✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ “Careful, Tate.” Todo ang pag-alalay sa akin ni Xyrus habang pababa ako sa sasakyan niya. Si Marie naman ang siyang may bitbit ng bag na may mga gamit ko. Actually, mga damit ‘yon na siya ang bumili para may pamalit ako habang nasa ospital. Hindi ko alam na binilhan niya ako ng mga damit, even undergarments. Sobrang nakakahiya tuloy. Siya rin ang naging tagapag-alaga ko sa loob ng apat na araw ko sa ospital dahil hindi naman ako puwedeng bantayan ni Xyrus nang full time dahil pumapasok ito sa school. Dumadaan lang siya sa ospital tuwing umaga bago pumasok, at daraan ulit siya sa hapon pag-uwi niya. Hanggang gabi na siya roon, at kung minsan ay halili sila ni Marie na nagbabantay sa akin. Ngayon, narito na kami sa bahay niya. Gusto ko sanang doon sa apartment ko umuwi

