✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ HINDI ako umalis sa ospital dahil gusto kong makasiguro na safe ang magiging operasyon ni Tate. Hindi ko alam na sobra na pa lang lala ng kalagayan niya. Kaya pala sa sasakyan pa lang kanina noong pauwi kami, parang pansin kong maputla siya. Pero ang pumasok sa isip ko, baka kinakabahan lang siya kina mom at dad kaya gano’n. “Xyrus!” Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses ni Marie. Lakad-takbo ang ginagawa niya palapit sa akin sa waiting area. Alam kong nakauwi na siya sa bahay ko kanina pa. Natanggap ko ang text message niya noong kasalukuyan kaming nasa harap ng apartment ni Tate kasama ang mga pulis at sinabi nga niyang kararating niya lang. Alam niya naman ang passcode sa bahay ko at binigyan ko rin siya ng susi sa gate kaya siya nakapasok. Pero kanina, hindi

