bagong babae?" tanong sa akin ni Ryan. Isa siya sa tauhan ko na mas malapit sa akin. Sa lahat ng mga tauhan ko ay siya ang pinakamapagkakatiwalaan ko at siya lang din ang pinakamahusay sa trabaho. Kaya gusto ko rin ang ugali niya. Pero hindi na ako katulad ng ugali ko noong bata pa ako na mabait ako. Nagbago na ako, sampung taon na ang nakalipas. "Palpak ang binigay mo sa akin noong nakaraan, tsk. Hindi naman siya masarap sa kama. Sa susunod, tingnan mo naman 'yong masasarapan at matutuwa ako. And make sure na walang sakit. Ikaw ang papatayin ko sa oras na bigyan mo ako ng babae na may sakit at sobrang marumi," banta ko naman sa kaniya. Sinindihan ko na ang sigarilyo na hawak ko at agad 'yon na inilagay sa bibig ko. Ang gusto ko lang din kay Ryan, siya lang ang bukod tangi na hindi natatakot sa akin. Sa kadahilanan na handa naman daw siyang mamatay o mapatay ko kapag nakagawa siya ng kasalanan. Gano'n siya ka-loyal sa akin. Siya rin ang katulong ko para bantayan ang mga kilos ng ama ko. Magkasing-edad lang din kaming dalawa, parehas na bente-singko anyos. "I'm sorry. I didn't check her background thoroughly. Hindi ko alam na anak pala siya ng congressman dito." "Alam mo naman na kailangan nating lumayo sa mga politikang tao. I don't want that kind of troubles." Isa pang maganda sa kaniya ay ayaw din niya ang papatay ng isang tao na inosente o gusto lang talagang ipapatay. Kailangan ay malalaman muna namin ang dahilan kung bakit inutos na ipapatay sa organisasyon namin, bago namin gawin ang aksyon. "Noted on that, Boss." "Ah, I'm so bored! Any freaking news about that girl?" Binato ko na ang sigarilyo ko dahil ubos na. "Ah, speaking of. Ito na ang itsura niya ngayon." Ipinakita sa akin ni Ryan ang itsura ng babae na tinatanong ko sa kaniya. Sinuri ko naman 'yon ng mabuti. Si Ava Wrenley ang babae na tinititigan ko ngayon sa mga litrato. She has a fair white skin, long brown and curly hair, small rounded face, pinkish lips, and pointed nose. Medyo may katangkaran din siya. In short, maganda siya sa paningin ko. Napangisi naman ako habang tinitingnan ang mga litrato niya. "Mabuti na lang at maganda siya. She's perfect on my plans," kumento ko. "She will be the heir of La Viela Company starting tomorrow. What will be your move?" Ang La Viela Company ay ipapamana na sa kaniya ng magaling niyang ina. Kumpaniya 'yon ng mga damit, sapatos, bags, at accessories. Pero saan ba nakuha ng ina niya ang pera para sa kumpaniya na 'yon? Walang iba kundi sa kayamanan ng aking ina na namatay. Ikinasal ang ama ko at ang ina ng babae na 'to, isang taon matapos mamatay ni Mom. Pero hindi na ako nagpakita pa sa kanila. Sinabihan ko si Dad na wala akong pakialam kahit magkaroon na siya ng bagong pamilya. Basta 'wag na lang niya akong ipapakilala sa bago niya. Ayoko na makilala ako ni Ava. Ayokong malaman niya na ako ang anak ng bagong tinatawag niyang ama. Masisira lang ang mga plano ko sa oras na malaman niya kung sino ako. "We will do our first move. I have been waiting for this day to come for so long. Masiyado nang matagal na nabubuhay ang babae na 'yon. She deserves to die now," sagot ko kay Ryan. "Just tell me what time we will execute our plan, Boss. Nasabihan ko na din naman ang mga tauhan natin." I will ruin their happy day tomorrow. Sapat na ang sampung taon na nanahimik ako. Sapat na din ang lakas ko para labanan sila. I became the billionaire mafia boss on this day. I inherited my Mom's insurance and savings money. Wala akong nakuha na kahit piso sa ama ko. Wala rin siyang kaalam-alam na bumuo na ako ng sarili kong organisasyon ng mga Mafia. Hindi ko mamanahin ang organisasyon na sa kaniya nanggaling at siya ang bumuo. Nakakuha ako ng mga tauhan noon pa. Pero ngayon ay may mga kabataan kami na ineensayo. Dahil alam ko na dadating ang panahon na kailangan kong labanan ang ama ko, at ang kaniyang mga tauhan. I need to prepare myself for that. Magkaiba ng layunin ang organisasyon ko sa organisasyon ni Dad. MAFIA ORGANIZATION ang kay Dad. Ang layunin nila ay pumatay ng mga tao na inuutos sa kanilang patayin at saka sila babayaran ng malaking halaga. SUREÑOS -- Ito ang tawag sa organisasyon namin. Ang iba ay galing pa sa Italy o Mexico na mga matagal nang Mafia roon at napadpad na dito sa Pilipinas. Kaya naman mas mahuhusay sila. Pero hindi kasing husay ko. Dahil nagpunta na ako sa Italy noon para mag-ensayo ng husto at hindi alam ng ama ko. Ang layunin namin ay pumatay... ng mga taong mga kriminal. Hindi kami pumapatay ng mga taong inosente o inutos lang sa amin. We are hunting criminals and killing them without mercy, because they deserve to die. I became the youngest billionaire mafia boss in the history, without my Father's knowledge about it. Hindi ko hahayaan na malaman niya ang mga agenda ko. Alam kong kaya niya akong pigilan. Pero tumatanda na siya. Malapit na din siyang mawala sa mundo na ito. "Boss... Are you sure you won't fall in love with that girl?" Agad ko naman na nasakal si Ryan dahil sa tanong niya na 'yon sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Are you crazy?!" inis na sigaw ko sa kaniya. Natawa lang siya sa naging reaksyon ko, kaya binitawan ko na siya. "I'm sorry. I was just curious. Sobrang ganda niya, eh." "Ryan, f**k off. I won't ever fall in love with that girl who is bound to get killed by me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD