Parang moderno naman ang disenyo sa loob ng kubo. Pero sa labas ay mukhang pang-sinauna. Nakakamangha, kahit papaano. Ang ganda ng disenyo sa loob at simple lang. Hindi masakit sa mata. Isang malaking kama lang ang inaalok nila rito. Kaya naman ay wala kaming ibang choice ni Ava kundi ang magtabi. Pero sa laki naman ng kama, siguro naman ay ‘di magdidikit ang aming mga katawan. Ayos lang naman din kay Ava kung iisang kama lamang ang gagamitin namin. Nagawa na rin naman daw namin sa bahay ko. Hindi na rin ako umangal pa. Alam ko naman na ipaglalaban pa rin niya. Kaysa naman sa sofa ako humiga, o ‘di kaya ay si Ava ang hihiga sa sofa. “Lalabas na ako. Lilibutin ko na ang lugar. Sasama ka ba sa akin o matutulog ka na lang muna rito? Tutal ay sobrang aga pa naman. It’s just ten in the mornin

