GIORDAN Ang weird talaga. Kung kailan gabi na ay doon ko pa napagmasdan kung gaano kaganda si Gella. Napako ang mga mata ko sa mga mahahaba niyang pilik-mata na sumasayaw sa banayad na simoy ng malamig na hangin. Ibang-iba ang ningning ng kanyang mga mata ngayon kumpara noong una kong siyang makita. Maaliwalas at may pananabik ang kanyang pagtitig. Kumikislap ang dulo ng matangos niyang ilong na nakapatong sa pinkish niyang pisngi. Pati ang mga labi niya ay natural ang pagkapula. Tama si Luke. He may have enhanced her beauty too naturally perfect. Bumaba ang paningin ko sa kanyang suot. Naka- Adidas tank top siya na kulay puti na tinernuhan niya ng powder-blue na running shorts. Sinundan ng mata ko ang hugis ng kanyang balakang hanggang sa kanyang nakaumbok na puwitan. Hindi ko sinasadya

