GIORDAN “Whiskey, Dan.” Alok sa akin ng aking ama. Kilala ako ng aking mga magulang. Simula nang mag-desisyon akong baguhin ang aking sarili ay madalang na lang akong uminom ng alak na may tamis. Kinuha ko sa kanya ang wine glass at natuwa ako dahil nilagyan niya ito ng yelo. Whiskey on the rocks. Kilala talaga ako ng aking ama. Umupo siya sa metal naming upuan sa patio at humigop ng mainit na kape na kanyang hawak. Ugali na ng aking ama na magkape pagkatapos kumain. Sinundan ko siya at doon kami nagkuwentuhan. “Kumusta ang business?” “Maayos naman po, Pa. May itatayo po kaming bagong branch sa may Ortigas not later than April next year. Inaayos lang po namin ang magiging set ng menu po doon.” “Baka naman masyado ka nang subsob sa trabaho… Alalahanin mo rin si Garett.” “Opo, Pa. May

