“AAAHHH!” Naalimpungatan ako nang may marinig akong matinis na irit. Dahan-dahan ko namang inimulat ang mga mata ko. Saka ko naramdaman na may tao sa tabi ko. “Get off me! Why are you hugging me with… your naked body?!” Napabangon agad ako ng wala sa oras nang marinig ko ang isinigaw ni Ava. Napabangon din siya dahil mahigpit pala ang pagkakayakap ko sa kaniya. Kaya pala halos sumabog ang eardrums ko sa sigaw niya dahil sobrang lapit niya sa akin. Hinablot ko naman ang kumot para mas ibalot sa katawan ko. Hindi ko namalayan na nalaglag na pala sa sahig ang tuwalya na suot ko sa ibabang parte kagabi! Tang ina! Mabuti na lang at natakpan ng kumot ang alaga ko. Kundi ay baka nakita na niya ang kabuuan ko. Nanglalaki rin ang mga mata ni Ava habang nakatingin sa akin. Tinatakpan pa niya

