✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ “Baby.” Magkatabi kami ni Xyrus sa kama niya, nakahiga at magkaharap habang nasa sahig naman si Lily at Frida, naglalaro. “Gusto mo na bang magpakasal?” Nakatitig siya sa mga mata ko. “Like, a real wedding. Not contracted. Not fake.” Hindi agad ako nakakibo. Gusto ko na ba? Gusto ko siya, oo. Pero hindi ko alam kung gusto ko nang matali agad. Pero gusto ko siya. I love him already. Pero kasi . . . parang may point din si Mama kanina. We need to get to know each other better. “Ikaw?” I asked back. “Gusto mo na ba?” Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya. “Kapag gusto mo na, okay sa ‘kin. If you’re not yet ready, okay lang din. It’s up to you.” “Twenty-three pa lang ako, Xyrus.” Bahagya akong napabugq ng hangin. “Bata pa ako. ‘Tsaka . . . tama rin si mama. Ka

