“Bumalik na kayo sa inyong kaniya-kaniyang destino ng kampo. Sa oras na may makalabas tungkol sa nangyari sa araw na ‘to, alam niyo na kung ano ang mangyayari sa inyo. Mas malala pa sa mga nagawa ko sa mga bangkay na ‘to ang magagawa ko sa inyo. ‘Wag niyo ring isipin kung paano ko malalaman kung sino ang nagta-traydor sa akin. I have my own ways. Marami ang mga mata ko na nakapaligid sa inyo. Kaya ‘wag niyo nang tangkain pa na traydurin ako,” banta ko sa mga tauhan ko. “Masusunod, Amo!” sigaw nilang lahat sa akin. Pinaalis ko na sila sa lugar na ‘yon. Tinawagan ko naman si Rence para papuntahin sa lugar kung nasaan ako ngayon. Mga sampung minuto ako na naghintay sa kaniya. Sa sampung minuto na ‘yon ay nakatitig lang ako sa mga pinatay ko na nasa harapan ko. Iniisip ko kung paano ko kaka

