GELLA "H-Hindi nyo po ba nagustuhan?" Kabado kong tanong sa pamilya ng amo ko. Nakatayo silang apat sa harapan ng mesa at wala ni isa sa kanila ang umuupo para kumain. "...Ito lang po kasi ang nakita kong rekado sa ref po ninyo... Pasensya na po kung hindi pang-Pasko ang nailuto ko..." "This is Filipino-style Adobo, right?" Ani ni Sir Gio. "Opo, Sir." "Hmmm." Sabi naman ni Ma'am Emy. Kumuha ito ng kutsara at sumandok ng maliit na piraso ng manok na may kasamang sabaw. Inamoy niya ito at tumingin kay Sir Gio. Pagkatapos ay nilingon niya ako. "Bakit may star anise?" "Ahh.h.. Masarap po kasi ang Adobo na may gata kapag may kaunting star anise at siling pula... May apple cider din po kayo kaya nakigamit na rin po ako... May... uhmmm... naglagay naman po ako ng mga karaniwang sangkap g

