[KAEL ROWAN’S P.O.V.] “Ava is now mine,” matigas na sambit ko kay Jack. Hindi ko na siya gustong tawagin pa na ama ko. Lumapit ako kay Jack at inilayo siya sa pinto ng kwarto ni Ava. Kinatok ko naman ‘yon. “I’m already here. No need to be scared,” sambit ko naman sa kaniya. “Wow. You are now a night in shining armor of that girl? E akala ko ba galit ka sa ina n’yan? Bakit ngayon ay ang bait mo sa kaniya? Or don’t tell me… you have other plans for her?” Nginisian pa ako ni Jack nang sabihin niya ang mga salita na ‘yon. Hindi ko talaga makayanan ang mga pinagsasabi niya sa akin. Pati nga ang kausapin siya ay nakakasuka. “Wala kang pakialam kung ano ang gagawin ko sa kaniya. Wala ka ring pakialam kung pinagtatanggol ko siya ngayon. This is my house. My house, my rules.” “Hmm… Your

