“Stop… confusing me, Kael,” sagot ni Ava sa akin. Iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin nang sabihin niya ‘yon. Napabuntong-hininga naman ako. I’m also confused… Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari sa akin. Kung bakit ganito ang mga kinikilos ko. But I just want to tell her everything that I think about. Gusto ko na maging open ako sa kaniya at maging vocal tungkol sa mga naiisip at nararamdaman ko. “I went here to tell you that… I won’t go as I planned against you. ‘Di ko na gagawin pa kung ano ang naplano ko laban sa ‘yo. Inaamin ko na nagplano ako na maghiganti laban sa ‘yo. Dahil ikaw na lang ang tanging natitira sa ina mo. Naisip ko na ikaw lang naman ang mayroon siya. Kaya naman ay ikaw ang naging target ko. Pero ngayon ay wala na akonng balak pa na ituloy

