✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ NOONG unang beses pa lang naming pumunta sa lamay ng lola ni Lily, pumasok na sa isip ko ang pag-adopt sa bata dahil noong naroon kami at pinagmasdan ko siya habang nakikipaglaro sa kapwa niya bata, hindi ko naiwasang mapaisip. Kunwari kong inilagay si Frida sa sitwasyon niya. Kunwari si Frida ang naulila. Si Frida ang sa gano’ng edad ay walang kasama sa buhay. That thought made my heart ache. I mean, kahit hindi si Frida. Kahit sino’ng bata na nasa ganoong sitwasyon, talagang sasakit ang dibdib mo. At mas lalo pa akong nasaktan dahil habang pinagmamasdan ko no’ng time na ‘yon si Lily, naisip ko lahat ng mga nabasa ko sa diary ni Tate na pinagdaanan niya noong bata pa siya. Sa diary niya, doon ko na-realize kung gaano kahirap ang lumaki na walang mga magulang at kam

